|CHUNJI'S POV|
Tumawa ako ng malakas na halos kapusin na ako ng hininga, hinawakan ko pa ang tyan ko at napaupo sa sofa. Niloloko ba ako ng babaeng 'to? Ang lakilaki na nya takot pa sya sa kulog at kidlat? Seriously?
Muli nanamang kumulog at kumidlat dahilan para mapayakap sya sa akin at sabay kaming napahiga sa sahig, nasa ibabaw ko siya nakayakap ang kanyang kamay sa leeg ko habang ang kamay ko ay nakayakap sa bewang nya,
"Hey Poppy are you okay" Umiling iling lang sya at ramdam ko ang likidong dumaloy sa damit ko. Damn! She's crying!
"Babalik na ako sa bahay! Ayoko dito!" Tumawa na lang ako at isinandal ang ulo ko sa sahig.Ang liit liit nyang tao kaya ang gaan gaan rin nya.
"It's okay kasama mo naman ako e' titigil din yang lintik na kulog at kidlat na yan" hindi pa rin siya umaalis sa ibabaw ko at ganun pa din ang pwesto namin, humigpit ang yakap nya sa akin at naramdaman kong sumagi ang paa nya sa pagkalalaki ko. SHIT!
"hoy poppy-"
"takot talaga ako sa kulog at kidlat simula nung nagcamping kami sa gubat" What the fuck? Manhid ba sya o' inosente! Yung ano ko naiipit!
"Poppy tumayo ka nga"
"ayaw ayaw takot ako" matigas nyang sabi at umiling iling pa. Napamura ako sa aking isipan at napapikit. Sige magdrama ka pa! Boys has guts! Langyang tuta'ng 'to!
"Iyong ano ko kasi naiipit"
"Anong ano?" Inosenta pa talaga. Paano ko ba ito mapaalis, ayoko namang maging harsh sa kanya dahil babae parin sya.
"Poppy yung ano ko naiipit"
"Anong ano nga-- AHHHHHH!" Sumigaw sya at napatayo at bumalik sa gilid ng sofa na nakaupo habang yakap-yakap nya ang kanyang tuhod. Tumawa ako ng malakas at umupo sa sofa. Tangina! 'Yong mukha nya pulang pula at priceless.
"Tama ang hinala ko! Malandi ka! Pumasok ka pa sa kwarto ko ng walang pahintulot!" Sigaw nya at sinamaan ako ng tingin na parang pinapatay nya ako sa kanyang isipan. Kinunutan ko sya pero nag made face lang sya at tumakbo papuntang kwarto nya. Weird, ako lalandiin sya?
***
|POPPY'S POV|
Nakakinis talaga 'yong lalaking 'yon! Sabihin ba namang naipit yung ano nya, pwede naman nyang sabihin na lumayas na ako sa harapan nya at naiirita sya. Mas maganda pa 'yon kaysa sabihin nyang-- umiling iling ako para maalis 'yon sa isipan ko. Kainis talaga!
Nagmumug ako at inilagay 'yong toothbrush ko sa tuktuk ng ref at aalis na sana ng makita ko si Chunji sa tapat ng mesa. Urgh! Nagiinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko sya!
Inirapan ko sya at linagpasan at kinuha 'yong mga gamit ko sa kwarto ko. Nag spray din ako ng pabango at bumaba na. Sumilip pa ako sa kusina pero wala na sya doon, buti naman dahil naalibadbaran ako sa pagmumukha nya.
Lumabas na ako at naglakad, ngunit nakakailang hakbang palang ako ng may bumusina sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang pamilyar na sasakyan. Hindi ko na lang sya pinansin pero tumigil sya sa tapat ko.
"Hop in"
"Ayaw" Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero sadyang makulit lang talaga 'tong lalaking 'to kaya naman napahinto nanaman ako sa paglalakad. Urgh! Masasapak ko na talaga sya!
"sasakay o sasakay"
"AYOKO!"
"Ayaw mo? Sige bahala ka 7:30 na alam ko namang hate mo ang subject na Math" Yeah right late na talaga ako. Pero ayaw ko talaga kasabay sya dahil baka malaman nila na nakatira kami sa iisang bubong ayoko non baka kaibiganin ako ng mga fangirls nya para lang mapalapit sa kanya.
Umirap ako sa kawalan at napilitang sumakay sa likuran pero hindi ko pa man lubusang nabubuksan ng magsalita nanaman sya.
"Oops dito ka sa harap, parang ako ang driver mo pag jan ka sa likod"
"Kapal" Umupo na lang ako sa tabi nya at padabog na sinara ang pinto.
"Ingatan mo naman yang sasakyan ko, nakikisakay na nga at di ko pa nakakalimutan ang una nating pagkikita" sabi nya at inismiran ako bago pinaandar ang sasakyan nya. Hindi na lang ako sumagot at tumingin sa labas. Ipaalala p atalaga! Nakakainis talaga! Urghhhh---
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
عاطفيةDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...