Chapter 45: Every single detail

1.4K 36 0
                                    

|HYUNWOO'S POV|

To: Yael

Goodmorning! ;)

Senend ko na ang message ko para kay Yael at muling humiga sa higaan ko. Mag iisang linggo ka na rin syang liniligawan at hanggang ngayon ay hindi parin nya ako sinasagot. Hindi ko naman sya minamadali at makakapaghintay naman ako, unti unti naring nawawala ang nararamdaman ko para kay Poppy. Iniisip ko minsan kung tama ba ang ginagawa ko dahil baka isipin ni Yael na ginagawa ko syang panakip butas. Hindi naman siguro kasi totoo ang nararamdaman ko sa kanya handaan akong ibigay ang isang daang effort ko mapatunayan ko lang sa kanya na gusto ko sya at handa akong maging boyfriend nya.

Mabilis kong kinuha ang phone ko sa mesa ng tumunog ito. I hope hindi ako nakaistorbo sa pagtulog nya. Napuno ng pagtataka ang mukha ko ng makitang hindi si Yael ang nagtext kundi unknown number. Sino naman ang magtetext sa akin ng ganito kaaga at unknown number pa. Binuksan ko na lang ang message at mas lalo akong nagulat ng makitang si Chunji ang nag text. Napaupo pa ako mula sa kama ko at kinusot ang mata ko. Nakapagtataka, anong kayang kailangan nya?

Can we talk? May gusto lang sana akong malaman. Chunji.

Rineplyn ko sya kung anong pag uusapan namin pero sabi nya kung wala daw akong gagawin eh magkita na lang kami sa coffee shop malapit sa School. Umoo na lang ako at mabilis na bumangon at naligo. Ano naman kayang pag uusapan namin? Atsaka isa pa wala pa kaming matinong usapan, ni minsan hindi ko pa sya nakakausap ng matagal pwera na lang nung umuwi kaming naglakad nung hapon nayun kasama sya at si Poppy.

Pagkatapos ng 15 minutes na sakayan sa tricycle ay andito na ako sa coffee shop, hindi pa man din ako nakakapasok pero kita ko na sya malapit sa pintuan, naka shades pa sya at bonet. Malamang baka pagkaguluhan sya kapag nakita nilang nagkakape ang isang sikat na model sa isang coffee shop ng ganito kaaga.

Pumasok na lang ako at tuloy tuloy na linapitan sya. Tumayo pa sya nung makita ako. “Sorry medyo late nagpaalam pa kasi ako sa mama ko”

“Nah it’s okay, anong gusto mo? My treat”

“Juice na lang nag almusal na ako kanina sa bahay” tinawag naman nya ang waiter at mabilis na umorder. Bukod kasi sa kape ay nagtitinda din sila dito ng pang breakfast at iba’t ibang flavor ng juice. Nang ma iserve ang juice ko ay nagkaroon ng konting katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko tuloy syang tawanan para kasi syang balisa.

“Bakit mo ako gustong makausap?” umubo naman sya para maibsan ang kaba bago tinaggal ang shades nya. Nanliit tuloy ako sa sarili ko parang ang pangit ko ngayong kita na ang kabuuan ng mukha nya. Para akong baliw alam ko namang gwapo rin ako lamang lang sya ng 5%. I laugh at the back of my mind at ngumiti na parang baliw. Nakakatawa lang talaga kasi yung mukha nya para syang nakikipag date sa isang babae at natatakot na baka makita sya ng iba pa nyang girlfriend. Hindi ko na napigilan pa at tumawa ako ng mahina.

“Anong nakakatawa?” sabi nya in a serious tone. Umiling iling lang ako at pilit na nagseryoso. “May sasabihin ka? Tungkol ba kay Poppy?” Napansin ko namang bumigat ang paghinga nya ng banggitin ko ang pangalan ni Poppy. Pangalan pa lang nya pero apektadong apektado na sya.

“Uhmm ano may gusto lang akong malaman tungkol sa kanya”

“Like?”

“Paano ko ba sasabihin ganito kasi yun—“

“Liniligawan mo sya?” natigilan naman sya sa sinabi ko at inayos ang pagkakaupo nya sa upuan. I was right, may gusto nga sila sa isa’t isa. Buti na lang pala talaga at hindi ko sinabi kay Poppy ang nararamdaman ko or else—malaking langaw ang kalaban ko. Tumawa naman ako ng mahina at tinikman ang juice na inorder nya para sa akin.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon