Chapter 18: Awkwardness {part 1}

2.7K 58 2
                                    

|POPPY'S POV|

Katatapos lang ng klase namin at heto ako naglalakad papuntang school canteen ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"poppy!" pagtingin ko sa likod... hmmm? Ano namang kailangan ni James? classmate ko.

"oh james? bakit?"

"ahh uhmm absent kasi ako kahapon"

ehh ano naman ngayon kung absent sya? Atsaka hindi kami close.

"ahh oo nga ehh hehe *insert pilit na ngiti* " sagot ko na lang kahit hindi ako interesado sa sinasabi nya.. seriously? gutom na ako/

"uhmm pwede ko bang mahiram notes mo sa English? may quiz kasi bukas wala akong pagrere-viewhan balik ko rin mamaya"  ahh so yun pala haha! pero bakit ako? ehh ang pangit ng sulat ko.

"sigurado ka? yung ano sulat ko kasi—

"hindi okay lang maiintindihan ko yan" so anung meron at ngingiti-ngiti sya? hmmmm....

"o-okay" kinuha ko yung notebook ko sa bag ko at binigay sa kanya.

"ohh james heto" sabay abot sa kanya

"thanks poppy! geh una na ako balik ko rin mamaya" nag nod na lang ako at umalis na sya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad dahil talagang gutom na ako.. hindi pa ako kumain kaninang umaga ehh kasi nga late akong nagising at isa pa yung chunji na yan! hindi man lang nagluto! at take note ako pa yung naghugas ng pinagkainan namin kagabi kanina! at take note ulit paggising ko wala na sya sa bahay! seriously?! NAPAKATAMAD NYA!!! 

Malapit na ako sa may canteen ng biglang may tumawag.

 "hello hyunwoo?

"hello poppy?"

 "Napatawag ka miss mo na nanaman ako? hihi" i said habang patuloy sa paglalakad..

"every minute kitang namimiss"

"Sira! bakit nga kasi" sabi ko ng natatawa.

"kasi ano.. hindi kita masasabayan ngayong lunch.. emergency lang sa taekwondo club.. napilayan kasi yung isa naming kasamahan at kailangan namin syang dalhin sa ospital para ipa x-ray"

"ahh ganun ba sige okay lang, kaya ko namang kumain mag-isa atsaka hindi mo naman hawak yung tinidor at kutsara ko hahaha" pagbibiro ko

"at natuwa kapa? hahaha sira! sige na sige na baka hindi kita matiis at bigla kitang puntahan jan"

Okay! anong meron? hindi naman sya ganito noon makipag-usap sa akin.. i meanyung conversation namin parang.. hmmm.

"ikaw talaga, sige sige ingat ka hyunwoo"

"i will poppy kita na lang tayo mamaya bye!"

At inend ko na ang call.. ohmygee! wahhh! why sudden? kinikilig ako!!! ang sweet nya ngayun! Siguro kung may katabi--

"hoy! bat ka nakangiting aso jan!"

"ay butiki!"

Napahampas ako sa braso ng nanggulat sa akin sabay hawak sa may bandang left chest ko.

"at nanghampas ka pa?"

"hoy! panget bakit mo ako ginulat!" pabalang kong sabi kya chunji. Opo si chunji po yung nanggulat sa akin.. bigla na lang susulpot ehh tss.

"tss! bakit ganyan ang mukha mo? ang pula" sabay lapit ng mukha nya sa akin. Heto nanaman po yung heartbeat ko.. ang bilis ng tibok 

"teka! may sakit ka ba?" sabay lagay ng likod ng palad nya sa noo ko.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon