Chapter 24: Flashback from the past

2.1K 51 3
                                    

(magkaklase pa lang sila Neil at Chunji hindi pa nagtransfer si Chunji at first year high school pa lang sila) 3 Years ago. 

"hoooo! Wala na talo na yan!"

"booooo!"

Sigawan ng mga tao sa loob ng abandonadong court. Malayo ito sa sibilisasyon at konti lamang ang nakakaalam sa lugar na ito. Kasalukuyang naglalaban ang magkabilang Team ng Basketball, not just a basketball like those ordinary people's playing. Iba ang rules sa larong ito.

"prrrttttt" Pito ng referee na kapwa rin nila studyante at nag sign na ihinto ang laban."talo nayan sigurado ako! Hindi na nagsasawa ang grupong yan hahamon hamon palagi namang talo!"

Umupo sa benches ang makabilang kupunan at parehas na naghahabol ng hininga. Hindi nila mapigilan na magtitigan sa isa't isa. Ni isa sa kanila ay ayaw magpatalo. Kulang na lang magpatayan sila sa talim ng pagkakatitigan nila sa isa't-isa specially chunji at kai.

"brad anong plano? Limang puntos na lang panalo na sila" nababahalang tanong ni Andrei kay Kai.

Hindi naman ito sumagot. Nag iisip lang sya kung anong pwedeng gawin. Hindi sya pwedeng matalo! Nag promise sya sa kapatid nya na pagbalik nito ay dala dala na nito ang paborito nyang laruan! Isip kai isip!

Bigla na lang nag pop sa isip nya ang sinabi ng ka team nyang si Seus. Kung kailangan daanin sa dahas gagawin natin! Pero ayaw nyang mangdaya. Oo gusto nya talagang sila ang manalo in a good way hindi yung may halong pandaraya.

Bakit nga ba sya nababahala kung matalo sila? Ayaw nyang matawag na talunan gusto nyang ipamukha sa chunji nayun na sya ang nararapat at hindi sya! at higit sa lahat desperado syang makuha ang pera na nagkakahalagang sampung libo galing ito sa pustahan ng mga manunuood. Shit! kung hindi lang ako nangangaylangan ng pera ehh! At mas lalong ayokong maging kawawa sa harap ng lalaking yun ipapakita ko sa kanya!

"prrrrrtttt!" Pumito ang referee hudyat na magsisimula na ang laban.

"bahala na!"

Nasa kupunan nila Chunji ang bola at ngayon ay hawak-hawak ito ni changjo. Kita mo sa mata nito ang salitang PANALO NA KAMI! Mas lalong kinabahan si kai lalo pa at kaharap nito si chunji na anytime ay handa itong harangan sya sa pagkuha ng bola kay Changjo.

Tahimik naman ang mga nanunuod at hinihintay ang susunod na mangyayari. Animo'y may basagan ng mukha ang mangyayari at ganun na lang ang konsentrasyon nila sa panonood. Kating kati na sila sa susunod na mangyayari. Nawala sa konsentrasyon si kai ng makita nya ang matalim na bagay na hawak hawak ni Seus. Shit! Oo aminado sya may pagka gago si Seus pero yung nais nitong gawin ngayon hindi nya gustong mangyari yun. Sa unang linggo ng pagkatalo nila pakiramdam nya ay nasa impyerno sya! Ang cold ng pakikitungo sa kanya ng ka teammates nya expected nya na yun since malaki ang expectation nila sa kanya kaya nga sya tinanggap sa grupo subalit nung natalo sila sobrang disappointment ang naramdaman ng teammates nya.

Ang larong ito ay importante sa kanila. Ang pagkapanalo ng bawat team ang magiging daan upang makilala sila upang hangarin na sila ang champion sa larangan ng Dirty Basketball. Tinawag nila itong dirty basketball dahil sa rules ng larong ito. Paunahan silang maka 30 points in a good way or bad way basta walang gagamit ng matatalim ng bagay tulad ng kutsilyo. Kung kailangang sikmuraan ang kalaban gagawin mo maka puntos ka lang!

May benipisyo karing matatanggap kapag nanalo ka. Bukod sa may pera kang makukuha mula sa pusta ng mga nanunuod pwede mo ring kunin ang gamit ng natalong kalaban wala syang magagawa dahil nasa rules iyon. Marami ang nahuhumaling na studyante sa larong ito specially boys! Para sa kanila isa itong hamon sa sarili nila niether katuwaan! Makakatulong din kasi ang larong ito kapag may street fights na nagaganap sa kanto. Tutulungan ka nila as long as kayo ang hinirang na prinsipe sa Dirty Basketball with straight five wins

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon