Chapter 70: Mall

1.8K 37 0
                                    

This will be the last Chapter! Pasensya sa nagawa ko nyahaha. Next na ang Epilogue at wala pong book 2. Thank you :))))))

|POPPY'S POV|

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Chunji matapos ang ilang minutong katahimikan. I really seized the moment kaya naman pinabayaan nya akong umiyak sa bisig nya habang hinahagod ang likod ko. Nang mapansin nyang tumahan na ako ay saka lang sya nagsalita. Umupo ako ng maayos at pinunasan ang huling butil ng luha sa pisngi ko.

"Mall?" Kumunot ang noo nya at nilagay ang bangs ko sa likod ng tenga.

"May mall dito?" Hinampas ko sya sa balikat nya at tumayo. Kainis 'to! Ano'ng akala nya sa La Union?

"Ano ka ba! Syempre meron! Tara gusto kung maglibot" Hinila ko sya at kinaladkad palabas ng bahay. We really are okay now. Thank God! Ang saya ko talaga at tapos na ang problema namin.

"Asan kotse nyo? Magpahatid tayo kay Manong Joe"

"Huwag na gusto kung mag jeep. Sige na please" pinagsiklop ko ang daliri ko at umarteng parang nagdadasal. Ngumuso pa ako pero tinawanan nya lang ako.

"Okay. Anything for my girl" Hinalikan pa nya ako sa pisngi at inakbayan. Kitang kita ko ang pagkislap ng mata nya at pamumula ng kanyang pisngi. Mahal na mahal ko talaga sya, kahit ano'ng mangyari. Walang makakatibag ng pagmamahal ko sa kanya.

Naglakad kami palabas ng village. Marami ang kabahayan dito though hindi naman dikit dikit. Malalaki rin ang ilang bahay, mas malaki pa sa bahay namin. Nadaanan rin namin ang Scenic View na isa ring resort. And yes madami talagang beach resort dito sa San Juan at ang pinakamahal siguro ay ang Kahuna na matatagpuan malapit sa Sea Bay.

Huminto kami sa may waiting shed at umupo doon habang naghihintay ng jeep. Sa kabilang dulo naman ng kalyeng dinaanan namin ay simbahan ng Born Again.

"Poppy baka naman mawala tayo? Alam mo ba kung saan papuntang mall?" Nagaalala ang boses nyang sabi pero nginitian ko lang sya at humilig sa balikat nya.

"Oo nga alam ko. Probinsya namin 'to kaya alam ko kung saan pupunta"

Hindi naman sya sumagot at mabilis kaming sumakay ng may humintong sasakyan sa tapat namin. Umupo kami sa tabi ng driver at kaagad akong nagbayad.

"Kuya sa diversion po ah? Sa may Monterey" Kinuha naman nya ang bayad ko at saka tumango. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang tumitingin sa labas, ngunit itong katabi ko ay nakahalukipkip at nakakunot ang noo habang seryoso. Ano nanaman ba ang problema nya?

"Manong papunta ba itong Mall?" Nagulat ako sa bigla nyang tanong nang huminto ang sasakyan sa plaza ng San Juan.

"Hindi boss papuntang City 'to, kailangan pang sumakay ulit ng jeep o kaya ay tricycle kapag bumaba sa diversion papuntang mall" Pansin ko naman ang pagbuntong hininga nya sa sagot ng driver.

"See? Alam ko Chunji"

"Nagaalala lang ako. Baka mamaya mawala pa tayo at mabosohan dito" ngumiti sya ng pilit at hinapit ang bewang ko at humilig sa balikat ko. Uminit ang pisngi ko sa ginawa nya. Jusko naman! Hindi ako sanay sa ganito, PDA pa.

Hinayaan ko na lang sya at hindi na umimik. Sariwang sariwa ang hangin at gustong gusto ko ang tanawin kahit puro kabahayan at puno lang ang nakikita. Maganda sa mata di tulad sa Manila na kaliwa't kanan ang mga nagtataasang gusali. Napapangiti na lang ako ng nalagpasan namin ang Sea Bay, perfect ang mga alon para sa mga nagsusurfing.

"Dito na po kayo miss" wala pang 30 minutes ay nasa tapat na kami ng Monterey. Tinulungan pa akong bumaba ni Chunji sa jeep.

"Tricycle po?" Umiling ako sa lumapit sa aming tricycle driver at hinawakan ang kamay ni Chunji. Tumawid kami at hinila sya papuntang Manna Mall na nasa gilid lang rin ng kalsada.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon