|POPPY'S POV|
"What are you doing here!" Sigaw ko ng makalapit sya sa akin. Oh my God! Kaya nga ako lumayo para makapag isip isip at para maibsan ang sakit na nararamdaman ko tapos ngayon makikita ko sya dito sa harapan ko?
"Andito ka e. Kung nasaan ang girlfriend ko, andoon rin ako" napatapik ako sa noo ko at tinalikuran sya. Bakit hindi nadadala ang lalaking 'to.
"Chunji look-"
"What? Ano ang akala mo? Na hahayaan kitang mag isa dito? Never in my entire life Poppy" Inirapan pa nya ako at umiwas ng tingin.
Inikutan ko sya ng mata. Bwisit na lalaki! Hindi ba nya magets ang gusto kung mangyari? Na gusto kung mapag isa? How can I move on kung nasaan ako ay nandoon rin sya? Naglangoy ako at lalayo na sana sa kanya nang hawakan nya ang bewang ko.
"Poppy, hindi ka ba naawa sa akin? Bati na tayo please" malungkot ang kanyang matang nakatitig sa akin. Nagsusumamo ang kanyang mukha. Shit naman o! Hindi ba dapat sya 'yong maawa sa akin? I'm the victim here! Yumuko ako at hinayaan syang yakapin ako. Sa gitna ng dagat kung saan madaming tao ang nanood sa amin.
Imbes na manlamig ako dahil sa tubig ay naginit lang ang katawan ko dahil sa yakap nya. He is damn topless! Mas intense pa ang pressure ng katawan nya kaysa sa lamig ng dagat.
"I have never been in love to somebody, ikaw lang Poppy. Ikaw lang. Kaya please lang, let's end this painful feelings. Magbati na tayo"
Namuo ang luha ko sa gilid ng aking mata. Hindi ko sya matiis pero paano naman ako? Lagi ko na lang bang icoconsider ang feelings nya? Pwedeng ako naman ang intindihin nya? Kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Oo mahal ko sya and I fooled myself for saying that I don't love him anymore. Kasi kahit ano man ang gawin nya, sya at sya parin ang tinitibok nitong puso ko.
"Let's go. Nanlalamig ka na ata e. Mag usap tayo Poppy, huwag ka ng magmatigas dahil kahit saan ka pa pumunta susundan at susundan parin kita. Ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa'yo"
Wala na akong nagawa ng yinakap nya ako galing sa likod hanggang sa makaabot kami sa dalampasigan. Nanlaki ang mata ng mga taong andito at nakatuon sa amin ang atensyon nila. Nahinto ang pagligo nila dahil sa amin, siguro ay nagulat sila sa biglaang ginawa ni Chunji.
"Where's your house" Tanong nya ng makaapak kami sa buhangin. Ang lapit lapit nya sa akin na halos maramdaman ko na ang hininga nya. Kinakabahan ako kahit hindi naman bago 'to sa akin.
"Uhm yan o" tinuro ko ang bahay namin na nasa tapat lang namin. Now, I was wondering kung saan sya natulog kagabi at kung paano nya nalaman na andito ako sa La Union.
"Uhm Chunji, saan ka natulog?" Nahihiyang tanong ko. Ngumiti naman sya at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga.
"And now you are concern, my Poppy is really back" tumawa sya at nginuso ang Awesome Hotel "Nag check in ako dyan kaninang alas tres"
"Huh? Kung ganun ilang oras pa lang ang tulog mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Yup pero ayos lang, mukhang may mapapala naman ang pagpupuyat ko"
Hinila nanaman nya ako at tinahak ang bahay namin na puno ng niyog. May maliit na gate sa gilid at sasalubong sayo ang malawak na garden pagkapasok mo.
"Teka, huwag ka ng sumama sa loob-"
"Why? 'di ako welcome?" ngumuso sya na parang bata. Napahagikhik na lang ako sa tinuran nya. Oo nga't wala pa kaming matinong usapan tungkol sa mga nangyari sa nakalipas ng mga araw, pero ewan ko ba kung ano'ng nangyari sa akin. Biglang nawala ang galit ko, maybe mas strong ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa galit.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...
