|POPPY'S POV|
Araw araw naging ganun ang eksena nya sa buhay ko. Araw araw nya akong pinupuntahan ngunit araw araw ko naman syang hindi pinapansin. Muntik pa nya akong sundan sa kwarto ko sa sobrang frustration. Buti na lang talaga at bumalik na sa Canada ang parents ko or else, hindi ko alam ang gagawin sa kanya.
"Poppy please, let's talk. Hindi ko alam ang sinasabi mong ex. Please" Minsan nyang sabi ng manghimasok syang pumunta dito sa bahay. Sinabi ko na nga sa guard at mga kasamabahay na huwag syang papasukin pero hayan at pinapasok parin!
"Hindi mo na kailangang mag expalin dahil alam ko na ang lahat. Wala akong sasabihin sayo kaya pwede ba! Umuwi ka na!"
"You don't do this to me Poppy! Nawala ako ng isang buwan dahil may importante akong ginawa sa UK" nagsusumamo ang boses nyang sabi.
"Yeah right. Ang makipaglandian at makipagbalikan kay Sheila. Ayoko na! Manloloko ka!"
Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay mabilis ko na syang iniwan sa kusina at nagmukmuk sa kwarto ko. Masakit. Ang lakas ng loob nyang sabihin ang ganung bagay! Ano ang akala nya? Na bukas kamay ko syang tatanggapin matapos nyang mawala ng isang buwan! The pain was buried on my chest. Hindi ko sya maharap dahil baka masumbatan ko lang sya. And worst baka masampal ko pa sya sa sobrang galit. Pagkabalik nya 'yon agad ang sasabihin nya? I miss you? Shit lang! Ang kailangan ko explanation, 'yong hindi scripted at sugar coated. 'Yong totoong nangyari ang kailangan ko.
Siguro ay nag sawa na sya kakapunta dito sa bahay kaya naman nagtaka ako kung bakit dalawang araw syang hindi nagpakita sa akin. O baka naman sinama nya pauwi ang babaeng 'yon dito at naglaladian nanaman sila. Urgh! Dapat hindi ko na sya iniisip! Dapat matuwa na ako dahil tumigil na sya, kaso hind e. Mas lalo lang akong nasasaktan. He easily gave up on me, ibig sabihin lang nun ay hindi nya talaga ako mahal. O baka na fall out sya at napunta ulit kay Sheila ang pagmamahal nya.
Pinunasan ko ang luha ko at siniksik ang mukha sa tuhod ko. Ganito pa lang kung paano masaktan. Nakakafrustrate. Nakakabaliw. Parang hinihiwa ng cutter ang puso ko at ginugunting ang bawat ugat. Wala akong maisip na rason kung bakit nya ginawa sa akin 'yon, am I not enough para maghanap sya ng iba? Na makipagbalikan sya sa ex nya? Rinig na rinig ko ang tawa nya noong araw na 'yon, ang pagtawag nya ng baby at kung paano nya ako binabahan ng tawag.
"Oh shit Shi-"
Yan ang huli nyang sabi. Oh shit Shi? Sheila ba ang karugtong nun?
Hindi ko pinansin ang pagtunog ng phone ko at hinayaan lang 'yon. Nakatatlong ring na pero hindi ko parin sinagot, sa pang apat ko 'yon sinagot at hindi na tinignan kung sino man ang tumatawag.
"Hello?"
"Poppy, please naman o' anim na araw na simula nung dumating ako. Kausapin mo ako please. Lahat na gusto mong malaman sasabihin ko"
Napasinghap ako ng marinig ko ang boses nya. How I miss his voice. Pero nangingibabaw pa rin 'yong sakit.
"Please. Kung ano man ang nalaman mo-- Poppy I love you okay. I didn't cheat. Nanatili akong loyal sayo, may mga rason ako kaya makinig ka sa akin. Let's talk please. I'm dying to touch you baby"
Mas lalo lang akong napahikbi sa narinig ko. Hindi sya nag cheat? Nanatili syang loyal? E ano 'yong narinig ko? At tinawag nya rin akong baby? My God! Nag uumapaw nanaman ang galit ko sa mga sinabi nya!"I'm tired Chunji. Ang sakit ng ginawa mo at ang kapal ng mukha mong tawagin ako sa tawagan nyo ng babae mo!"
"What?! Wala akong babae fuck! Hawak mo ang puso ko-"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at binabaan sya, bakit ganun! Ang lakas ng loob nyang mag maang mangan! Napaka tuso nya para sabihin sa akin na hawak ko ang puso nya! Urgh! Napatigil ako ng tumunog nanaman ang phone ko, this time ay nag text naman sya.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...