Chapter 47: Surprise

1.3K 27 0
                                        

|CHUNJI'S POV|

Mabilis akong bumangon ng marinig ko ang pag alarm ng alarm clock sa tabi ko. Aish! sinabi na ngang huwag ilagay sa tabi ko ang alarm clock! Si Poppy talaga. Ginulo ko ang buhok ko at pinatay ang maingay na alarm lock.

"isip bata talaga ang tutang 'yon" muli akong humiga at ipinikit ang aking mata, inaantok pa ako at puyat dahil kay Poppy paano kasi may exam kami bukas sa Math at kailangan ko syang turuan. Pasado alos dose narin nung natulog kami kaya heto ako at inaantok parin.

Wala pa atang limang minuto akong nakapikit ng marinig ko ang sigaw ni Poppy mula sa baba. "Chunji! Sunog!" Mabilis akong bumangon at pinuntahan sya sa baba. Fuck!

"Shit Poppy umalis ka jan!" Hinila ko sya at tinulak palabas ng kusina at pinatay ang tangke ng gasul. Shit ano bang ginagawa nya! Lumiliyab ang frying pan na may mantika at muntik ng maaabot nung sunog 'yong kurtina. Linagyan ko ng tubig 'yong frying pan at tinignan ang iba pang gamit kung naapektuhan ba ng sunog or what.

Nung masiguro kong ayos naman yung ibang gamit ay linapitan ko sya na ngayon ay nakatulala at nanginginig ang buong katawan. Nakaawang pa ang labi nya at may tumulong luha sa mata nya.

"are you okay Poppy?" tanong ko at hinawakan sya sa magkabilang balikat nya. Tinignan nya lang ako gamit ang kanyang blankong expression at hindi sumagot. God ano bang nangyayari sa kanya.

Yinakap ko sya at isinubsob sa dibib ko, naramdaman ko na lang ang mainit na likidong dumaloy sa damit ko. Hinalikan ko sya sa ulo nya at inalalayan syang umupo.

"Poppy huwag ka ng umiyak, ayos na ang bahay wala na yung sunog"

"hindi ko naman sinasadya yung sunog, natatakot ako" Humihikbing sabi nya. Hnawakan ko ang magkabilang pisngi nya at hinalikan ang tungki ng ilong nya. Bakas parin ang takot sa mukha nya.Bumuntong hininga ako at hinaplos ang buhok nya.

"ayos na Poppy calm down andito na ako"

"waaah! Chunji yung frying pan wala na yung linuluto ko" parang batang sabi nya. Akala ko pa naman kung ano ng inaalala nya yung frying pan at niluluto nya lang naman pala. Tumawa ako at yinakap sya habang nakaupo.

"ano bang nangyari? Bakit mo naiwang nakabukas yung stove samantalang mantika at bacon lang yung nakalagay sa frying pan? Talagang masusunog 'yon because of too much heat"

"e' kasi ipagluluto sana kita ng breakfast ng tumawag si Yael tapos ayon nakalimutan kong may niluluto pala ko pagbalik ko nasusunog na yung niluluto ko" nakapout na nakasimangot nyang sabi. Yumuko pa sya at kinagat ang ibabang labi nya. Mannerism na nya talaga ang ganyang gawain nya. Tumawa ako at hinalikan sya sa labi bago muling yinakap. Ang bango talaga nya.

"kung ganun may kasalanan pala ako kung bakit nasunog 'yon? Poppy talaga kaya mahal na mahal kita e" humiwalay ako at tinignan sya na ngayon ay pulang pula na ang buong mukha nya. Ang cute talaga ng girlfiend ko sarap paggigilan.

"Ako ng maluluto para sa atin baka makasunog ka nanaman" hinampas naman nya ako sa braso ko bago muling nag pout. Tumawa lang ako at ginulo ang buhok nya.

"hindi talaga kita matiis tara na nga tulungan mo na lang akong magluto" hindi naman sya nagreklamo at nagpahila na lang sa akin. Hindi ko inexpect na magiging ganito ang epekto sa akin ni Poppy. Mahal na mahal ko sya na kahit isang segundo ay ayokong mawalay sa kanya.

***

"hmm sa pagkakaalam ko blue ang paboritong kulay ni Hyunwoo"

"kung ganun blue na lang ang gagamitin nating papel?"

"yup, tapos maglagay narin tayo ng yellow at pink"

Sumimangot ako at pinanood si Poppy at Yael na ngayon ay busy sa pagsusulat ng salitang 'YES' sa mga ginupit nilang cartolina. Mag iisang oras na nila yang ginagawa at hanggang ngayon ay hindi parin sila natatapos. Sasagutin lang naman kasi si Hyunwoo bakit kailangan pang isorpresa.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon