|POPPY'S POV|
Hindi kaagad ako nakapagsalita at nakatitig lang kay Bridgette. Bakit sunod sunod ang kamalasang nagaganap sa relasyon namin? Why is this even happening? Pakiramdam ko ang daming tutol sa relasyon namin kahit hindi naman nila sinasabi na ayaw nila sa aming dalawa. I could still feel it.
"Kailan pa Poppy? Bakit hindi namin alam? You guys are not even close" No Bridgette. Wala kang alam sa nakaraan namin. Gusto ko yang sabihin ngunit hindi ko magawa, ang alam nila simpleng magkaklase lang kami at seatmate. Pero hindi e' we're living under the same roof at hindi nila alam yon.
Lumingon ako para sana senyasan si Radd na huwag magsalita ni kahit ano tungkol sa amin ni Chunji pero wala na sya. He's gone.
"Poppy, kanina ka pa namin hinahanap" Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Yael. Thank god! Akala ko mapapaamin na ako kay Bridgette.
"Sorry, hindi ko kasi mabuksan yong locker ko" pagsisinungaling ko at tinignan si Bridgette. Matalim ang mata nyang nakatitig sa akin.
"Tara na Yael" Hinila ko na sya palabas ng locker room at nilagpasan si Bridgette na ngayon ay nakatitig parin sa akin. Nakaawang ang labi nya at nakakunot ang noo.
Sigurado akong hindi ako tatantanan non. Galit sya sa akin at hindi ko alam kung bakit, mas magagalit sya dahil sa narinig nya kanina.
Bumalik kami sa classroom at nadatnan kung may kumakausap na babae kay Chunji. Tinignan ako ni Hyunwoo at Yael na parang sinasabi nilang 'do something'. Umiling ako at umupo muna sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Hindi dapat kami magpahalata, hindi nila dapat malaman na kami na. Magugulat sila magtataka, baka makasira yon sa reputasyon ni Chunji bilang model. Para akong kabuteng bigla na lang susulpot, yon ang magiging tingin nila sa akin.
"Poppy, nag away ba kayo ni Chunji?" Umiling ako at ngumiti ng pilit kay Hyunwoo. Pansin ko naman ang pag buntong hininga nya at tinignan ang kinauupuan ni Chunji na ngayon ay palapit na sa akin. Umiwas ako ng tingin at yumuko, we need space. Dapat hindi sya umaaligid saakin dito sa school, ano na lang ang iisipin nila?
"Saan ka galing?" Pambungad nya at tinaasan ako ng kilay habang nakatayo sa harapan ko. He is possessive of me, I knew it pero maiintindihan nya naman siguro kapag sasabihin kung hindi kami masyadong magkadikit dito sa school.
Sasagot na sana ako ngunit nahagilap ng mata ko si Bridgette, titig na titig sya sa amin ni Chunji. Para bang may gusto syang sabihin ngunit hindi nya masabi sabi. Paano kung ipagkalat nya ang mga narinig nya kanina? Lumapit sya sa amin at nginitian ako ng mapaglarong ngiti.
"Poppy, asan na yong lalaking kasama mo kanina sa locker room?" Natigilan ang mga kaklase ko sa lakas ng pagkakasabi nya non. Shit! Bakit wala pa yong teacher namin! All eyes are on me now.
"May kasama kang lalaki sa locker room? Sino sya Poppy" Mariin na sabi ni Chunji at inilagay ang dalawa nyang kamay sa mesa para makaharap sya sa akin ng maayos.
"Wala naman kaninang pumunta ako doon a" Sabi ni Yael
"Ano nagtatanong lang, may hinahanap e" Pagsisinungaling ko at umiwas ng tingin. Sige Poppy magsinungaling ka pa. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinignan si Bridgette. Gulat na gulat ang mukha nya at hindi nya expected ang sasabihin ko. Hindi pwedeng malaman ni Chunji ang bagay na yon hanggat hindi ko pa nakakausap ng maayos si Radd.
Bumuka ang labi ni Bridgette at may sasabihin pa sana ng magsalita ang President namin mula sa labas.
"Guys gymnasium daw. Andoon na si mam"
Hinila ko na si Yael at mabilis na lumabas. Ayoko ng kahit ano pang tanong ngayon, sigurado akong magtatanong at magtatanong si Chunji pag uwi namin. Doon ko sasabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomantizmDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...