|CHUNJI’S POV|
Napatingin ako sa hagdanan kung saan nakatayo si Poppy, parang kinakabahan pa sya. Kanina pa yan eh para syang natetense na hindi makatae tch. Habang kumakain kami kanina hindi sya nagsasalita subo lang ng subo at hindi man lang ako kinausap. Ako na rin yung naghugas ng pinagkainan namin, pambihira ako na nga yung nagluto ako pa yung naghugas tch.
“May sasabihin ka?” tanong ko at linipat yung Channel ng TV. Hindi ko sya tinignan at nagconcentrate lang ako sa pinapanood ko. Hindi naman sya sumagot at umupo sa tabi ko. Muli akong napatingin sa kanya pero ganun parin sya, nakayuko lang at kagat kagat nya ang ibabang labi nya. Ano bang problema ng tutang ito?
“Chunji Friday na bukas-“
“Alam ko at 9:00 pm na rin kaya pumasok kana sa kwarto mo at matulog”
“Ihh may sasabihin sana ako sayo” minute ko yung TV at tinaasan sya ng kilay. Ano namang sasabihin nya? “Sa sabado kasi Debut ni Yael, gusto nya sana eh pumunta ka ito yung Invitation Card mo”
Inilagay nya sa mesa yung invitation card at nginitian ako ng pilit. Ano namang gagawin ko doon? Magpaparty tch. At isa pa hindi ko naman ka close yun kaya bakit ako pupunta?
“Hindi ako pupunta” sagot ko at muling ibinalik yung sound ng TV. Kinuha naman nya yung Invitation Card at nag pout pa na parang bata. Aish! Ayan nanaman sya sa ugali nyang yan ehh!
“Pero minsan lang naman yun ehh—“
“Tch bakit ba ang kulit mo Poppy? Hindi ako pupunta tapos ang usapan matulog kana” sinimangutan nya lang ako at muling ibinalik ang Invitation Card sa mesa. Bakit ba gusto nya akong pumunta dun? Kasama din lang naman nya yung kaibigan nyang si Hyunwoo baka ma out of place lang ako doon kaya bakit pa ako pupunta.
“Gusto ko lang naman na pumunta ka kasi wala akong kasama, ang hirap mo namang i-please sige Good Night” Umalis na sya at padabog na sinara ang pintuan ng kwarto nya. Shit! Bakit parang kinonsensya ata ako? Huminga ako ng malalim at sumandal sa sofa. Gusto kong pumunta sa kwarto nya at bawiin ang sinabi kong hindi pupunta pero nawawalan ako ng lakas ng loob. Aish! Kahit kailan talaga si Poppy lang ang nagpapaconfuse sa akin.
***
|POPPY’S POV|
“Ayan tapos na” Minulat ko ang aking mata at laking gulat ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Wow! Ako ba talaga ito? Simple lang naman yung linagay nilang make up sa akin ah, pero bakit pakiramdam ko ang ganda ganda ko? Nginitian ko yung make up artist na kinuha ni Neil at muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin.
Sabado na ngayon at isang oras na lang magsisimula na ang Debut ni Yael. Nakakainis talaga si Chunji! Ang sarap sana magtampo kung nagaalala sya kaso hindi, bakit ba kasi ayaw nyang pumunta sa debut ni Yael? Hindi ko pa naman alam kung sino ang makakasama ko doon. Si Hyunwoo kasi escort ni Yael, malamang sila ang palaging magkasama. Paano naman ako? Wala naman akong ibang kakilala na pupunta bukod sa mga ilan kong kaklase.
“Oh bakit nakasimangot ka? Hindi mo ba nagustuhan?” Linapitan ako ni Nel at nginitian mula sa reflection ng salamin. Umiling lang ako bilang sagot at tumayo. Andito kami ngayon sa isang boutique hindi kalayuan sa bahay ni Neil. Dapat sana isasama ko sya para naman may makasama ako kaso sabi nya may gagawin daw sya kaya ayun sinamahan na nya lang ako na mag ayos at ihahatid na rin daw nya ako sa Venue.
Pagkatapos akong i-final retouch ay kaagad na kaming pumunta sa sasakyan ni Neil. 45 minutes na lang kasi magsisismula na yung Party. Yellow na may Pink and white na cocktail dress ang suot ko, ang motif kasi na kulay sa party ay Brown at Yellow na kulay. Ito na lang ang napili ko ang cute kasi eh at simple lang. Bumuntong hininga ako pagkaupo ko at inayos ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansaDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...