Note: Wala po si Chunji dito kasi busy sya kay Author. JK! Katuwaan lang kapag may Writer's Block. Mehehe
|NEIL’S POV|
“tae naman oh! Mag iisang oras na tayo dito pero wala paring bumibili” nagmamaktol na sabi ni Cap sabay paypay sa iniihaw nyang betamax
“sinabi ko naman kasing huwag nyo ng ibenta yan ehh! Kainin na lang natin!” sabi naman ni Ricky sabay kuha ng Hotdog na kakaihaw lang din
Nabwibwisit na ako sa dalawang yan! Kanina pa nag iinarte bakit hindi na lang magpaypay ang atupagin nila! Ito namang si Changjo at Ljoe nakahiga lang sa damuhan habang nagbabasa tss! Mga tamad! Andito kami sa Park nagtitinda ng mga Street Foods.
Bwisit kasi si Ricky ehh! Ibinigay nya number namin kay Aliza! At ito namang si aliza lakas mang uto kay Ricky! Bibigyan nya daw ng Marshmallow si Ricky pag binigay nya number namin at ito namang si Ricky na matakaw binigay! Ang matinde blinack mail nya kami na kapag hindi daw namin sya tinulungang magtinda ngayon ibibigay nya number namin sa fangirls namin! Sarap sapakin ni Ricky!!
“konting tiis lang guys may bibili din mamaya!” Nakangiting sabi ni Aliza sabay lapit sa akin
“Meron? Kailan pa kaya?” sabi ko naman sabay tabi kay Changjo
Sumimangot naman si Aliza sa sinabi ko at umupo sa tabi ni Ljoe
“ganun sumusuko na kayo? Bigay ko na number nyo sa Fangirls nyo?”
Napabalikwas naman sa pagkakahiga si Changjo sabay lapit kay Aliza.
“Ito namang si Baby oh, tutulungan ka naman namin ehh”
Niinis syang tumayo sabay Strip ng damit nya. At ngayon naka sando na syang nag aayos ng mga paninda namin. Seriously? Kailangang idisplay ang katawan?
Literal naman na napanganga si Aliza at wala sa sariling tumayo.
“Laway mo tulo na!” sabi ko at inagaw ang pamaypay kay Cap
Inikutan nya lang ako ng mata at tumayo nadin.
Maya maya lang ay may Lumapit sa aming isang dalagitang mataba ang pisngi medyo namumula pa yung pisngi nya at kita din ang Dimple nya.
“Binibini bibili ka ba?” Nakangiti kong sabi, natural! Gwapo ako.
“ahh ano po bang tinda nyo?” Nahihiya nyang tanong
Sasagot pa lang sana ako ng bigla akong unahan ni Ricky
“Hi ganda! Bili ka na please masarap yan natikman ko na lahat yan ehh”
“ahh huwag mo na lang syang pansinin hehe matakaw yan ehh” Pakikisingit naman ni Cap
“Ako nga pala si Ricky! And you are?”
“Ria nga pala”
Inabot naman nya yung kamay ni Ricky at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Taena! Namumula sya ang Cute!
Hinalikan naman ni Ricky ang likod ng kanyang kamay at inakbayan ito.
“So ano na binibining Ria anong bibilhin mo?”
“hoy huwag mo ngang landiin yang bumibili!” Sigaw ni Changjo
Napatingin naman sa direksyon ni Changjo si Ria at lumaki ang mata nito sabay laglag ang panga! Bwisit tong Changjo na to ehh! Porket sexy na dinisdiplay na ang katawan nya! Kairita!
“Hoy changjo! Magdamit ka nga!” Sita ni Ljoe na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Aliza
Itong babaeng toh! Kung hindi lang sya napamahal sa amin ehh! Hindi namin sya tutulungan!
Inirapan lang ni Changjo si Ljoe at linapitan si Ria. Ngayon nasa gitna na ni Ricky at Changjo si Ria.
“Ahh ria ano bibilhin mo?” maamong tanong ni Changjo
“Hoy Changjo dun ka nga! Ako nauna sa kanya!”
“Ehh ano naman ngayon? Mas pogi naman ako sayo!”
“Aba! At sasagot ka pa? Hoy tandaan mo mas matanda ako sayo!”
“Mas pogi parin ako!”
“Bastos ka---“
“Tumigil nga kayo pwede! Malulugi negosyo ko sa inyo ehh! Ljoe ikaw na ngang bahala kay Ria” sabi ni Aliza sabay hila kay Ricky at Changjo. Pinalo pa nya ito ng sandok sa ulo nila.
Linapitan naman ni Cap si ria at kinausap ito.
“pagpasensyahan mo na sila hehe mga krung krung yun eh”
“wala yun ang kyut nga nilang mag away ehh”
“Ahh so ria ano bang bibilhin mo?” Tanong ko
“Dalawang Hotdog na lang po”
Kumuha naman ng Hotdog si Ljoe at inihaw ito. Tagabaliktad sya samantalang si Cap ehh tagapaypay. Ako naman ang taga hawak ng pera. Si Ricky at Changjo? Ewan ko kung saan dinala ni Aliza. Pareparehas silang krung krung
Binigay nanamin sa kanya yung hotdog nung naluto na binayaran narin nya atsaka umalis.
“So ano na? Tss! Dapat natutulog—“
Hindi natuloy ang sasabihin ni Ljoe ng may lumapit sa aming Grupo ng mga babae.
“Wahhhhhhh! Ang popogi nila!”
“Ohmygee! Bili tayo Wahhhhhhh!”
WTF! Bakit ang dami nila?! Waaaah!
***
Sa kabilang sulok naman ng mundo..
|ALIZA’S POV|
Mwahahaha! Swerte ko ngayong araw na ito ahh! Bukod sa dumadami ang bumibili ng paninda ko na ngayon ay si Ljoe, Cap at Neil ang nagtitinda ngayon naman si Ricky at Changjo naman ang next weapon ko.
“ahh miss ano pong meron dito?” Tanong sa akin nung babaeng lumapit sa akin
“ahh nakikita nyo po yung dalawang lalaking yan na nakaposas? Magbayad lang po kayo ng 50 pesos at may libreng kiss sa kanila”
“wah talaga po? As in kiss?”
“opo opo kiss po!”
“Hoy walang hiya ka Aliza! Magbabayad ka! Wahhhhhh! Pakawalan mo kami!” Sigaw ni Ricky
“tss ang ingay mo Ricky!” sabi naman ni Changjo
“Wahhhh! Pa try po ate ahh teka tatawagin ko lang mag kaibigan ko”
Nagnod lang ako bilang sagot at tinigan sila Ricky na ngayon ay pilit kumakawala sa pagkaposas ko sa kanya samantalang si Changjo ay pa cool lang na nakaupo habang pasipol sipol.
Mwahahaha tiba tiba ako ngayong araw na ito ahh! Mapagkakakitaan pala ang mga lalaking ito. Buti na lang at uto uto si Ricky.
![](https://img.wattpad.com/cover/5052238-288-k406555.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...