Chapter 37: An Unordinary Day

1.8K 36 0
                                        

|CHUNJI’S POV|

Aish! Bakit ba hindi maubos ubos ang mga nag papaautograph sa akin? Mag dadalawang oras na akong nakaupo dito pero padami ng padami parin ang mga pumipila. Mag signing event kasi dito sa mall na malapit sa company kung saan kami ngatatrabaho kasama ko ang ilan nilang model at kabilang doon si Ken na ngayon ay katabi ko na sobrang lapad ang ngiti.

“Hoy?” bulong ko at saka sya siniko. Pero ang bwisit nginitian lang ako atsaka kinindatan ang babaeng nagpa autograph sa kanya. Naboboring na ako dito! Gusto ko ng umuwi at matulog!

“Hello”

“Hi” Ganting bati ko sa isang teenager na nag pa autograph sa akin nginitian ko pa sya bago ibinigay sa kanya ang magazine.

Kakausapin ko na ulit sana si Ken ng may mahagilap ang mata ko, isang babaeng nabangga sa pader at napahiga sa sahig. Ang tan—teka! Si Poppy yun ahh!

“Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos ah” Tanong ni Ken pero hindi ko sya pinansin at kaagad na linapitan si Poppy na ngayon ay nakahiga sa sahig.

***

|POPPY’S POV|

“Aww ang sakit ng pangupo ko” napahawak ako sa pang upo ko at hinimas iyon.  “waahhh!” Napasigaw ako at pinunasan ang ilong kong dumudugo. “Huhu Poppy shushunga shunga”

“Ayos ka lang?” Napatingin ako sa nagsalita. Si Chunji! Umupo sya sa tabi ko at pinunasan ang ilong ko gamit ang kanyang panyo. Hmm ang bago ng panyo nya amoy—

“aray ko naman!” Bigla na lang nya akong binatukan at tinignan ako ng masama.

“Tanga ka ba oh sadyang hindi mo lang nakita na pader na yung lalakaran mo!”  

Hindi ako sumagot at hinayaan lang sya na punasan ang ilong ko. Bakit ginusto ko bang mauntog hindi naman diba? Kasi naman yung katabi nyang lalaki! Sya yung lalaking nasa Cellphone ng kaklase ko, sabi nya kasi minsan magkasama daw sila ni Chunji sa mga photoshoot. Nakakapanibago nga at may kumausap sa aking kaklase ko minsan kasi ako yung lumalapit sa kanila. Pero ewan ko ba kung bakit nila ako hindi pinapansin.

“ayos ka lang ba? Nasugatan ka ba?”  Napatingin ako kay Chunji na ngayon ay ineexamine ang kabuuan ko, kung may sugat ba ako oh ano. Yung mukha nya seryoso! As in na para bang na aksidente ako samantalang nauntog lang naman ako sa pader !

“Poppy tinatanong kita”

Napakurap ako at umiling iling, bakit ganun sya kung makapag react? Concern kaya sya? “ano okay lang ako—“

“hindi ka okay may sugat ka” Napatingin ako sa kaliwang kamay ko, may sugat nga at may bubug pa sa balat ko. At saan ko naman nakuha itong bubug na ito?

“Napaka! Aish! Sumama ka sa akin” Tinulangan nya akong tumayo at aalis na sana kami ng may humarang sa aming isang lalaki.

“ah sir hindi pa po kaya pwedeng umalis, hindi pa po tapos yung signing event”

“Ahh Fuck!” napatapik sa noo nya si Chunji at diniinan ang pagkakahawak nya sa kanang kamay ko. Napatingin naman ako sa paligid! Shopao! Ang daming nakatingin sa aming mga tao! Kasama na doon ang mag nagpapa autograph kay Chunji at yung lalaking katabi nya. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi ko. Nakakahiya!

“Pero pwedeng samahan mo muna sya sa Van? Susunod ako kapag tapos na yung event”

“Oo naman, halika miss”

“pakigamot na rin yung sugat nya”

Tumango lang bilang sagot yung lalaki at hinawakan ang kamay ko. Sino ba ito? At bakit ba nya ako pinapasama sa lalaking hindi ko kilala? Tumingin naman sa akin si Chunji at huminga ng malalim bago hinaplos ang ulo ko.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon