Ito na ang last. Thank you sa pagbasa at sana magustuhan nyo ang Epilogue kahit bitin. See you in A Glimpse from Carlos. Love you guys! :))))
|POPPY'S POV|
"Neil anong oras tayo makakarating?" tanong ni Ricky na ngayon ay nasa front seat.
"Uhm siguro 1:00? Depede kung hindi traffic" Sumulyap si Neil kay Ricky bago tinuon ang tingin sa kalsada. Tumango naman si Ricky at pinapak ang hawak nyang Piattos.
"Sleep?" tinapik ni Chunji ang balikat nya at hinalikan ang tuktuk ng ulo ko. Yinakap ko naman sya patagilid at umunan sa dibdib nya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya habang hinahaplos ang ulo ko.
"Woohoo!!! Excited na akong makakita ng probinsya!" Sigaw ni Ricky at binuksan ang bintana kahit naka-on naman ang aircon.
"Matulog ka na nga lang Ricky boy! Ang ingay mo!" masungit na sabi naman ni Ljoe at nilagay ang earphone sa tenga nya.
"Heh! Paki mo ba!" Sagot naman ni Ricky at binuksan ang stereo.
Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Wala pa kami sa kalagitnaan ng byahe ay inaantok na sila. Andito pa lang kami sa Bulacan pero parang pagod na sila sa byahe. Madami ang nangyari sa nakalipas na araw. Tulad nga nang sabi ni Chunji ay umuwi kami Martes ng hating gabi sa Manila. Umaga na kami nakarating at dahil pagod sa byahe ay hindi na kami pumasok sa morning session at nag half day na lang. That day ay kwinento namin kay Hyunwoo at Yael ang nangyari sa amin sa La Union.
"Pumunta kayong La Union?" Nanlaki ang mata at sabay nilang sabi. Napatango naman si Chunji at hinalik halikan ang kamay ko.
"Yeah. Sinumpong itong babaeng 'to, ayun nagrebelde umuwi ng probinsya ng hindi man lang nagsasabi" tumawa pa sya ng mahina sa sinabi nya.
"Sus! 'yan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo Poppy. Dapat kasi pinakinggan mo si Chunji ayan tuloy at nakarating pa kayo sa La Union bago nag kaayos" tumawa pa silang dalawa at nag apiran. Ngumuso ako habang sumusulyap kay Chunji. Tumawa rin sya at nag kwento pa kila Hyunwoo kung paano kami nagkaayos at kung anong ginawa namin sa La Union.
Napuno din ng bulungan ang buong klase dahil sa kakaPDA ni Chunji. Kung hindi nya ako aakbayan ay hahawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at hahalikan ang pisngi o kaya ay ulo ko.
"Oh my God! Chunji kayo na ba ni Poppy?" tanong ng isang kaklase namin.
"Yeah. Mahigit isang buwan na" nalaglag ang panga ng buong klase at natahimik sa sinabi ni Chunji. Napakagat naman ako sa labi ko at yumuko.
"Mahal na mahal ko sya at pakakasalan" tumawa pa sya bago ako hinila paalis ng klase.
"Seryoso ka sa sinabi mo?" napatigil sya sa paglalakad at sumeryoso ang mukha nya.
"Yes Poppy. I'm fucking serious"
Sa sumunod pang mga araw ay hindi parin mawala ang issue tungkol sa amin ni Chunji. 'Yong iba ay nginingitian kami habang hawak kamay na naglalakad, ang ilan naman ay wala lang. Tinanong ko rin sya kung makakaapekto ang relasyon namin sa career nya pero ang sabi nya lang ay,
"I quit Poppy. Last na 'yong sa UK, ayoko nang mahiwalay pa ulit sa'yo. At isa pa magcocollege na tayo, we'll study together and we'll build our future. As one"
Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko ang sinabi nyang 'yon. Parang ang mature nya nang magisip at wala pang isang taon ang relasyon namin ay talagang seryoso na sya sa magiging kinabukasan namin. The thing in boys we should appreciate. Hindi sya nagbabaka sakali, kung gusto nya gagawin nya dahil 'yon ang gusto ng puso't isipan nya. Hindi nya prinoproblema kung ano man ang magiging decision ko kung sya na talaga. At isa pa, hindi ko naman sya bibitinin sa ere dahil alam kung sya at sya lang din ang hahanapin ko.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...