Chapter32: Back to Normal

1.7K 39 0
                                    

|HYUNWOO’S POV|

“paano pre hindi ka na sasabay?” Tanong ni Julian sabay kuha ng mga gamit nya

“Hindi na Julian may dadaanan pa ako sa mall”

Kakarating lang namin dito sa Manila galing ng Cebu matagal tagal din ang byahe kaya naman talagang nangalawit ang leeg  ko. Nag unat unat muna ako bago ko inabot yung gamit ko kay Julian.

“pasuyo na lang ito Julian sayang din naman kasi yung pamasahe kung uuwi pa ako”

“sige ako ng bahala”

Nagpaalam na ako sa kanila at pumara ng taxi papuntang malapit na mall. Halos two weeks din akong nawala dahil sa ensayo namin sa Taekwondo. Well okay naman yung training mahirap sya lalo na nung unang linggo namin, para nga akong nabalian ng buto sa unang araw ng training namin ang sakit ng buo kong katawan kaya naman bagsak kaagad ako sa kama nung araw nayun. Ang mga sumunod na araw ay mas lalong mahirap yung mga tinuro nila muntik pa nga akong mabalian ng buto dahil mali yung pagkakabagsak ko sa sahig buti na lang talaga at nag cramps lang yung  paa ko yun nga lang disadvantage yun sa akin hindi tuloy ako nakaensayo nung araw nayun. 

Okay naman yung training madami din kaming natutunan, masaya at enjoy naman may araw kasi na naggala lang kami at nag libot-libot. Nagkaroon ako ng oras para bilhan ng pasalubong si Poppy, bumili ako ng keychains, damit  at pagkain yun pa eh hang takaw takaw nun. Kalimutan muna ang lahat huwag lang ang pagkain 

Huminga ako ng malalim at ibinaling ang tingin sa bintana, kamusta na kaya si Poppy? Miss na miss ko na sya. Hindi kasi kami ganung nakakapag usap sa loob ng dalawang linggo. Palagi kasing busy sa training at limited lang yung time ng pahinga namin.

“sir andito na po tayo” sabi ni manong driver

Inabot ko na yung bayad ko at bumaba.

Ano nga bang bibilhin ko dito sa mall? Si Poppy kasi tinext ko kagabi na uuwi ako ngayon tapos ayun na nag pabili na ng kung ano-ano. Yung pasalubong nya daw huwag kong kakalimutan lalo na yung Chocolate. Tss ang adik talaga sa matamis

Papasok na sana ako sa loob ng may mapansin akong babae na nakaupo sa sahig at parang namimilipit sa sakit yung paa nya. Linapitan ko sya at tinulungang makatayo.

“miss okay ka lang?” Tanong ko at hinawakan sya sa magkabilang balikat

“medyo, natapilok kasi ako sakit tuloy ng paa ko” sabi nya na parang bata, gusto ko tuloy matawa parehas sila ni Poppy, mas lalo ko tuloy syang namimiss.

“halika tulungan kita”

Binuhat ko sya ng pang bagong kasal at inupo sa benches sa gilid. Umupo ako sa harap nya at hinilot yung paa nya.

“a-aray”

“masakit ba? Sandali lang ito may naipit lang siguro na ugat” sagot ko naman at ipinagpatuloy ang panghihilot sa may bandang ankle bone nya.

Hindi naman sya nag reklamo, impit lang syang napapa sigaw sa tuwing iniikot ko yung paa nya. Medyo namumula rin yung maputi nyang balat dala siguro ng pagkakahilot ko.

“oh ayan tapos na, masakit pa ba?” tanong ko at umupo ako sa tabi nya

Pinakiramdaman naman nya yung paa nya at inikot ikot, hinawakan pa nya ito na parang na aamaze, bakit parang ang weird ata nya? 

“ang galing wala na yung sakit!” sabi nya at ngumiti pa sa akin

“mag ingat ka kasi minsan miss, buti na lang at nakita kita”

“oo nga ehh, salamat nga pala”

“wala yun hehe” nginitian ko sya at ibinaling sa ibang direksyon ang tingin ko makatitig kasi parang wanted naman ako sa mga pulis 

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon