|CHUNJI'S POV|
"I said daring look! Hindi yung parang mahinhin!"
Ayan nanaman yung photographer na masungit.. Kanina pa ako pinapagalitan nyan simula nung nagsimula yung photoshoot kaninang umaga..Pasok sa isang tenga labas sa kabila.
Ewan ko ba! nabwibwiset ako! Hindi sana talaga ako pupunta sa photoshoot na ito kaso pinagalitan ako ng manager ko kahapon kaya yun no choice! Tangina talaga! Dapat babantayan ko si poppy ngayon ehh dapat kasama ko siya ngayon sa bahay! Tinakasan ako ng tutang yun nakakabwiset sarap itali para hindi na sya makalabas ng bahay. Sinabi ko na ngang huwag syang sumama sa kaibigan nyang yun!
Bakit nga ba ayaw ko? Ewan ko rin! Basta ayokong kasama nya yung lalaking yun. Kung ano anong rason na nga yung pinapalusot ko para huwag lang syang umalis pero wala ehh sinuway nya ako. Nakakaasar lang!
Maaga akong gumising ngayon para gisingin si poppy diba nga maglalaba kami? Tuloy-tuloy akong pumasok sa kwarto nya ng hindi man lang kumakatok bakit pa ako kakatok? wala din lang naman akong makikita
Tsk! Mahimbing parin ang tulog nya samantalang 7:00 na mataas na rin ang sikat ng araw.. Mabuti naman at umaayon ang panahon ngayon minsan kasi makulimlim pero hindi naman umuulan.. ambon lang.
Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Bakit ang taba ng pisngi nya? Sarap kurutin. Iginala ko ang mata ko sa loob ng kwarto nya.. Okay naman yung kwarto nya malinis at yun nga lang yung design Strawberry Shortcake.. Seriously?
Umupo ako sa may paanan nya at inayos yung kumot nya.. Tss! gisingin ko na kaya sya? Mukhang sarap na sarap sya sa tulog nya.. Humihilik pa nga.
"poppy" Bulong ko sa tenga nya ngunit hindi man lang sya nagising.
"poppy gising na" Bulong ko ulit at yinugyug siya.. ang hirap namang gisingin tong tutang to!
"hmm"
"wake up"
"mamaya na!" Sabay talikod sa akin at siksik ng mukha nya sa unan.
Aba at!
"HOY POPPY GISING NA!!!!" sigaw ko sa tenga nya at ayun napabangon sya ng wala sa oras!
"asan ang sunog!" Tumawa ako ng malakas habang hawak hawak yung tyan ko! I can’t help it! ang epic nya!
"chu-chunji!"
“su—wahahah-nog?”
“hoy! Anung ginagawa mo dito sa kwarto ko? At bakit mo ako sinigawan! Sarap sarap ng tulog ng tao ehh!” at nag pout sya sabay cross arms at talikod sa akin na ngayoy nakaupo sa kama nya
“wait lang poppy tatawa pa ako!" Pero bago pa ako tumawa ay binatukan na nya ako.
“aray! Bat mo ko binatukan!”
“buang ka! Labas ng kwarto at magaayos pa ako!” tumayo na sya at akmang papasok na sa CR ng hinawakan ko ang braso nya.
“ano nanaman?!” ayan nanaman yung death glare nyang hindi nakakatakot
“may laway ka pa at muta”
“unggoy ka! Labas!” at tuluyan na syang pumasok sa CR na pulang pula ang mukha. Lumabas na ako ng kwarto nya at hinintay sya sa may likod ng bahay para maglaba/
***
“aish! Hindi naman ganyan maglaba ehh! Paghiwalayin mo yung puti sa decolor!” kanina ko pa siya pinapagalitan.. paano kasi pinagsama sama nya yung puti sa decolor at pambahay sa mga casual na damit.

BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansaDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...