Chapter 23: Wrong Move

2.2K 52 4
                                    

|KAI'S POV|

"ano ba talagang ngyari?"

"at bakit kasama mo yung chunji na yun?

"at sino yung babae?" Tanong nila tss! as if naman sasagutin ko sila diba? Para saan pa? nagyari na ehh tapos na!

Andito kami ngayon sa bahay ni Suho ang pinakamayaman sa aming magbabarkada. Ewan ko ba sa mga yan dito ako dinala ehh ginamot na din ni kyungsoo yung sugat ko sya ang pinaka close ko sa aming magkakaibigan. Tangina talaga! Nakakabwisit yung tatlong lalaking yun! Pasalamat sila at hindi ko sila pinatulan! At pasalamat sila dahil masakit ang ulo ko ngayon! This past few days laging  sumasakit ang ulo ko nag tatake naman ako ng gamot pero ewan ko ba parang hindi naman tumatalab yung gamot na binibigay sa akin ng doctor.

Pauwi na sana ako nun ehh sa kabilang subdivision lang naman ako nakatira kaya linakad ko na lang tutal malapit lang naman yung park na pinagpractisan ko kanina. Hindi ko matandaan yung pagmumukha ng tatlong lalaki kanina at sa pagkakaalam ko wala pa naman akong nagagawang kagaguhan simula nung lumabas ako ng ospital kaya talaga namang nagulat ako nung bigla nila akong tinambangan kanina! Hindi ko na sana sila papansinin kaso talagang nabwisit ako sa sinabi nila!

"oh ano? parang natatakot ka ata? aww kawawang kai walang magtatanggol sayo ngayon" Pinalungkot nya pa yung boses nya na parang naaawa sa akin.

"wala akong panahon sa mga kagaya nyo sayang lang ang oras ko pag papatulan ko kayo!"

"oh baka naman natatakot ka lang? Tell me hindi mo pa rin ba tanggap na natalo kani chunji?" Bulong nya sa tenga ko na akala mo naman eh natatakot ako sa sinabi nya

"aww wala naman pala are ehh! Weak parin si kai!" nagtawanan sila sa sinabi nya at nag apir pa sila

Shit! ano bang gusto ng tatlong lalaking ito? At sino ba sila?! Anong kailangan nila at bakit pa nila inuungkat ang pangyayaring yun! Ako hindi tanggap?! Asa sila may tamang panahon para jan sa ngayon kailangan ko munang gawin ang unang hakbang!

Hindi ko na lang sila pinansin at akmang aalis na sana ako ng pigilan ako nung parang leader nila

"aba! bastos ka ahh! kinakausap ka pa namin!"

"bitawan mo ako!" sabi ko at nakipagtagisan pa ako ng tingin sa kanya

"alam mo! nakakasura ka! kayo ng grupo mo! ang yayabang nyo akala nyo naman kung sino kayo palibhasa hindi nila alam na mandaraya kayo kaya natalo nyo ang grupo nila neil dahil mandaraya kayo!"

Anong pinagsasabi nito?!

"wala akong alam sa mga sinasabi mo kaya pwede ba bitawan mo ako!" iwinaksi ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at naglakad paalis ngunit nakakadalawang hakbang palang ako ng bigla nya akong hilain at sinuntok sa panga!

At yun na nga yung nangyari at paanong nasali ang ugok na chunji nayun ehh nabwibwisit nga ako sa tuwing nakikita ko ang lalaking yun! At mas lalo akong nabwisit nung biglang dumating si poppy! Kapag minamalas ka nga naman ohh wala akong nagawa kundi ang magpasuntok sa kanila mahirap na baka idamay nila si poppy pero anak ng! Hindi ko aakalain na matapang pala ang babaeng yun! At talagang may balak syang tulungan ako. Mas lalo akong nabwisit nung sasampalin na sana nya si poppy pero nagulat ako nung biglang dumating si chunji! It's my time para gawin ang unang hakbang *smirk* Tignan lang natin chunji! Makakaganti rin ako sa iyo!

"hoy! sumagot ka naman tinatanong ka namin!" Tanong ni baekhyun na ngayon ay nakaupo sa tabi ko

"wala nga ehh at isa pa konting pasa lang ito!"

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon