<POPPY’SPOV>
Dalawang araw na akong hindi lumalabas ng bahay kahit walang pasok dahil weekend naman, ewan ko ba gusto ko lang magkulong dito sa kwarto ko at makapag isip isip. Hindi ako kinakausap ni Chunji sa loob ng dalawang araw iniiwasan nya ako. Dati ako ang umiiwas sa kanya ngayon naman sya ang umiiwas, para tuloy kaming magshota na nagtatampuhan! Naku kung wala lang talaga akong kasalanan kay Chunji hindi ko yun kakausapin! >.<
Oo aaminin ko na na may kasalanan ako, siguro nga gusto lang akong protektahan ni Chunji ewan ko na lang kung anong klaseng pagpapaprotekta ang gusto nya. At sino ba yung Sheila nayun? Anong kinalaman nya kay Chunji at Kai? Mukhang kailangan ko na talagang kausapin si Chunji at mag sorry narin. Tuwing naiisip ko yung mga sinabi ni Kai pakiramdam ko ginamit nya lang talaga ako at hindi tinuring bilang isang kaibigan. Gusto ko syang kausapin pero gusto ko pag nagkausap na kami okay na kami ni Chunji para si Kai na lang ang proproblemahin ko.
Nagpagulong gulong ako sa kama bago bumangon at huminga ng malalim. Sige na nga mag sosorry na ako sa mokong nayun! Kahit sigawan nya ako at dedmahin okay lang, basta mag sosorry ako. Naku sana lang pansinin na nya ako.
Gusto ko din namang magbati na silang magkapatid eh, lalo na at may sakit si Kai, aalis na sya mamayang hapon tinext nya ako kagabi dahil pagpapagamot sya sa ibang bansa, magkapatid parin naman sila sa ama at isa pa gusto kong pag usapan nila ang mga nangyari sa kanila noon kahit wala akong alam doon para narin mawala yung galit nila sa isa’t isa.
Dahan dahan akong bumaba at hindi lumikha ng ingay para hindi mahalata ni Chunji na andito lang ako sa paligid mahirap na baka bigla akong takbuhan nun. Buti na lang at andito sya sa bahay para mas madali ko syang makausap.
Nakita ko sya sa may sala, nakahiga sa sofa habang nanunood ng WWE Superstars kumakain pa ng Pringles. Hindi muna ako nagpakita sa kanya at nagtago lang sa likod ng hagdan. Naiinis ako! Lately kasi palaging bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko sya o kaya ay kapag lumalapit sya sa akin. Nagiging abnormal ang tibok ng puso, oh baka naman may gusto na ako sa kanya? Teka! Ako may gusto kay Chunji! Umiling iling lang ako para mawala ang mga iniisip ko.
Huminga ako ng malalim at rinelax ang sarili ko. Nagsisimula nanaman kasing bumilis ang tibok ng puso ko >.<
Dahan dahan akong umupo sa tabi ng sofa at tinignan sya, napansin naman nya ako kaya tinignan nya ako at nginitian ko sya ng sobrang lapad.
Tinaasan lang nya ako ng kilay sabay ikot ng mata nya at ibinalik ang tingin sa TV. Aba! Antipatiko! Dinedma ako! Naku umi-epal nanaman ang pagkasungit nya!
Relax Poppy relax isipin mo na lang hindi ka nya nakita.
“Hi!”
Tulad nga po ng ginawa nya kanina tinignan lang nya ako at ibinalik ulit ang tingin sa TV.
Naku talaga! Patience Poppy Patience!
“ahh Chunji—“
“Problema mo?”
“ahh Gusto lang sana kitang makausap ku—“
“Wala akong sasabihin sayo kaya bakit kita kakausapin?”
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa laylayan ng damit ko at kinagat ang ibabang labi ko. Parang akin ata yung linyang yun ahh? Teka! Gumaganti ba sya?!
“ehh kasi may sasabihin lang naman ako”
“Wala nga akong sasabihin sayo!”
Bigla na lang syang tumayo at tuloy tuloy na pumuntang kusina ng hindi man lang ako linilingon. Wah! Bakit ang hirap nya atang paamuhin?!
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...