|NEIL’S POV|
“yowh! Yowh!” bati ni cap sa amin, asan ba kami? Heto andito sa tambayan namin hindi kami pumasok nakakatamad ehh at nakakawalang gana yung subject namin Filipino, puro noli me tangere at el filibusterismo yung sinasabi ng guro anong kinalaman nun sa buhay ko? Tsss
“yowh! Yowh! Ka jan sapakin kita jan ehh!” sagot naman ni ricky
Nakakawalang gana talaga silang kasama nag aasaran lang sila hanggang sa may mag give up. Ewan ko ba kung bakit ko sila naging barkada, mga babaero at pagpapagwapo lang ang alam nila hindi tulad ko na lapitin na talaga ng mga babae tss.
“tol! Puntahan natin si chunji” sabi naman ni changjo
“pshh -- huwag na babae lang din kasama nun sigurado ako” gago talaga si ricky, parehas lang sila ehh.
“nga pala neil, what if magkagusto si chunji sa pinsan mo?” napatingin naman ako kay cap sa sinabi nya. Napaisip naman ako at tinitigan sila.
“tss hindi naman siguro, at isa pa may girlfriend nayun” naka poker face kung sabi.
“sigurado ka? Ehh palagi namang may girlfriend yun, pinagsasabay pa nga nya”
“alam nyo mga tol! Nag-usap na kami ni chunji tungkol jan at kung saktan man nya or galawin si poppy itong kamao ko na ang kakausap sa kanya” sagot ko naman sabay inum ng wine
“wow! Sobrang protective mo naman sa pinsan mo, aww ang sweet naman ni neil, huhuhu kuya ko na lang sana ikaw para kung may gumahasa sa akin ipagtatanggol mo ako huhuhu” pagdradrama ni ricky sabay punas kunwari ng tumutulong luha nya, fvck! Ang arte naman ng gagung toh! Kadiri mga pinagsasabi nya.
“kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo ricky! Kadiri ka yuck!” pang-aasar ni cap sabay sapak sa ulo nito.
“aray! Walangya ka cap halika dito suntukan tayo!” sabay habol kay cap, heto nanaman po sila hindi nanaman titigil ang dalawang yan hanggat walang nag sosorry.
“pero seriously neil?, ang sarap mong maging kuya, pa ampon kaya ako kay tita?” sabi naman ni changjo sabay takbo
“mga gago! Hali nga kayo dito masasapak ko kayo” hahabulin ko na sana sila ng biglang sumigaw si ljoe
“tumigil nga kayo! Mga sira ulo! Tignan nyo to!” Tumigil naman kami sa pag aasaran at lumapit sa kanya.
“pre masyado kang seryoso, ano ba yun?” sabi ni ricky habang kinakamot yung ulo nya.
Tinuro naman nya yung litrato sa may dyaryo.
“oh tapos?” changjo na nakataas ang isang kilay
Rinoll naman ni ljoe yung dyaryo sabay pukpuk sa ulo naming apat “mga gagu! Titigan nyo ngang mabuti” tapos binuka nya ulit yung dyaryo
“tignan nyo diba si poppy yan at chunji?” turo nya sa litrato na naghahalikan sa mcdo.
“teka! Oo nga noh? Diba si chunji yan at poppy?” pang-uulit ni ricky sa sinabi ljoe
Fvck! Anak ng!! masasapak ko talaga si chunji, bakit nya hinalikan si poppy! At bakit sa mcdo pa kung saan maraming makakakita sa kanila! Ano ngayon, laman na sila ng headline sa dyaryo!
“gagu ka ricky! Paganahin mo nga yang utak mo!” sabi naman ni cap.
“ahh si poppy at chunji naghalikan sa—wahh!!!” ang hina talaga ng utak nito“neil anong gagawin mo?! Huwag mo munang bugbugin si chunji kukuha pa ako ng number ng mga babae sa kanya” sabi nya ng nakangisi
“inuna mo pa talaga yun?” sabay na sabi ni cap at changjo na naka poker face.
“neil anong gagawin mo? Sigurado ako pinagpyepyestahan na si poppy sa school nila” parang nagising naman ako sa sinabi ni ljoe, ano nga bang gagawin ko? Ayy tanga neil puntahan mo si chunji
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...