|NEIL’S POV|
“Hoy Ricky! Ano na asan na yung hinahanap mong babae?” Tanong ni Changjo kay Ricky ng naka poker face. Ito namang si Ricky sumisilip lang dito sa kotseng pinagtataguan namin. Animo’y para kaming wanted sa mga police at ganun na lang kung makatago kami dito.
“sandali hindi ko sya makita!” sagot naman nya ng hindi man lang lumilingon sa amin, nakatuon ang kanyang tingin sa bintana ng bahay. Naman oh! Ano bang meron sa bahay nayun! “Ayun na! Huwah! Tumingin kayo sa bintana dali!”
Napantingin naman kaming apat sa bintana at Damn! Sya yung babae sa school! Yung babaeng stalker ni Ricky!
“Gago ka! At talagang sinali mo papa kami sa kalokohan mo! Nag cutting pa tayo para lang sa babaeng yan!” Sinapok ni Cap si Ricky sa ulo ito namang si Ljoe sinuntok si Ricky sa likod nya. Pero para talagang tanga si Ricky dahil hindi man lang nya pinansin ang ginawa ng dalawa!
“Tang ina mo Ricky! Alis na tayo!” Sabi ko naman, muntanga lang talaga si Ricky ehh! Ano bang mapapala nya sa babaeng yun! Well actually maganda naman sya but damn! Naiirita ako sa kinikilos ni Ricky! Para syang aligaga sa babaeng yun! Imbes na nasa school sana kami ngayon at pinapalibutan kami ng mga babae pero heto kami at inisstalk ang babaeng yun!
Aalis na sana ako ng bigla akong hinila ni Ricky! “Upo kayo! Makikita nya tayo!”
Umupo naman kami at sumilip sa bintana. Shit! Nakatingin sya dito sa direksyon namin!
“psshh tumahimik kayo baka marinig nya tayo” Bulong sa amin ni Ricky. Pero taena lang naboboring na ako dito!
“Gago ka Ricky bahala ka jan aalis na ako!” Tumayo ako at umalis na, sumunod naman sa akin si Ljoe, Changjo at Cap samantlang si Ricky ay naiwan doon. Tss bahala sya!
“Bwisit ka Ricky! Sinira mo ang araw ko!” Sabi ni Changjo at inayos ang nagusot nyang uniform
“Kahit kailan talaga walang magandang naidudulot si Ricky sa atin tsk!” Ani Cap at inayos ang eye glass nya.
“waahhhh! Tulungan nyo ako!” Sabay sabay kaming napalingon kay Ricky na ngayon ay hinahabol ng itim na aso.
“Shit! Sibat na mga pre!”
***
|POPPY’S POV|
“gutom na ako” Napahawak ako sa tyan ko at bumuga ng hangin mula sa bibig ko. Kainis kasi yung last subject namin kanina! Tumunog na yung bell pero hindi parin kami pinapauwi ni mam nag extend pa sya ng five minutes! Tapos nag linis pa kami sa room bago umuwi, nakakapagod maglinis kaya talaga namang gutom na gutom na ako.
“ano kayang pwedeng kainin mamaya sa bahay, gusto ko ng pizza” nakapout kong sabi at hinimas ang tyan ko, yung mga alaga ko nagwawala na sila
“Hyunwoo gusto mo—“ Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan si Hyunwoo. Kasama ko kasi syang uuwi ngayon at maglalakad kami pero ewan ko ba jan parang wala akong kasama, kasi naman hindi man lang sya magsalita, tahimik lang sya at ang lalim ng iniisip nya.
Nakahawak pa yung isang kamay nya sa baba nya samantalang yung isa ehh naka bulsa umiiling pa sya. Napahinto sya sa paglalakad at lumingon lingon. Parang may hinahanap sya.
“ohh poppy bakit ka tumigil sa paglalakad?” Linapitan nya ako at hinawakan sa balikat “okay ka lang ba?” inilapit pa nya yung mukha nya sa akin at parang ineexamin nya ang kabuuan ko.
Inilayo ko naman ang mukha ko at kinunutan sya ng noo “ako ayos lang, ewan ko na lang sayo”
“huh?” yung mukha naman nya napalitan ng pagtataka bahagya pang lumaki ang mata nya
![](https://img.wattpad.com/cover/5052238-288-k406555.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...