Chapter 19: A day with him too

2.4K 47 1
                                        

|HYUNWOO'S POV|

Andito kami ngayon ni poppy sa park.. diba nga yinaya ko syang lumabas? Ewan nga ehh sabi ni chunji nung sabay-sabay kaming umuwi bibisita daw mama nya ngayong linggo pero nung tinanong ni poppy kung anung oras pupunta dun mama ni chunji sabi nya nasa Canada pa daw sya.. Ayon bigla akong tinawagan ni poppy na tuloy daw kami ngayon

Nabwibwisit nga si poppy ngayon bakit daw kailangan pang mag sinungaling ni chunji kung pwede naman nyang sabihin na ayaw syang payagan nito. Ewan ang gulo nilang dalawa.

"oh ice cream mo" sabay abot sa kanya nung dirty ice cream na nakalagay sa tinapay

"thanks" sabay ngiti

"oh bat nakabusangot ka jan? ayaw mo ba yung flavor?" Ube kasi yung binili kong flavor ehh paboritong nyang flavor ng ice cream ehh chocolate kaso wala silang tindang ganun.

"hindi.. naiinis lang ako kay chunji napaka ano nya!"  May biglang kumirot sa puso ko sa sinabi nya.. Posible kayang.. nah hindi naman siguro naiinis lang siguro sya..

"hayaan muna buti nga at tinawagan mo mama nya ehh or else kulong ka ngayun sa bahay nyo." natatawang sabi ko

"kaya nga ehh naku yung taong yun! mahilig sa pranks!" sabay kain ng ice cream nya

May naiwan pa ngang konting ice cream sa dulo ng ilong nya.. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at pinunasan iyon.

"may ice cream"  Namula naman sya at tumingin sa ibang direksyon.. hihi cute.

"anong gusto mong gawin poppy?"

"uhmm ano nga ba" at tumingin sya sa taas na kunwari nag iisip ng malalim

"ahh alam ko na!" sabay tapon ng tissue paper sa basurahan

"ano?" tumayo ako at linapitan sya

"samahan mo akong bumili ng damit.. wala na akong maisusuot mamaya.. nag laba kasi kami  kahapon ehh kaso hindi pa naman na tutuyo kasi nga umulan kahapon.. buti nga at may naiwan pang extrang damit ko sa cabinet"

"okay tara!"

Hinila ko siya at naglakad papuntang sakayan ng bus.. 2:00 pa lang naman ng hapon hindi din naman masyadong mainit dahil makulimlim ngayon ewan may bagyo ata.

Katatapos lang namin mag lunch sa bahay kanina bago kami napadpad sa park malapit sa bahay. Kaagad naman kaming nakasakay ng bus at umupo dun sa pinakalikod .

"uhmm san tayo mamimili?"

"sa divisoria" nangingislap ang mata nyang sagot

"okay okay" natatawa ako sa reaction nya ang cute sarap pisilin ang pisngi nyang namumula.

Sa divisoria kami mamimili ngayon kung bakit? Mas mura daw at makakatipid pa sya magaganda din naman daw yung mga damit dun kaya why not try diba? Mga 45 minutes din bago kami nakarating sa divisoria itong kasama ko kinaladkad ako palabas mukhang excited ehh.

"wah! hyunwoo ang kukyut oh"  turo nya sa mga damit pambata

"oo nga ehh sigurado ako magugustuhan yan ni Lucy" Tinutukoy ko yung pinsan kong 2 yrs. old.. anak-anakan namin ni poppy namatay na kasi yung parents nya dahil sa isang car accident kaya yun inampon naman ni mama tutal pinsan naman nya yung parents ni lucy

"bili tayo hyuwnoo sige na please tapos bigay natin mamaya sa kanya"

"sigurado ka? mga 2 hours pa ang byahe bago tayo makakarating sa bahay maaaga pa tayo bukas poppy"

"ayy ganun ba.. sayang naman" 

"uhmm ganito na lang bibili tayo ngayon tapos bigay natin sa sabado.. kung okay lang sayo"

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon