Chapter 52: Radd Bautista

1.2K 25 0
                                    

|POPPY'S POV|

Napaawang ang labi ko at hindi kaagad nakapagsalita ni kamayan man lang ang nakalahad nyang kamay ay hindi ko nagawa. Paano nya nalaman na ako ang girlfriend ni Chunji? Shit! Ang bilis talagang kumalat ng balita! Nanginig ang buong sistema ko at hindi alam ang gagawin.

Tell me. Paano ko pakikisamahan ang ex ng boyfriend ko? Ito na nga ba ang sinasabi ko e'. Naainis ako sa sarili ko, dapat handa na ako sa ganitong bagay.

Umubo ako para maging pormal ang tono ng boses ko at para narin mawala ang kabang nararamdaman ko. Ngumiti ako ng pilit at kinamayan sya.

"Hi uhmm I'm Poppy" Tumayo pa ako sa harapan nya at imwinestra ang upuan sa tabi ko. Are we going to talk? Ano ang pag uusapan namin? Kung paano mag mahal si Chunji?

"So, ilang araw na kayo ni Chunji? Hindi ko alam na may pinalit na pala sya sa akin" Napasinghap ako sa sinabi nya. Really? Ex nya ba talaga si Chunji o' nang googood time lang sya. Pinalit? Ganun ba talaga ang tamang term kapag nag mahal na ng iba? Pinalitan na parang maruming damit lang?

"Uhmm, ex ka ba talaga ni Chunji? I mean-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumawa sya ng malakas. Napakagat ako sa labi ko at yumuko, may nakakatawa ba sa tanong ko? Huni pa lang ng tawa nya ay sopistikadang sopistikada na, pati rin ang pananamit nya at kung gumalaw sya. Nagmumukha syang sosyal na babae. Walang wala ako sa ganda nya, para akong gusgusing babae kapag tinabi sa kanya.

Napapikit ako para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Mahal ba talaga ako ni Chunji? Model sya at karadapat dapat lang sa kanya ang babaeng lasing lebel nya. Tulad nitong kaharap kong ex nya.

"Hindi ako mag aaksaya ng oras na lapitan ka kung nanloloko lang ako. I'm serious here Ms. Ex ko si Chunji"

"Kung ganun, bakit ka andito? I mean-" Pinanlakihan nya ako ng mata at kinunutan ng noo. Ang taray nya kung tititigan dahil narin sa make up nya. Ganito ang iba pang nagustuhan na babae ni Chunji? Mataray? Unlike me na pinagsasabihan nya ng isip bata. Malayong malayo ang agwat namin.

"Katrabaho ko sya. Model rin ako dito at maraming beses na rin kaming nagsama sa iisang project. Nakapagtataka at hindi nya ako nabanggit sayo" Inirapan nya ako at tinignan si Chunji at Ken na ngayon ay kung todo ang pose sa harapan ng camera.

Bigla kong naalala yong babaeng pumunta noon sa bahay na nag ngangalang Stephanie at kung hindi ako nag kakamali ay ex rin nya. Magkauring magkauri sila ng ganda ni Hyuna, the typical type of boys. Drop dead gorgeous girls. Walang wala talaga ako sa kanila.

Ngumiti ako ng pilit ng kumaway sa akin si Chunji ngunit napawi ang ngiti sa kanyang labi ng mapansin ang katabi ko, napailing iling pa sya habang kinukuha ang tubig sa P.A.

"Sa lahat ng naging gifriend ni Chunji ikaw lang ang dinala nya dito, iba na pala ang nga type nya ngayon. Yong parang bata" Inismiran nya ako at maarteng nag punas ng noo nya. This lady is getting on my nerves! Ano ang gusto nyang iparating? Na bata pa ako? Palibhasa naka make up sya kaya nagmumukha syang sopistikada.

"Hindi ko rin alam na may ganyang type pala si Chunji, yong katulad mo. Maarte at parang naghahabol ng lalaki" Hinampas nya ng malakas ang lamesa at tinaasan ako ng kilay. Napangiti ako sa loob loob ko, I think I hit her nerve. Ayoko ng away pero ayoko ang tabas ng dila nya.

"Mahal mo pa ba si Chunji? Pasensya na huh? Akin na sya e' at mahal na mahal na mahal nya ako" Taas noo ko syang nginitian. Ako mismo ay hindi ko alam kung saan ko na hugot ang ganung mga salita. Kailangan kung ipaglaban ang maling paratang nya sa akin.

"What's this? Hyuna anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ang seryosong mukha ni Chunji, linapitan nya ako at hinalikan ang buhok ko. Kita mo yon huh? Nakalipas ka na at ako ang present nya! Shit! Nakaka pang init ng ulo ang babaeng ito.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon