|POPPY'S POV|
Nanlaki ang mata nya at tinitigan lang ang envelope na hawak ko. Halata sa mukha nya na gulat na gulat sya at hindi nya inaasahan na makikita ko ang tinatago nyang kontrata. Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. He will not leave you Poppy. Pilit ko 'yang tinatatak sa utak ko pero 'yong reaksyon nya, aaminin na nya kung ano'ng meron sa papel na ito. Think positive Poppy!
"Where did you get this?" paos ang boses nyang sabi at kinuha ang envelope sa akin na nanginginig ang kamay.
"Are you leaving me? Aalis ka ng hindi mo man lang sasabihin sa akin?"
Pansin ko ang mabibigat nyang paghinga at pagpikit ng mata. Itinabi nya ang envelope at hinawakan ang dalawang kamay ko at dinala 'yon sa labi nya. The warmth of his kisses. Gusto kung umiyak pero walang lumabas na luha sa mata ko. I'm scared, ano ang magiging desisyon nya?
"Poppy, I am not leaving you"
"Talaga?" Nabuhayan ako ng loob sa sinabi nya ngunit kaagad ring may bumara sa lalamunan ko sa sumunod nyang sinabi.
"Aalis ako pero babalik din. Hindi ako magtagtatagal sa UK"
"So aalis ka!" Hinila ko ang kamay ko at pinunasan ang tumulong luha ko.
Am I just over reacting? Hindi ko maiiwasang umiyak lalo pa at ngayon lang nya sinabi sa akin 'to samantalang sa linggo na ang alis nya. What if hindi ko ito nakita? Mawawala na lang syang parang bula?
"I'm sorry, sasabihin ko sana sayo ngayon kaso naunahan mo ako. Nag desisyon akong mabuti kung sasama ako sa UK o' hindi. I can reject it pero nakiusap ang manager ko"
"You're choosing that fashion show over me? Tatlong linggo 'yan Chunji at sa linggo na ang alis mo at ngayon mo lang binalak ipaalam sa akin?" Napabuntong hininga sya at sumandal sa upuan nya. Mabigat ito para sa akin dahil wala akong kamuwang muwang na aalis sya.
Tahimik lang kami at pinapakiramdaman ang bawat isa. I can't even think straight here, para akong na susuffocate. I need to be alone, to think wisely. Tatlong linggo lang 'yon pero grabe na ako kung makareact, I just love him that much na ayokong mawalay sya sa tabi ko.
"Poppy, huwag ka ng magalit please. What do you want then? Tell me susundin ko. I'll reject that offer if that's what you want"
Napatingin ako sa kanya ngunit umiwas lang sya ng tingin. Kitang kita ko ang pagkalukot ng kanyang mukha. Sinabi nya lang 'yon para huwag akong magalit pero bakas sa mukha nya na importante talaga ang event na 'yon sa UK.
"Is that important?"
"Very" Tumingin sya sa akin at muling hinawakan ang kamay ko at dinala 'yon sa pisngi nya. "Pero kung ayaw mo akong pumunta then mag papaiwan ako. Mas importante ka kahit sa ano pa man na bagay"
Napailing iling ako at hinaplos ang pisngi nya. He really loves me na kaya nyang bitawan ang offer na 'yon dahil lang sa ayokong iwan nya ako. Ang sama sama ko kung pagbabawalan ko syang umalis. Ang mundo nya ay umiikot na sa pagmomodel hindi pa man nya ako na kikilala. Sino ako para hadlangan sya sa passion nya? I'm his girlfriend at dapat ay suportahan ko sya.
"You should go then" natigilan sya sa sinabi ko.
"Pero.. Look Poppy ayos lang talaga sa akin kung ayaw mo and besides ayaw ko ring umalis. Atsaka tatapusin ko na ang kontrata ko sa modelling last na ito"
"What? At bakit mo gagawin 'yon? Kita ko kung gaano mo kamahal ang trabaho mo. You can't just give up on it" ngumiti sya ng pilit at napailing iling.
"Mas importante ka, more than everything. Gusto kung mag settle down. Mag cocollege na tayo Poppy apat na buwan na lang. Magpopokus ako sa pagaaral para sa atin. Sa future natin"
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansaDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...
