Chapter 55: Unbelievable

1.1K 26 0
                                    

|CHUNJI'S POV|

Mali ang pagalitan sya, mali ang iwan syang umiiyak sa labas pero mas mali ang ginawa nyang magsinungaling sa akin. I was so fucking honest to her pero ano ang ginawa nya? Galit ako sa lalaking 'yon kung sino man sya, and what's her point upon keeping that bastard! Shit lang nakakapang init ng ulo! Naghintay ako ng dalawang oras at nagluto rin ako para pagbalik nya ay kakain na lang dahil alam kung pagod sya. Pero ano yong nakita ko? Punyeta lang! Para akong pinuputa patalikod!

Gustong gusto ko syang balikan ng makapasok ako sa bahay ngunit hindi ko ginawa dahil gusto kung maramdaman nya na galit ako. Yon kasi ang mahirap sa kanya e' masyadong syang mabait at lapitin ng mga lalaki, and what's with the lies? Hanggang kailan pa sya nakikipagkita sa lalaking yon?

Hindi ako mapakali sa kwarto ko nang gabing 'yon, tumahan na kaya sya? Kumain na kaya? Ayos lang kung hindi na ako kumain as long as kumain sya, ayoko syang ginugutom. Anong silbi kung lalaki kung hindi ko sya aalagaan? Nakaligo na ako matutulog na sana ngunit hindi ko parin napigilan ang sarili ko.

Pinuntahan ko sya sa kwarto nya at tinignan kung pumasok na sya. Nakahinga ako ng maluwang ng makitang nasa kama na sya at natutulog, hindi na sya nag abalang magpalit ng damit at may konting luha pa sa mata nya. Umupo ako sa tabi nya at inayos ang kumot nya. Hinaplos ko ang pisngi nya at pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng mata nya.

I love and hate it sa tuwing nakikita ko syang umiiyak, natutuwa ako kapag iniiyakan nya ako. I feel treasured, nararamdaman ko na nasasaktan sya dahil sa akin, nasasaktan sya dahil mahal nya ako. And at the same time naiinis rin ako kapag umiiyak sya, mahal nya ako ngunit umiiyak sya. It's like theres a gap between us na pupwedeng maging dahilan ng paghihiwalay namin.

Hindi ko pa nararamdan ang ganito sa tanan ng buhay ko. Ang intense, masyado ko syang mahal kaya nasaktan ako sa nakita ko kanina, ni hindi ko pinakinggan ang rason nya kahit alam kung hindi nya ako kayang lokohin. Maybe he's just a friend? Naguguluhan ako, bakit kailangan nyang itago sa akin ang bastardong yon? Anong meron sa kanila? Umalis ako sa kwarto nya, naglalaro sa utak ko buong gabi kung anong meron sa kanila ng lalaking yon.

Kinabukasan ay maaga akong gumising, I was wandering outside her room. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o' hahayaan na palipasin muna ang galit ko. Nag aalala na ako sa kanya at baka kung ano ano nanaman ang iniisip nya, I knew her a lot. Paranoid sya minsan. Sa huli ay napagdesisyunan kung huwag muna syang kausapin, she need to learn her lesson. Pumasok ako sa trabaho na okupado nya ang utak ko, I want to text her pero hindi ko alam ang sasabihin. Busy ako sa photoshoot at isa ako sa naatasang mag judge sa mga nag aapply bilang model.

"Dude, lapit na ang Fashion Show sa UK. Ang alam ko may dalawa daw tayong makakasama na galing Canada" Tinignan ko si Ken habang inaayos ang buhok ng hair stylist nya. Itinabi ko ang magazine at sinandal ang likod ko sa upuan.

"I don't think makakasama ako" Kumunot ang noo nya at pinatigil ang umaayos sa buhok nya at pinaalis. Tinaasan nya ako ng kilay habang nakatingin sa parehas naming repleksyon sa malaking salamin sa harapan namin.

"Why? Ayos ka lang? Ikaw ang demand na model ngayon sa kompanya. Dahil ba kay Poppy?"

"Yeah, nag away kami kahapon at hindi ko pa nasasabi sa kanya"

"Seryoso? Nag away kayo? Hala ka lagot ka kay Neil!" Tumawa sya at sinuklay ang buhok nya.

Hindi naman siguro magagalit si Neil kapag nalaman nya ang bagay na 'yon. May kasalanan ako at may kasalanan din si Poppy at hindi na kailangang malaman 'yon ni Neil.  Maayos namin ang problema at kakausapain ko sya mamaya.

Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan, I check my phone at may limang message. Una kung nakita ang pangalan ni Neil tatlo ang natanggap kung text galing sa kanya, huwag nyang sabihing alam na nya ang nangyari sa amin ni Poppy? Minasahe ko ang noo ko at tinignan pa ang dalawang mensahe, ang isa ay kay mama at 'yong isa ay galing sa unknown number.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon