|POPPY’S POV|
Hay nabusog din ang sarap ng ulam ko binili ni hyunwoo wala na kasing laman yung refrigerator kaya yun nagpabili muna ako sa kanya ng makakain ko for dinner.
Tumayo ako at pumunta sa may sala manonood muna ako, maaga pa naman eh atsaka walang kokontra sa akin dahil wala si chunji. Ewan ko ba dun kung san pumunta or baka may pictorial nanaman sya.
Pumili ako ng channel kaso hindi ko gusto 'yong palabas kaya pinatay ko na lang at matututulog na lang. Tumayo na ako at pupunta na sana sa kwarto ko ng biglang bumukas ang pintuan.
“CHUNJI! mygod!” bigla na lang syang napahiga sa sahig inispread pa nya yung kamay nya at punas ng labi nya. Lumapit ako sa kanya at yinugyog.
“hoy chunji anong nangyari sayo” hindi sya sumagot ipinikit nya lang yung mata nya sabay lagay ng kamay nya sa noo nya.
“chunji ano ba! Sumagot ka naman!” naiinis na ako na nenenerbyos at kinakabahan baka kung napaano na tong mokong na toh ayaw pa naman sumagot!
“tumahimik ka nga!” medyo may halong pasigaw nyang sabi . Naamoy ko yung hininga nya sa pagsigaw nyang yon, sabi na nga ba ehh naka inom sya.
“tumayo ka nga jan oy! May kwarto ka po at hindi ka pwedeng humiga jan ang lamig ng tiles oh baka magkasakit ka!” hinila ko sya sa kamay para tumayo na pero ako pa yung hinila nya kaya napaupo ulit ako sa tabi nya.
“5 minutes, 5 minutes na lang ang sakit ng ulo ko” mahinang sabi nya,
Sino ba kasing nagsabing uminom sya ng marami kung sasakit din lang naman pala yung ulo nya, all of a sudden parang naaawa naman ako sa kanya. Paano ko ba toh makukumbinsi na tumayo na at matulog na lang sa kwarto nya, mas komportable sya dun eh!
“yan kasi iinom ka ng madami di mo rin pala kaya, buti pa nga at nakauwi ka ng maayos. Sira ulo ka talaga!”
Natawa naman sya sa sinabi ko sabay tayo pero napahiga ulit sya sa sahig.
“hoy! Dahan-dahan kasi mamaya mabalian ka ng buto jan” paano kasi ang lakas ng pagkabagsak ng katawan nya.
“childish ka talaga” sabay tawa ng malakas
“at ikaw naman ang dakilang baliw”
“sino ka nga ulit” napatingin ako sa kanya ng masama. Aba! Tong mokong na toh hindi alam ang pangalan ko, kasama nya sa bahay di nya alam pangalan.
“pinagloloko—“
“ahh ikaw nga pala yung housemate kong tuta” Bakit ganun yung tawa nya paglasinh! Nakakatindig balahibo! Pero tinawag nanaman nya akong tuta. Urgh!
“it’s poppy! Not tuta! Nakakainis ka na palagi mo na lang akong tinatawag na tuta”
Kinurot nya yung pisngi ko sabay tawa ulit ng mahina “hoy tu—este poppy. Joke lang” sabay peace sign sya. Ganito ba talaga sya paglasing, parang ang bait nya at maypagkaisip bata, sana nga palagi na lang syang lasing para mapagtripan ko sya.
“aray ang sakit! Chunji naman!” hindi nya ako pinansin instead tumayo sya.
Tumatawa nga ako ng mahina hihihi pano kasi para syang zombie maglakad nakapikit pa yung mata nya. Natutumba pa sya tapos mabilis ding tatayo. Ang epic lang nya talaga paglasing! Ang kyut!
Mayamaya lang ayy bigla syang huminto sa kalagitnaan ng hagdan. Napatigil naman ako sa pagtawa at sumeryoso ang mukha.
“bakit?” painosenteng tanong ko. Hindi sya sumagot. Bigla na lang syang natumba at humiga sa hagdanan.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...