Chapter 54: Parents

962 26 0
                                    

|POPPY'S POV|

Hindi kaagad ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kanya, binalot ng kaba ang dibdib ko at hindi alam ang gagawin.

"Chunji"

"Ang sabi mo mag dadate kayo ni Yael, lalaki na pala si Yael ngayon" tumawa sya nang mapakla at umiling iling. Ito na 'yong sinasabi ni Yael kanina, na magagalit sya. Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko at pigil pigil ko ang aking paghinga.

"Hindi naman sa ganun Chunji, sasabihin ko naman sayo-"

"Are you cheating on me Poppy? Tangina wala pang isang buwan ang relasyon natin!" Napayuko ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Umiling ako at humikbi.

"And now you're crying? Hindi mo ako madadaan sa pag iyak!" Ramdam ko ang galit nya sa bawat salitang binibitawan nya. Kasalanan ko ito kung sana sinabi ko kaagad sa kanya. Tinignan ko sya at pinunasan ang luha ko.

"I am not cheating on you! Kahit tanungin mo pa si Yael" Linapitan ko sya ngunit hindi man lang nya ako hinawakan imbes ay tinitigan nya lang ako, galit na galit ang kanyang mukha. Ramdam ko rin ang mabibigat nyang paghinga.

"Sya ba 'yong lalaking tinutukoy ni Bridgette na kasama mo sa locker room?" Hindi na nya dapat malaman yon dahil hindi naman yon importante, mas lalala lang ang sitwasyon.

Muli syang tumawa ng mapakla at tumalikod ng mapansing hindi ako sasagot "Matulog ka na Poppy, you make me so damn angry"

Pinigilan ko sya pero inilisi lang nya ang kamay ko "Sleep, matulog ka na. Mainit ang ulo ko dahil sa pagsisinungaling mo"

Wala na akong nagawa ng tuluyan na syang pumasok sa bahay. Humagulhol ako sa iyak at napaupo sa sahig, iiwan na ba nya ako? Ayaw na ba nya sa akin? Napapikit ako at hinawakan ang dibdib ko, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito. Sunod sunod na lang ang kamalasang nangyayari sa amin, at bukas ay dadating na ang parents ko. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang makipag ayos kay Chunji o ang sabihin kila mama ang tungkol sa relasyon namin.

Hindi na ako nag abalang magpalit ng damit pagkapasok ko sa kwarto, ni kumain ay hindi ko nagawa. Ibinaon ko ang ulo ko sa unan at hinayaan ang pagtulo ng luha ko. Ano ang gagawin ko? Magpapatulong ba ako kila Yael o kay Neil? Hindi pwede kay Neil dahil sigurado akong magagalit yon. Kasalanan to ni Radd! Kung sana hindi nya ako hinatid kanina ay hindi sana kami makikita ni Chunji!

Natulog akong luhaan at paggising ko ay alas otso na ng umaga, mabilis akong napatayo at tinignan ang phone ko. Walang nagtext ni isa kahit si Chunji man lang. Galit pa kaya sya? Makikinig ba sya sa akin kung sasabihin ko ang tungkol kay Radd?

Naligo ako at hinanda ang sarili ko, I've made up my mind. Mag sosorry ako sa kanya, nangyari na ito nong meron pa si Kai. Papatawarin nya ako at hindi nya ako kayang tiisin dahil mahal nya ako. Lumabas ako ng kwarto at tinahak ang kwarto nya.

Andito pa kaya sya o umalis na sya? Sana lang hindi pa sya umalis nang makapagsorry na ako. Huminga ako ng malalim at nirelax ang sarili ko bago kumatok.

"Chunji" tawag ko ngunit walang sumagot. Muli pa akong kumatok pero wala paring sumagot. Sumimangot ako at napayuko. Hindi man lang sya nagpaalam na aalis, I know galit sya pero kahit man lang nag iwan sya ng note nang hindi ako nag aalala sa kanya.

Hinawakan ko ang doorknob at nagulat ng hindi iyon nakalock. Dahan dahan kung binuksan ang pinto at sumalubong sa akin ang amoy ng pabango nya. Mas lalo akong nalungkot at mas lalo syang namiss, ilang oras ko pa lang sya hindi nakakasama pero ramdam ko na ang gap sa amin.

Pinasadahan ko ng tingin ang banyo at nag babakasakaling andon sya ngunit nakabukas lang yon. Muli ko pang nilibot ng tingin ang buong kwarto bago yon sinara at bumaba. Nag diretso ako sa kusina at nagulat ng may nakitang pagkain sa mesa.

Tinanggal ko ang nakatakip sa mesa at kinuha ang note na nakadikit sa baso.

Eat

Yon lamang ang nakalagay, napaupo ako at binalik ang note sa baso. Galit pa sya dahil kung hindi gigisingin nya ako at magpapaalam bago aalis. Kinuha ko ang kutsara at kakain na sana ng biglang tumunog ang doorbell.

"Sino naman kaya yon" Nagmadali ako sa pagtahak sa pinto at nagulat ng makita si Mang Joe.

"M-mang Joe?" Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ko. Anong gagawin nya dito at bakit sya andito?

"Poppy, dumating na ang parents mo kagabi pa at pinapasundo ka nila"

Kinakabahan ako habang sakay ng kotse at mabilis na nagdridrive si Mang Joe. Hindi ko na ginalaw pa ang niluto ni Chunji kanina at mabilis na sumama kay Mang Joe. Dapat masaya ako dahil makikita ko na ulit ang parents ko, pero hindi e' kabadong kabado ako at hindi ko alam ang kung sasabihin ko sa kanila ang tungkol sa amin ni Chunji.

"Andito na tayo Poppy" pinagbuksan ako ni Mang Joe ng pinto at mabagal na lumabas doon. I miss our house at ilang buwan din akong hindi nakaapak dito.

Tuloy tuloy ako sa pagpasok at agad akong sinalubong ng mga kasambahay namin, binati nila ako ngunit hindi ko nagawang maibuka ang bibig ko dala ng sobrang kaba kaya nginitian ko na lang sila.

"Poppy my daughter" Napatingin ako sa hagdanan at nakita si mommy na pababa at ang matamis nyang ngiti. Agad na napawi ang kaba ko at tinakbo ang distansya namin at yinakap sya.

"Mom! God I missed you! Hindi man lang kayo nagpasabi na uuwi na kayo" Hinaplos naman nya ang likod ko bago humiwalay sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Tumaba si mommy at medyo tumangkad hindi parin maikukubli ang kagandahan nya kahit na sa mid 40's na sya.

"I missed you too darling! Sorry alam mo naman ako mahilig sa surprise" parehas kaming tumawa at muli nanaman nya akong yinakap.

"My asan po pala si daddy?" Nagtataka lang ako dahil hindi sila magkasama ngayon.

"Naku bukas pa sya dadating" Tumango ako bilang sagot at pinasadahan ng tingin ang bahay. Ganun padin naman at walang nagbago.

"So kamusta ang unica hija ko?" Umupo kami sa kalapit na sofa bago ako sumagot. Kinabahan nanaman ako ng maalala ang problema ko kay Chunji, hindi narin ako nakapagpaalam pa sa kanya na uuwi ako dito sa bahay at meron na si mommy, baka sumugod pa yon dito.

"Ayos naman po"

"Mabuti kung ganun, inaalagaan ka naman siguro ni Chunji dahil tumaba ka. Ay teka kumain ka na ba?" Napailing ako at ngumiti ng pilit.

Kung ganun wala pa syang alam tungkol sa amin, hindi sinabi ni Radd. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Ito na siguro ang magandang pagkakataon para sabihin kay mommy ang tungkol sa amin ni Chunji.

"Kumain ka muna anak, ipaghahanda kita" Tumayo si mommy at aalis na sana ngunit pinigilan ko sya.

"My, may boyfriend na po ako. Si Chunji po" Natigilan sya sa sinabi ko at napaawang ang bibig nya. Handa na ako dito, kung pagalitan man nya ako at sabunutan ay ayos lang, masabi ko lang sa kanila ang totoo.

"Magluluto lang ako, dito ka matutulog Poppy"

Tuluyan na syang umalis at iniwan akong uhaw sa sagot nya. Ramdam ko ang tabang sa boses ni mommy, pati ba naman parents ko hindi rin kami tanggap?

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon