Chapter 65: Problems

1.2K 23 0
                                    

|CHUNJI'S POV|

Mabigat man sa kalooban ko ay umalis parin ako ng bahay kahit umiiyak si Poppy sa kwarto ko. Nanatili ako sa pintuan habang nakasara at pinakinggan ang hikbi nya. Gustong gusto ko syang balikan sa kwarto ko at sabihin nya sa akin na huwag na akong umalis pero alam kung hindi nya gagawin 'yon dahil sya mismo ang nagtulak sa akin na umalis. Fuck! Irereject ko na 'yon e lalo pa at kasama si Sheila but I don't have a choice!

"Sir, andyan na po 'yong pinatawag nyong taxi" tumango lang ako sa kasambahay namin at hinarap ang nakasarang pintuan. I will miss my sweet Poppy.

Noong nasa airport na kami ay tahimik lang ako at hindi pinansin si Ken sa tabi ko na ngayon ay talak ng talak.

"Mabuti naman at pinayagan ka ni Poppy" nakayuko lang ako at nakaekis ang paa habang hinihintay na tawagin kami para makaalis na.

"Yon na nga e' pumayag sya. Dapat pinigilan nya ako"

"Dapat pa nga magpasalamat ka pare, hindi sya mahigpit at suportado ka pa nya. Three weeks lang naman e at uso na ang skype, makikita mo pa rin naman sya araw araw"

Hindi ako sumagot at kinuha ang cellphone ko at tinitigan ang maamo nyang mukha sa wallpaper ko. Ang intense ng nararamdaman ko sa kanya. Parang bomba na sumasabog ang pagmamahal ko. I'm fucking serious about her kahit wala pang isang buwan ang relasyon namin. Sagad na sagad ang pagmamahal ko sa kanya. Tagos sa buto. Shit! What have you done to me Poppy?

Hanggang sa pumasok na kami sa eroplano ay hindi ko pinapansin ang nga kasamahan ko. Tanging si Ken at Lavin lang ang kinakausap ko. Umupo ako sa tabi ng bintana at katabi si Ken na ngayon ay nakapikit na at may earphone sa tenga. Nahagilap ng mata ko ang katabi naming upuan. It was Sheila and Radd. Napatingin rin sya sa akin at kinawayan, tinaasan ko sya ng kilay pero inismiran lang ako ni Radd at may binulong kay Sheila.

"Tss" I look away at sinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan. This is going to be a tiring trip.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay nagigising ako sa tuwing may napapadaang stewardes para mag alok ng mga beverages na lagi ko namang tinatanggihan.

"Uminom ka naman, baka madehydrate ka na nyan kakaisip kay Poppy" inirapan ko lang si Ken pero tinawanan nya lang ako.

Itinuon ko ang pansin sa bintana. Madilim pero kitang kita parin ang hindi mabilang at kumikinang na bituin. Naalala ko nanaman noong birthday ni Poppy at ang binigay kung bracelet. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng byahe at ilang oras ko pa lang syang hindi nakikita ay namimiss ko na sya.

Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa UK. Sinalubong kami ng limo at doon kami lahat sumakay. Nauna akong pumasok at hindi na hinintay si Ken na ngayon ay nakikipag chismisan kay Radd.

"Hi! Pagod ka na?" Napatingin ako kay Sheila na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. Hindi ko pinansin ang sinabi nya at luminga sa loob ng sasakyan. Sinenyasan ko si Ken na lumipat dito ngunit ayaw nya. Fuck shit! Ayaw kung katabi ang isang 'to.

"You want drinks? Water-"

"No I am okay. I'm fine" Pinutol ko na ang sasabihin nya at tumingin sa labas. I am not fine, really! Lalo pa at katabi kita! I only want Poppy at kung pupwede lang sana ay luluwas na ako ng Pilipinas.

"I-I'm sorry Chunji"

Hindi ko na pinansin ang sinabi nya at hindi sya kinibo hanggang sa makarating kami sa bahay na tutuluyan namin sa loob ng tatlong linggo. Ani nila'y mahal daw masyado kapag hotel kaya nangupahan nalang sila ng bahay.

"Alam ba ni Poppy ba kasama si Sheila? Dude, alam ko ang tungkol sa inyo ni Sheila. Three years ago"

"Hindi. Hindi nya alam at hindi ko na kailangang sabihin 'yon dahil hindi na 'yon importante" sagot ko at inayos ang damit ko sa closet.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon