Chapter 38: Heart's Desire

1.7K 35 3
                                    

|POPPY’S POV|

 Huminga ako ng malalim at mabilis na pumunta ng kusina. Linggo ngayon at hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayokong mag stay dito sa bahay dahil sigurado akong maboboring din lang naman ako atsaka isa pa nahihiya ako kay Chunji! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at nasabi ko sa kanya na may iba akong nagugustuhan! Jusko! Sigurado ako iniisip nun kung sino yung lalaking yun! Pero totoo naman kasi yung sinabi ko sa kanya na hindi ako nagseselos kay Yael, okay lang naman sa akin kung magustuhan nila ang isa’t isa walang problema doon. Ayoko lang naman mawalan ng kaibigan lately kasi parang nawawalan ng oras sa akin si Hyunwoo, palagi na lang si Yael. Nasanay kasi ako na palaging si Hyunwoo ang kasama ko, naninibago lang kasi ako this past few days.

Aaminin ko nagkagusto ako kay Hyunwoo pero hanggang paghanga lang iyon, nagpapasalamat nga ako at nakilala ko si Chunji, nabaling sa kanya ang pagkagusto ko kay Hyunwoo dahil kung hindi sya dumating sa buhay ko, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kikimkimin ang nararamdaman ko kay Hyunwoo.

Uminom ako ng tubig at saktong ibabalik ko na sana ang pitchel sa ref ng biglang sumulpot si Chunji sa may pinto. Nagulat pa sya nung makita ako at napaatras ng konti. Namumula pa yung mukha nya at namumutla yung bibig nya. May sakit ba sya?

“Chunji okay ka lang?” tanong ko at linapitan sya. Inilagay ko ang kamay ko sa leeg nya at pinakiramdaman kung mainit sya. “May sakit ka ba? Bakit ang init mo?”

“Medyo masakit lang yung ulo ko” sagot naman nya at ibinaling ang tingin nya sa ibang direksyon. Bakit parang nahihiya sya sa akin at parang ang awkward kung tignan nya ako. Bigla na lang pumasok sa isipan ko yung sinabi ko sa kanya kahapon. Ahhh! Para akong nagcoconfess ng feelings ko sa kanya! Yun kaya ang dahilan kung bakit hindi sya makatingin sa akin sa mata?

“aalis ka?”  napatingin ulit sya sa akin ng nakataas ang isang kilay. Urgh! Bakit ang bilis nyang magbago ng mood? Kanina nahihiya lang sya tapos ngayon yung aroganteng side naman nya ang pinapakita nya.

“May pupuntahan lang kami ni Neil, nagpapasama syang bumili ehh” at saan ko naman nakuha yung dahilan kung yun! Hindi naman talaga kami aalis ni Neil ehh. Sinabi ko lang yun para makaiwas sa kanya, ang totoo nyan sya ang isa pang dahilan kung bakit ayokong mag stay dito sa bahay. Gusto kong makapag isip isip—kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Kung special feelings lang ba oh mahal ko na sya.

“Ahh ganun ba” tumango tango lang ako bilang sagot at ibinalik ang pitchel sa ref. “Poppy may ibibigay pala ako sayo” Huh? Ano naman ang ibibigay nya sa akin?

Bigla na lang syang lumapit sa akin at may kinuha sya sa bulsa ng pantalon nya. Isa iyong maliit na white box na may ribbon na red sa gitna nito. Ano naman kaya ang laman nun? May kung anong excitement akong naramdaman sa katawan ko ng binuksan nya iyon. Isang hair clip na may G clef na design sa gitna nito ang laman nun. Napatingin ako sa kanya ng may halong pagtataka, napakurap kurap pa ako ng mata dahil baka nananginip lang ako, pero hindi ehh! Ngumiti pa sya sa akin nung makitang nagulat ako na parang hindi ako naniniwala na may ibibigay sya sa akin.

Kinuha nya iyon at inilagay sa buhok ko. Hindi ako nakagalaw sa ginawa nya, tinititigan ko lang sya habang inaayos ang hair clip sa buhok ko. Gusto kong tumawa dahil hindi nya maayos ayos na ilagay yun sa buhok ko, pero sa huli ang titigan lang sya ang nagawa ko. Gusto ko syang yakapin bilang pasasalamat sa binigay nyang regalo pero naunahan ako ng hiya. Hindi nya alam kung gaano ako kasaya ngayon. Hindi ko aakalain na bibigyan nya ako ng ganito. Ang alam ko kasi puro pagpapagwapo at pagbabae ang alam nya sa buhay pero nagkamali ako. Kaya din pala nyang maging sweet sa isang babae.

“Masyadong madulas yang buhok mo kaya hindi ko sya maayos ayos” sabi nya atsaka inayos ang bangs ko.  Parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa, kinikilig ako na para bang umamin sya sa akin na may nararamdaman sya sa akin samantalang binigyan nya lang naman ako ng hair clip.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon