Chapter 40: Trying to make a Move

1.9K 40 0
                                    

|CHUNJI’SPOV|

“Aish asan na ba iyon!” kinalkal ko ang drawer at bag ko pero damn! Wala dun yung kwintas kong binigay ni mama. Regalo pa man din nya iyon nung last birthday ko. Hindi pwedeng mawala yun aish! Umupo ako sa kama ko at inalala kung saan ko ba yun linagay.

“Ang alam ko talaga nasa drawer ko yon” sigurado ako linagay ko lang yun sa drawer ko kasama pa nga nya yung singsing ko. Bigla ko na lang naalala yung time na pumunta dito sila Changjo nung isang araw. Napatapik ako sa noo ko at kaagad na tinawagan si Changjo. Sigurado ako na sa kanya yun may balak pa nga syang hiramin yun at isangla! Tsk!

“Hello”

“Hoy Changjo asan yung kwintas ko!”

“A-anong k-kwintas?” sabi nya na para bang natetense, halata naman sa boses nya na nauutal sya. Tss halatang kinuha nga nya yung kwintas ko!

“Yung kwintas ko dito sa drawer ko alam kong ikaw ang kumuha!”

“Hala! Hindi ako yung kumuha si Ricky tss”

“Si Ricky? Ehh diba ikaw ang may interes sa kwintas ko”

“Tss hindi nga ako yung kumuha si Ricky bagay daw kasi yung kwintas mo sa damit nya para sa  date nya ngayon kaya ayun kinuha nya”

“Siraulong Ricky yun ahh! Tss sige na”

“bye, love you pre!”

“Gago!”

Pinindot ko ang end call button at binato ko ang cellphone ko sa kama tsk! Langyang Ricky yun ahh hindi man lang nagpaalam! Second day nanamin ni Poppy na hindi pumasok. Ewan ko ba sa kanya sinabi ko na ngang ayos na ako pero ayaw parin nyang pumasok kami baka daw mabinat ako ganito ganun kaya hindi na lang ako nagpumilit pa na pumasok. Alas otso pa lang ng umaga pero pakiramdam ko pagod na pagod ako samantalang wala naman akong ginawa kundi ang humiga lang dito sa kama ko.

Bumaba ako para magpaalam kay Poppy na pupuntahan ko lang saglit si Ricky para kunin yung kwintas ko. Panira talaga ng araw yung Ricky’ng yun! Magpapaalam na rin ako sa manager ko na hindi muna ako magtatrabaho ngayon dahil alam kong magagalit nanaman si Poppy. Huwag muna daw ako magpapagod dahil baka bumalik yung sakit ko, sabi pa nga nya baka daw nagkasakit ako dahil kulang ako sa pahinga, puro na lang daw ako trabaho. Ayoko namang suwayin yung utos nya dahil baka pagalitan nanaman ako nun tss. Si Poppy para kong nanay nung nagkasakit ako. Nararamdaman ko yung care nya sa akin.

Nakita ko sya sa may sala nagwawalis habang kumakanta may headset pang nakasaksak sa tenga nya. Hindi muna ako nagsalita at pinanood lang sya habang kumakanta. Yung boses nya ang peaceful pakinggan, ang sarap sa tenga. Para syang anghel na kumakanta, ang ganda pa ng boses nya parang inaakit ka nito na lumapit sa kanya. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Napatingin sya sa akin at nahuli nya akong nakatitig sa akin! Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon at nagkunwaring hindi ko sya napansin. Damn Chunji!

“Chunji! Saan ka pupunta?” hindi ko sinagot ang tanong nya at linapitan lang sya.

“Ngayon lang kita narinig na kumanta” sabi ko at tinanggal yung isang headset sa tenga nya at inilagay yun sa tenga ko. I know this song!

Hindi naman sya sumagot at namula lang yung pisngi nya, para syang nahihiya na narinig ko syang kumanta. Bakit naman sya mahihiya ehh ang ganda ng boses nya.  Nagulat sya nung bigla ko na lang hinawakan ang kaliwang kamay nya. Tinanggal ko pa ang pagkakasaksak nung headset sa cellphone nya at linakasan ko ang volume ng speaker nya

“May I have this dance?” Hindi naman sya sumagot at halatang hindi nya expected ang sasabihin ko. Yung mukha nya napuno ng gulat. Gusto ko tuloy tawanan yung facial reaction nya. Yung mata nya lumaki at nakabukas pa ng konti yung bibig nya pfft-- .

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon