|HYUNWOO'S POV|
Napatayo ako ng maayos ng makita kong bumaba sya sa isang black Lamborghini. Sa wakas dumating ka din Poppy, siguro hinatid sya ng pinsan nya alangan namang sa tatay nya yan at mas lalong hindi sa kanya yan.
"Hyunwoo" tawag nya sa akin ng mapansin nya ako.
Tumakbo sya papalapit sa akin "Hyunwoo time na ata ba't andito ka pa sa labas"
"Alam ko kasing mapapagalitan ka kasi sobrang late kana kaya hinintay na lang kita, ayaw mo nun may kasabay kang mapapagalitan" natatawang sabi ko .
"Hyunwoo naman e' umaga na kasi akong natulog dahil sa kulog at kidlat nayan kagabi"
"Hanggang ngayon pa ba naman takot ka parin kapag umuulan" naalala ko tuloy nung nag camping kami, halos mapunit na yung laylayan ng damit ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nya. Bawat kulog at kidlat napapayakap sya sa akin.
Nag pout lang sya sabay yuko. Ito pa ang isa kung gusto sa kanya pag wala na syang masabi nag papout na lang sya sabay yuko. Mannerism nya.
"Tara na nga error pa naman 'yong teacher natin ngayon" sabi ko sabay hila sa kanya.
At tulad nga nang inaasahan namin napagalitan kami pagdating namin at nag squat ng 30 minutes sa labas ng room, tawa nga ako ng tawa dahil ihing-ihi na si Poppy pinagpapawisan pa sya at nanginginig ang tuhod nya.
Noong mag time na ay mabilis syang pumunta sa CR at doon pinasabog ang dapat nyang ipasabog.
"Grabe! Nakaraos din! " sabay punas ng pawis nya sa noo
"Baka naman iba ang inilabas mo" Hinampas nya ang braso ko sabay kuha ng bag nya sa sahig
"Halika na nga" Pumasok na kami sa room at umupo sa upuan namin. Wala pa naman yung next teacher namin kaya iidlip muna ako.
"hoy matutulog ka nanaman"
"Gisingin mo na lang ako pag meron na yung guro" Ipinatong ko ang ulo ko sa may mesa at ipinikit ang aking mata , hindi pa man ako nakakatulog ay nagtilian ang mga kaklase kung babae.
|POPPY'S POV|
Tss! umagang umaga ang iingay nila paano kasi dumating na yung pingapapantasyahan nila! Ang daya talaga late rin sya pero bakit wala siyang punishment!
"Waaahhh! Goodmorning Chunji!" Ano bang meron sa kanya at patay na patay sila sa lalaking 'yon panay pa ang smile nya sa mga babae. Hindi ko na lang sila pinansin, gigisingin ko na lang si hyunwoo
"Hyunwoo gising! Hoy! Wala akong kausap"
"hmmm"
Aba mukhang may balak talaga syang matulog ng mahimbing, matutulog na lang din ako sabagay Filipino naman next subject namin at matanda na yung teacher namin may pagka ulyanin pa.
Inayos ko ang upo ko at nagkadikit ang balat namin. Katabi ko pala sya! Kung bakit ba naman kasi lumipat sya ng section.
Tinignan ko siya at at nakatingin din sya sa akin. Ba't nya ako tinitignan? No rephrase natin! Ba't nya ako tinititigan.
"Boyfriend mo?"
Bulong nya sa tenga ko, ipinatong pa niya yung kamay nya sa mesa ko sabay tingin ulit sa akin at ngumiti ng nakakaloka. Tinignan ko si Hyunwoo na natutulog parin, yinugyog ko siya pero hindi man lang nagising.
Tumingin ako kay Chunji at muntik na nya akong mahalikan dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Nag smirk lang sya at inilayo ang mukha nya sa mukha ko.
"tss"
"good morning Mrs. Torres"
"goodmorning"
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...