|CHUNJI’S POV|
“sige una na ako” paalam ko sa mga kasama ko pagkababa ko sa tapat ng mall. Katatapos lang ng photoshoot namin at ihahatid na sana kami ng service namin kaso sabi ko huwag na at may dadaanan pa ako. Dapat sana magpapahinga na lang ako ngayon dahil napagod ako sa trabaho pero ewan ko ba may nagtutulak sa akin na pumunta ng mall wala naman akong bibilhin ahh aish bahala na nga!
Isinuot ko ang shades ko at inayos ang hood ng jacket ko. Alas kwatro pa lang naman ahh pero bakit ang lamig na kahit may araw pa rin? Tss siguro dahil ber months na. Papasok na sana ako ng may mahagilap ang mata ko. Isang babae siguro na sa 15 or 16 na sya. Nakikipag away sa 10 years old na bata. Like seriously? Pati bata papatulan? Tsk hindi ko na lang sila pinansin at tuluyan ng pumasok ng mall.
“tsk isip bata”
All of a sudden bigla ko na lang naalala si Poppy. Tsk! Yung babaeng yun! Napaka sadista! Apakan ba naman yung paa ko nung kumain kami sa labas nung isang araw! Aish! Masisira image ko sa media pag nagkataon na may nakakita sa aming paparazzi! Sabihin ba namang seniseduce ko sya. What the hell! Bakit ko naman iseseduce ang kagaya nyang isip bata? Talaga lang naman kasing may sauce sya sa gilid ng labi nya! Isama mo pa yung labi nyang napaka pula pati pisngi nga nya namumula ehh! Pero bakit ko ba kasi isinubo yung daliring ginamit kong pampahid sa gilid ng bibig nya! Aish! Naman napakatanga ko!
Naglakad lakad lang ako sa loob ng mall ni wala nga akong gustong bilhin tsk. Tumingin ako sa kanan ko, doon ang daanan papuntang CR ng mga boys. Bigla na lang akong napangiti ng maalala ko yung pangyayaring yun, nung nag grocery kami ni Poppy at hinabol kami ng mga fangirls ko. Kapag kasama ko si Poppy lagi na lang may hindi magandang nangyayari, habulin ba ng kamalasan si Poppy? Tsk
Umiling iling na lang ako para maalis sa isipan ko ang pangyayaring yun at maglalakad na sana ako ng mapansin kong may nakatingin sa aking dalawang babae, nagbubulungan pa sila.
“diba sya si Chunji?”
“oo sya nga. Sya pa nga yung nakadisplay sa labas ng bench kanina ehh”
“ang gwapo nya talaga noh?”
“true! No wonder kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya”
Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy tuloy ng maglakad. Saan na ako pupunta ngayon? Aish! Tumigil ako sa paglalakad, napakamot ako sa ulo ko at kinuha yung cellphone sa bulsa ko. Ano kayang ginagawa ni Poppy sa bahay? Tatawagan ko ba sya? Teka! Bakit ko naman tatawagan yung isip batang yun?!
“aish! Bakit ko ba iniisip ang babaeng yun!”
Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at maglalakad na sana ulit ng may mahagilap ang mata ko. Kaagad ko yung linapitan at tinignan ng mabuti. Wala akong alam sa mga gusto ng mga babae at mas lalong wala akong alam sa mga taste ni Poppy pag dating sa mga linalagay sa buhok pero sa tingin ko babagay ito sa kanya kahit hindi ko pa sya nakikitang mag suot ng hair clip.
“sir may gusto po ba kayong bilhin?” tanong ng saleslady’ng sobrang pula ng labi at nakapusod pa ang buhok nya. Inayos ko muna ang shades ko at hood ng jacket ko bago sumagot, mahirap na at baka mahalata nya ako though hindi ko lang alam kung kilala nya ako pero sigurado akong kilala ako nyan, sino bang hindi makakakilala sa akin? Tsk
“ahh miss patingin nito” Kaagad naman nyang kinuha yung tinuro ko at binigay sa akin.
“para po ba sa girlfriend nyo? Naku sigurado akong magugustuhan nya yan last na kasing design yang napili nyo at yan po yung madalas na binibili ng mga lalaki para ibigay sa girlfriend nila” nakangiti nitong sabi
Binibigay sa girlfriend? Teka! Hindi ko naman girlfriend si Poppy ahh! Pero bakit ko ba kasi bibigyan si Poppy ng ganito? Pero wala naman sigurong masama kung bibigyan ko sya ng ganito diba? Pero baka kung anong isipin nun! Baka isipin nya na nagkakagusto na ako sa kanya! What the fuck Chunji? Puro ka pero—aish! Bahala na nga!
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansaDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...
