|POPPY'S POV|
Linisan ko ang parking lot na luhaan ang mata at mabilis na pumara ng taxi. Is this what I've got in return? Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari ay hindi ko na sana sya pinilit na umalis ng bansa, nang sana ay hindi ulit nag tagpo ang landas nila. He betrayed me. Ang sabi nya gagawin nya ang lahat maibalik lang sa dati ang relasyon namin. Pero ano 'yong ginawa nya kanina? Nakipagharutan sya sa babaeng 'yon!
Tumakbo ako papasok ng bahay at kaagad na hinanap si Manong Joe na ngayon ay nasa kusina at umiinom ng tubig.
"Po-Poppy? Hala kang bata ka! Bakit ka umiiyak?" Dinaluhan nya ako at hinagod ang likuran ko. Mas lalo lang akong naiyak sa ginawa nya.
"Magempake po kayo. Pupunta tayong La Union ngayon na po"
"Ano? Bakit? Pasukan nyo na bakit ngayon mo lang naisipan 'yan"
"Please po, ako na ang bahala kila mommy itetext ko po sila" Nagpakawala sya ng hininga at unti unting tumango.
"O sige. Jusko ano ba'ng nangyayari sa'yo"
Tipid akong ngumiti at pumuntang kwarto ko para makapagimpake. Isang malaking bag lang ang dala ko since may mga damit naman ako sa bahay namin doon. Mabilis akong naligo at wala pang trenta minutos ay handa na ako sa para sa mahabang byahe. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at naglagay ng konting concealer sa baba ng mata ko. I am not healthy anymore. Physical and emotional. Naubos na ata ang luha ko at tuluyan ng na drain ang mata ko. Nangangayat na din ako dahil sa walang kaganahang kumain. I'm leaving. Hindi ko kaya ang pinaggagagawa nya. I'm weak. So weak.
Nang makababa ako ay handa narin si Manong Joe at linalagyan ng tubig ang sasakyan. Tinignan ko ang gulong at nang makitang ayos naman ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pati pagsira ng sasakyan ay nagawa nya maibalik lang ako. He is so unbelievable! God!
"Sinabi mo na ba kila ma'am na aalis ka?"
"opo" And I lied.
Hindi ko sasabihin sa kanila na pupunta akong probinsya, hindi nila ako papayagan sigurado ako at magtatanong lang sila kung bakit ako luluwas. Kung sasabihin kung namromroblema ako kay Chunji ay kaagad nilang tatawagan ang lalaking 'yon and I can't escape kapag nangyari 'yon. Hindi ko rin pinaalam kila Yael na aalis ako at sinabi ko na rin sa mga kasambahay na huwag nilang sasabihin kung saan ako pupunta.
I want fresh air. 'Yong walang mabahong bagay sa paligid at alam kung sa La Union ko 'yon mararamdaman. I can't endure this pain. I'm too weak. Kailangan ko munang magpalakas bago sila harapin.
"Tara na Poppy"
Pumasok ako sa back seat at nirelax ang sarili ko. Bahala na kung ano ang mapala ko basta makaalis lang ako dito. Mag sisick leave na lang siguro ako sa klase.
"Anong oras po tayo makakarating?" tinignan naman ako ni Manong Joe sa front mirror bago sumagot.
"Alas diyes na siguro iha, mag aalas singko pa lang naman"
"Alam po ba ng asawa nyo na luluwas tayo? Uhm titira po muna kayo sa bahay kung gusto nyo" Tipid syang ngumiti at umiling.
"Oo alam nila Poppy. Sa bahay na lang siguro ako, malapit lang naman bahay namin sa inyo"
Tumango na lang ako bilang sagot at itinuon ang pansin sa mahabang traffic dito sa EDSA. Dito ang una naming encounter ni Chunji, nang dahil sa traffic na ito ay nakilala ko sya. Pinikit ko ang aking mata at sinubukang matulog muna. Sigurado akong ang caretaker lang namin ang maabutan ko sa La Union. Well mamasyal nalang siguro ako at magpapasama sa anak ni Mang Ibo, o 'di kaya ay kakamustahin ang pamilya ni Manong Joe. Bata pa lang ako ay kilala ko na ang pamilya nya, infact doon namin nakilala si Manong Joe.
![](https://img.wattpad.com/cover/5052238-288-k406555.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...