Chapter 61: Reminders

1K 28 0
                                        

|POPPY'S POV|

Namumula pa ang mata ko pagkagising ko kinaumagahan. Umuwi rin ako dito sa bahay kagabi pagkatapos kung mapatahan ang sarili ko. Tinanong pa ako ni tita Thea kung bakit pa daw ako uuwi samantalang pwede akong tumira muna sa bahay nila. Nagdahilan na lang ako na hindi ako nakapagpaalam kahit hindi naman 'yon ang tunay na rason. Chunji's scent all over his room. Mas lalo lang akong iiyak kung mananatili ako sa kwarto nya.

Inayos ko ang sarili ko at nagmadaling pumasok sa CR para maligo. I'm independent for 3 weeks. Walang Chunji na mag aasikaso sa akin, mangungulit at maglalambing. Napailing iling ako para kahit papaano ay maalis sya sa aking isipan. Minadali ko ang paggalaw para narin hindi ako malate sa pagpasok, malayo layo pa man din ang school dito sa bahay.

Pagkababa ko ay naabutan ko si mommy at daddy sa hapag at ako na lang ang hinihintay.

"Goodmorning" bati ako at humalik sa pisngi nila. Naka leave sila ng 1 month sa trabaho para makapagpahinga at para narin mapaghandaan ang pagsalubong ng Christmas at New Year.

"Let's eat. Kanina pa ako nagugutom" Itinabi ni daddy ang binabasa nyang newspaper at nagsimulang kumain.

Kumuha ako ng hotdog at linagay 'yon sa plato ko. I'm just wondering kung saan ang lakad nila ngayon since mukhang aalis sila.

"So sinong maghahatid sayo 'nak? Gusto mo ako na lang bago kami pumunta kay tita Thea mo?"

"Huwag na po dy, magpapahatid na lang ako kay manong Joe" tumango naman sya bilang sagot at uminom sa kape nya.

"Sa tingin mo Daniel magrerenew pa ng contract sa atin si Radd" napatigil ako sa pagsubo sa sinabi ni mommy. Are they talking about Radd Bautista? Hindi na ulit sya nagpakita simula noong lumabas kami, huli syang nagparamdam nung birthday ko at hanggang ngayon ay wala pa akong nasasagap na balita tungkol sa kanya. Not until mom mention his name.

"Magrerenew sya ng kontrata 'yon ang sinabi ni Devine. Pagkatapos ng fashion show sa UK ay didiretso na sya sa Canada" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy.

"Sumama po sya sa UK?"

"Yup baby, hindi ba sinabi sayo ni Chunji?"

Nanatili akong tahimik hanggang matapos ang breakfast namin at buong byahe patungong school ay ang bagay na 'yon ang naging laman ng isipan ko. Hindi nabanggit sa akin ni Chunji na kasama si Radd, ang kilala ko lang na pumunta ay si Ken at Hyuna. Aniya'y bawat agency dito sa Pilipinas ay may representative, may pre-show na gaganapin at pipili sila doon kung sino ang talagang makakasama sa fashion show. Mainit pa naman ang dugo nun kay Radd. Napabuntong hininga ako at inayos ang upo ng matanaw ko ang school gate. I'll talk to him once na tinawagan na nya ako, baka knock out na sya at natulog na lang matapos ang mahabang byahe.

"Manong Joe tetext na lang kita kung anong oras mo ako susunduin mamayang hapon"

"Sige"

Umalis na ako at nagtuloy tuloy hanggang sa classroom, wala pa ang guro pagdating ko at iilan pa lang ang kaklase kung andito. Kabilang na si Hyunwoo at Yael.

"Poppy! Lika dito dali" kinaladkad ako ni Yael papunta sa pwesto nila ni Hyunwoo.

"Kamusta ang pag alis ni Chunji? Hindi mo ba sya pinigilan?" umiling ako at ngumiti ng tipid.

"Hindi. Importante kasi 'yon at 3 weeks lang naman, balak nga nyang ireject 'yon kaso pinilit ko lang" kumunot naman ang noo nilang dalawa sa sinabi ko.

"Bakit naman?"

"Hyunwoo, alam mo namang hindi ko pa lang sya kilala ay nasa modelling na ang buhay nya. Ayoko namang maging hadlang sa kagustuhan nya"

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon