Chapter 48: Admirer it is

1.3K 28 0
                                    

|POPPY'S POV|

"Kapag nasa bahay ka ang takaw mo naman kumain a' pero bakit ngayon ang konti ng kinakain mo?" naiwan sa ere ang kamay ko at isusubo nasana ang kanin ng sabihin yan sa akin ni Chunji dahilan para mapatingin ako sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay at iritadong hinihintay ang sasabihin ko.

"Baka naman hindi sya gutom" pakikisingit naman ni Hyunwoo na ngayon ay katatapos lang kumain. Lunch namin ngayon at napagdesisyunang sabay sabay kaming kumain. Ang gusto nga ni Chunji e' kami lang pero umayaw ako, magtataka ang mga tao kapag nakita nila kaming sabay kaming kumakain. Hindi pa man din nila alam na may relasyon kami at nakatira kami sa iisang bubong.

"Palaging gutom yan, tignan nyo nga o' taba taba ng pisngi nya" sabi nya at pinisil pisil ang pisngi ko. Napangiwi ako at ngumuso, masakit kaya!

"hindi nga kasi ako gutom"

"tignan mo" natatawang sabi ni Hyunwoo at pinunasan ang gilid ng labi ni Yael. Kainis! Buti pa sila alam na ng ibang studyante ang relasyon nila e' kami ni Chunji, mukhang kailangan pa naming itago.

"Kumain ka nga kasi ng madami!" mariin nyang sabi at sinubo sa akin ang kanin na may ulam na wala man lang pasabi! Nabilaukan pa ako sa dami ng sinubo nya, kinuha naman nya 'yong tubig sa tabi nya at pinainom 'yon sa akin.

"Ayos ka lang Poppy?" nagaalalang tanong ni Yael at binigyan ako ng tissue, kinuha ko 'yon at pinunasan ang gilid ng labi ko habang tumatango. Tinignan ko sya ng masama pero kinunutan nya lang ako ng noo at pumikit. Ano ba ang problema nya!

"you looks like in a deep thought, iniisip mo nanaman ba sila Neil? Ang parents natin at ang mga taong nakapaligid sa atin?" napahinto ako sa pagpupunas at tinabi 'yon.

"Anong problema nyo sa kanila? Teka kami lang ba ang nakakaalam na may relasyon kayo?" Tumango ako bilang sagot at kinagat ang ibabang labi ko. Hindi naman 'yon ang iniisip ko e', ayos na sa akin 'yong sinabi nya kagabi na tyetyempo kami. Sadyang hindi lang talaga ako gutom.

"Hindi ko 'yon iniisip, hindi lang talaga ako gutom"

"ano ba ang problema kapag nalaman nilang kayo na? Kaibigan nyo sila at parents susuportahan nila kayo, tulad namin" nakangiting sabi ni Yael ngunit hindi parin maitatanggi ang pagtataka sa boses nya.

"Hindi lang basta basta ang problema kapag nalaman nilang kami na ni Poppy, papatayin ako nila Neil at ang parents namin? I don't know baka kung ano ang isipin nila. Baka isipin nilang binabahay ko na sya at ang media? Ayokong pagkaguluhan nila si Poppy at may mga issue pa ako sa media na hindi naman totoo" mahaba nyang sabi at sinubo nanaman sa akin ang kanin. Kinain ko na lang 'yon at yumuko, pansin ko ang mga studyanteng nakatingin sa amin. Kulang na lang ay lumitaw ang question mark sa mukha nila dahil sa sobrang titig sa amin, 'yong iba ay nakaawang na ang kanilang labi.

"So anong plano nyo? Alam mo pre mahirap yan, model ka pa naman" ramdam ko ang mabibigat nyang paghinga at napapapikit ng mariin. Is it wrong na maging kami? Hahadlang ba sila sa amin? Ang mismong sagot ay hindi ko alam, nagsisimula pa lang kami pero ramdam ko na ang problema sa relasyon namin.

"Sasabihin namin sa kanila as soon as possible, timing lang siguro" nakangiting sagot nya at dinala ang kamay ko sa labi nya at hinalikan 'yon. Sinabi pa nya ang salitang 'i love you' ngunit walang lumabas na boses sa bibig nya. Uminit ang pisngi ko sa ginawa nya at babawiin na sana ang kamay ko pero mabilis nya iyong dinala sa ilalim ng mesa at hinigpitan ang pagkakahawak doon. Kita ko sa gilid ng mata ko ang titig ni Yael at Hyunwoo sa ginawa nya. Damn Chunji! Hindi ko inaasahang mararansan ko sa kanya ang mga ganitong pagtatrato.

"Kilala ko pa naman si Neil, sobrang protective non kay Poppy" napailing ilinga pa si Hyunwoo habang sinasabi yon at inayos ang takas na buhok ni Yael. Napansin ko naman ang pagngiti nilang dalawa ni Yael bago tumawa ng mahina. God! Ano ang problema nilang dalawa, tinatakot ba nila kami?

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon