|POPPY'S POV|
Sumapit ang araw ng exam. Maaga palang pero gising na ako para iscan ang notebook ko. Tandang tanda ko pa ang mga nireview namin ni Chunji, paano kasi hindi nya ako tinantanan hanggat hindi ko maperfect ang mga pinasagot nya. Sinulyapan ko ang phone ko at baka sakaling may text na galing kay Chunji kaso wala pa. Noong Monday pa ang huling tawag nya at hanggang ngayon ay wala parin. Maybe they are busy. Gusto ko syang tawagan kaso baka makaistorbo ako sa kanila kaya hinihintay ko na lang na sya mismo ang tumawag.
Nang masilayan ko ang pagsikat ng araw ay naligo na ako at doon na lang sa school itutuloy ang pagrereview. Nagpahatid ako kay manong Joe at mabilis na tinahak ang classroom namin. Nakita ko na agad si Bridgette sa may pintuan at mukhang may hinihintay sya. Hindi narin nya ako kinulit simula noong nahalata nyang may something sa amin ni Chunji, ngayon ko na lang sya ulit makakaharap.
"Poppy" napatigil ako at hinarap sya.
"B-bakit?" napakunot ang noo ko. Ano naman ang kailangan nya sa akin?
"Uhm goodluck sa exam" sabi nya at mabilis na umalis.
Mas lalong kumunot ang noo ko, para syang natetense at may gustong sabihin na hindi nya masabi sabi. Hindi ko na lang pinansin ang tinuran nya at pumasok na ng room. Napabuntong hininga ako at tinignan ang bakanteng upuan sa tabi ko. Ang upuan ni Chunji na bakante sa loob ng tatlong linngo. Sya nanaman ang iniisip ko! Kailangan kung mag concentrate sa exam para mataas ang makuha ko tulad ng promise ko sa kanya.
Naging maganda ang unang pagsagot ko sa exam, halos na pag-aralan namin lahat ni Chunji ang nakalagay sa test paper kaya naman hindi ako masyadong nahirapan. Nang matapos kung masagutan ang unang exam ay linagay ko na 'yon sa lamesa ni mam na halos nanlaki ang mata ng makitang ako ang unang nakatapos.
"In thirty minutes natapos muna? Sigurado ka ba sa sagot mo Miss Shin?"
"Opo, nagreview po kasi ako kaya hindi masyadong nahirapan" Nakangiti kung sagot at bumalik sa upuan ko.
Nakaawang naman ang labi ni Hyunwoo ng bumalik ako sa upuan ko, medyo malayo nga lang sya dahil one seat apart ang ayos ng upuan namin.
"Ang bilis!" Bulong nya na rinig ko naman.
"Nagreview akong mabuti" nilagay ko pa ang isa kung kamay sa gilid ng labi ko at nag thumbs up sa kanya.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ring matapos ang ilan kung kaklase, mukhang hindi rin sila nahirapan dahil nakangiti sila habang pinapasa ang test paper. Napatingin ulit ako sa phone ko pero wala paring Chunji na nagparamdam. Ano na kaya ang ginagawa nya? Sabi nya araw araw syang tawag or baka busy lang talaga sila. Alam nyang ngayon ang exam, baka ayaw nya lang akong istorbohin.
Napasimangot ako at sinimulan nang sagutan ang sumunod na test paper. Science. Mas lalo akong sumimangot nang makita ang set ng computations. Ayoko talaga sa numbers!
Inabala ko ang sarili ko sa exam, ganun din ang nangyari sa nga sumunod pang araw, gigising ng maaga magrereview sandali at kung ano ano pang paghahanda. Friday na at hanggang ngayon ay wala parin akong tawag na natatanggap kay Chunji, hindi tuloy ako masyadong makapagfocus dahil iniisip ko sya. Masyado ba syang busy at pati pagtawag sa akin ay hindi nya magawa? Apat na araw na nya akong hindi tinatawagan! Ni sabihin man lang ang salitang 'Goodluck' ay hindi nya nagawa!
"Poppy baka busy lang talaga sila, alam mo naman ang mga modelo diba? At diba nga sabi nya sayo mag ttraining sila?" Tumango ako bilang sagot kay Hyunwoo at pilit na nginuya ang kinakain kung lasagna.
"Huwag ka ng mag aalala malay mo tatawag din sya mamaya or ayaw nya lang mang istorbo dahil nag eexam tayo" Sabi naman ni Yael.
Tumango na lang ako at inubos ang kinakain ko, nagkaroon lang ng konting break pagkatapos nito balik exam nanaman. Isang subject na lang ay matatapos na ang exam namin, halfday kami ngayon at may kanya kanya ng plano ang mga kaklase ko para mag unwind matapos ang madugong week. Si Yael at Hyunwoo naman ay may plano na rin, gusto nga rin nila akong isama kaso tumanggi ako. Date nila 'yon at ayoko namang mangistorbo. Sila Neil naman may gagawin daw sila kaya hindi nila ako masasamahan. Well I guess, magkukulong na lang ako sa kwarto ko at matutulog.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansaDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...