|POPPY'S POV|
"poppy ito pala yung mga bibilhin mo" binigay sa akin ng president namin sa room ang papel "dapat before lunch andito ka na haa? bye!" umalis na sya at iniwan akong nakatayo dito sa tapat ng pintuan
Arghh! bat kasi ako pa yung nautusan? Wala pa naman akong kasamang bibili ngayon wah! Dapat sana walang pasok ngayon ehh kaso pinapunta kami sa school para lagyan ng arte yung room namin isa yun sa mga requirements namin sa Home Room at dagdag points narin kapag naki participate ka sa pag dedecorate.
Tumila na ang ulan pero umaambon parin sana lang huwag nyang lakasan. Kung tatanungin nyo kung ano ang ngyari sa amin ni chunji kagabi? wah! huwag na nahihiya ako. Nakatulog kami sa ganung pwesto.. yeah right sa sala kami natulog at nakaunan ako sa matitipuno nyang dibdib habang yung isa nyang kamay ehh naka yakap sa may bewang ko. Nagising ako nun ng 4:00 at yun nga yung pwesto namin pagkagising ko gigisingin ko na sana sya para sa kwarto na lang namin matulog pero wala ehh ang hirap nyang gisingain kaya pinabayaan ko na lang. Tapos nung nagising ako kaninang 6:39 nasa kwarto na ako at pagkababa ko sa kusina nakaluto narin sya at may note pa haa ang nakalagay ehh 'goodmorning poppy, may laway ka pa ohh' yes yun lang ang nakalagay nakakabwisit talaga yung pangit nayun! sarap hampasin ng speaker umagang umaga nang bwibwisit na! kaya ayun po sira na ang araw ko!
Paalis na sana ako ng may pumigil sa akin at ang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko.
"may nakalimutan pala akong ibigay" yung president namin. Ibinigay nya sa akin yung pera na nakalagay sa malaking wallet at at umalis na sya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at sumakay ng jeep papuntang mall. Kung bakit kasi may practice ng taekwondo si hyunwoo ngayon? Yan tuloy wala akong kasama hindi ko rin naman ka close yung iba kong kaklase ewan basta hindi ko sila ka close.
"paabot po" kinuha ko yung pamasahe ni manong naka black na nakahawak ng skateboard na katabi ko at inabot kay manong driver yung pera. Magbabayad na sana ako ng mabitiwan ko yung pitaka ko pupulutin ko na sana ng maunahan ako ng katabi ko.
"miss pita-- Oh poppy ikaw pala!"
"kai!" Ibinigay nya sa akin yung pitaka ko sabay ngiti
"kamusta?"
"okay naman hehe ikaw ba?"
"okay lang din puntang plaza practice ulit" at tinaas nya pa konti yung hawak nyang skateboard
"ahh ganun ba hehe" medyo nahihiya ako.. bakit? ehh kasi hindi naman kami masyadong close diba? at hindi naman kami pormal na nagkakilala you know niligtas nya lang ako nuon
"so san punta mo? wala kang klase?" pagiiba nya ng usapan buti na lang konti lang ang mga pasahero medyo malakas kasi yung pagkakasabi nya dahil maingay sa labas busina dito busina doon.
"ahh jan lang sa mall may bibilhin lang hehe yup wala kaming klase ikaw ba?"
"hindi naman ako nag aaral ehh" tumawa pa siya ng mahina, huh? hindi nag aaral? bakit naman?
"wala lang ayokong mag aral" seryosong sabi nya
"paano mo-"
"its written on your face poppy ,ayokong mag-aral alam ko naman ng magsulat at magbasa kaya why should i? " ngumit pa sya na parang wala lang sa kanya yung sinabi nya..Mind reader ba sya or what?
Na curious tuloy ako sa pagkatao nya at the same time kinilabutan?
Umiwas ako ng tingin at tumawa ng mahina "ehh pero kahit na kailangan mo paring magpatuloy sa pag aaral para sa--"
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomantikDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...