Chapter 22.5: Confused {part 2}

2.1K 53 1
                                        

|POPYY'S POV|

Buti na lang tumila ang ulan ngayong hapon kaninang tanghali kasi bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan at may bagyo daw kaya suspended ulit ang pasok bukas  kaya naman tuwang tuwa ako pati narin ang mga kaklase ko at yung exam namin next week na lang daw.. Dapat sa thursday at friday yung exam ehh kaso yun nga may bagyo at panay suspended ang klase kaya linipat na lang next week.

Alas singko na at tapos na rin yung kailangang tapusin sa room buti na lang at tulong tulong kami sa pag dedecorate ng room at may team work kami kung ano ang iuutos ng president namin sinusunod namin kaagad para mabilis matapos. Kainis kasi si mam late na nyang sinabi na contest pala yun yung pagandahan ng room tapos kung sino yung mananalo may special gift daw mula sa mga staffs ng faculty kaya ayun kailangan pa naming dagdagan yung materials na binili ko pero this time hindi na ako yung bumili nakakapagod kayang mag ikot ikot sa mall hmmmp!

Mag isa nananaman akong uuwi ngayon paano kasi mag oovertime daw ng practice sila hyunwoo dahil malapit na daw yung contest na sasalihan nila sa ibang school kaya heto loner ako.

Malapit na ako sa may gate ng subdivision ng may marinig akong parang nag aaway sa may tabi ng puno.

"bitawan nyo ako!"

"at anong akala mo? papakawalan ka namin?!"

"ano bang problema nyo haa!"

"problema namin? ikaw at yang grupo mo!" Teka! parang kilala ko yung boses na yun ahh parang si K-Kai.

Dahan dahan akong lumapit sa pinanggalingan ng ingay na yun at nagtago sa mga halaman para hindi nila ako makita. Ewan ko ba kung bakit pero kinakabahan ako! Sigurado akong si kai yun pero bakit sya andito? Heto nanaman ako na pupuzzle yung utak ko! Baka mamaya kung anung gawin nila kay Kai. Mas lalo akong kinabahan sa mga narinig ko parang nagbubugbugan na sila 

 "Akala mo kung sinong tuso! matapang ka lang pag kasama mo mga kaibigan mo!"

Tumawa ng malakas yung isang lalaki at sumabay din sa pagtawa ang maga kasama nito. Sumilip ako ng konti para makita kung sino sila at tama nga ako si Kai! May nakapaligid sa kanyang tatlong lalaki na kaparehas ng uniform ko. Pero anung ginagawa nila malapit dito sa subdivision at bakit nila binobugbug si Kai?

"mga gunggung pala kayo ehh! ang lakas nyong mangresbak pag mag isa ko lang pero pag kasama ko mga kaibigan ko para kayong tuod na hindi man lang makagalaw!"

At tumawa pa sya sa sinabi nya  dahilan para mas lalong mainis ang mga nambubugbug sa kanya

"at sasagot ka pa haa! ehh gago ka pala ehh!"

At binugbug nanaman nila si Kai! Anong gagawin ko? wala pa man ding masyadong taong dumadaan dito! Pero bakit hindi  lumalaban si kai? bakit! Naalarma ako ng pinagtulungan nila si kai. Tatlo laban sa isa? that's unfair!

"gago ka! nakuha mo pang tumawa! patay ka sa amin ngayon!"

Pinagtatadyak nila yung ulo ni kai pero naka cover naman dun yung kamay nya. Shit! kailangang may gawin ako! Tumakbo ako papuntang kalsada nagbabakasakaling may mapadaan na sasakyan pero kapag minamalas ka nga naman oh!

"ohh ano na kai lumaban ka! putangina mo! kayo ng mga barkada mo!"

Wala akong choice kundi ang awatin sila kinakabahan ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Minsan na akong tinulungan ni kai ngayon ako naman ang tutulong sa kanya! Ayokong may mapahamak dahil lamang sa wala man lang akong ginawa kahit alam kung may nasasaktan!

"hoy! tumigil na kayo nasasaktan na sya!" Lumapit ako sa kanila at napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko shit! natatakot ako baka ako yung isunod nila pero wala na akong magagawa andito na ehh!

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon