|CHUNJI'S POV|
Napamura ako ng makitang nagtatawanan si Ken at Poppy. Tangina! At mukhang nagkakatuwaan pa sila. I'm being possessive again pagdating sa kanya. Can't help it masyadong mabait at lapitin ng lalaki si Poppy na kahit hindi nya kilala ay pinakikisamahan nya. Even that Radd Bautista, the fucker! Ang lalaking hindi man lang nahiya sa balat nya at dinate ang girlfrend ko.
"Sa wakas naman at dumating ka na" Pinandilatan ako manager ko pagkarating ko sa opisina nya. Pinagekis pa nya ang kamay sa dibdib nya at tinaasan ako ng kilay.
"What?" Pinanlakihan ko sya ng mata at umupo sa swivel chair sa harapan nya.
"There's a rumor, girlfriend mo daw 'yong kasama mong babae na pinsan ni Neil" Ngisian ko sya at pinatong ang paa ko sa kabilang silya.
"It's not a rumor Lavin, It's for real. Oo girlfriend ko sya. Ano'ng problema doon?" Napaawang ang labi nya at napatayo sa kinauupuan nya.
"What?! At hindi mo man lang sinabi sa akin? Are you insane? Paano kung malaman ito ng mga media-"
"Fuck them Lavin, I don't care about the media! Kahit lumaos ako bilang isang model kapag nalaman nilang may girlfriend ako. I don't really care" Tumayo ako at tinalikuran sya. Pinatawag ba nya ako para sabihin ang bagay na 'yon? Sad to say, hindi sila ang magiging hadlang sa amin. Never.
"Are you really serious about her? I saw her kanina, she's gorgeous. Pwede syang maging model" Napatingin ako sa kanya at tinukod ang kamay ko sa lamesa. Ano'ng pinagsasabi nya? Oo alam kung maganda si Poppy kaya nga proud na proud akong girlfriend sya. She's very different.
"What do you mean?" kinunutan ko sya ng noo pero tumawa lang sya at muling umupo.
"Kumbinsihin mo naman syang-"
"Mag model? Ayoko! Hindi na ako mag rerenew ng contract ko once na natapos na ang kontrata ko sa kompanyang ito. Mag aaral ako ng college kasama sya. That's my plan"
Pagkatapos ng Fashion Show sa UK na hindi ko pa nasasabi sa kanya ay hindi na ulit ako papasok sa mundo ng modelling. Nakapagisip na ako ng gagawin para sa future namin at hindi sapat ang pera na natatanggap ko mula sa pagmomodel. I'll handle a business nang hindi kami maghihirap sa hinaharap.
"Fine, ikaw ang bahala! I am not against sa relasyon nyo. Siguraduhin mo lang na makakasama ka sa UK at pag isipan mo nang mabuti ang kontrata mo"
Nang matapos ang usapan namin ng manager ko ay pumunta ako sa isang studio kung saan gaganapin ang huling photoshoot na gagawin ko bago pumuntang UK. Isang linggo na lang at aalis na kami. Fuck! Hindi ko pa nasasabi kay Poppy ang pag alis ko. Paano kung hindi nya ako payagan at magalit sya sa akin? Hindi pwede at mas lalong ayoko ng long distance relationship.
Ilang shot lang ang kinuha nung photographer bago kami nag palit ng damit. This time kasama ko si Hara at pangalawang beses pa lang kaming nagsasama sa isang project. Casual dress ang sinuot namin para sa isang cover ng magazine. Sumunod naman ang mga tuxedo at long gown at ngayon ay kasama ko si Hyuna.
"Long time no see lover boy" tumawa sya at hinawakan ang panga ko. Hinawi ko ang kamay nya at inikutan sya ng mata.
"Wow! Nagka girlfriend ka lang ayaw munang magpahawak?"
"Shut up Hyuna!" Pumwesto ako sa harapan nya at hinawakan ang bewang nya. Nginisian naman nya ako at linagay ang kamay nya sa batok ko.
"Mag sosorry ako sa girlfriend mo later, naging rude ako sa kanya last time" bulong nya habang nakatingin kami sa camera. Nag change kami ng position bago sumagot.
"Dapat lang. You don't have the rights para kausapin ang girlfriend ko"
"Tss yabang. Anyway, papakilala kita mamaya sa kaibigan ko. Pinsan nya kasi 'yong makakasama natin sa UK na galing Canada"
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...
