|CHUNJI’S POV|
Huminga ako ng malalim at itinabi ang envelope sa ilalim ng mesa. Hindi ako makapagdecide, tatanggapin ko ba oh hindi ang kontrata? Pero sayang din naman kasi yun isang malaking opportunity yun sa akin. At isa pa binabalak ko na ring mag drop sa pag-aaral. Pero nasasayangan din naman ako kasi ilang buwan na lang gagraduate na ako ng highschool. Aish! Bakit ba ang hirap mag decide! Tss pinikit ko ang aking mata at hihiga na sana sa sofa ng may biglang nag doorbell.
“Aish! 10:00 pa lang may bisita na?” kahit tinatamd ako ay tumayo na lang ako para buksan ang pinto. Pero sana hindi ko na lang binuksan dahil mga asungot lang naman ang bisita ko. Ano nanaman bang gagawin nila dito!
“Good Morning!” masayang bati ni Ricky at minan to man hug ako. Tinanguan lang ako ni Cap sabay upo sa sofa. Si Ljoe at Changjo naman nag diretso sa kusina, may dala silang grocery tss. Si Neil naman tinitigan lang ako. What’s with the stare?
“What?”
“Asan si Poppy?” tinalikuran ko sya at umupo sa tabi ni Cap. Ano nanaman bang kailangan nila kay Poppy? Tss
“Hoy kinakausap kita”
“Nasa kwarto nya natutulog” parang hindi naman sya kumbinsido sa sinabi ko dahil sinamaan lang nya ako ng tingin. Ano bang problema nya sa akin? Aish! Nakakasira ng araw ang mga toh kahit kaibigan ko pa sila ayoko silang makita ngayong araw na toh.
“Chunji! Dito kami kakain magluluto lang kami” sigaw ni Ljoe mula sa kusina, hindi na lang ako sumagot at inon ko ang TV. Nakiupo naman sa akin si Ricky habang kumakain ng chips, si Cap naman tumulong din sa kusina.
“Hoy Chunji! Bakit hindi ka pumunta sa debut ng kaibigan ni Poppy? Alam mo bang nagtatrantums yun habang papunta kami sa Venue” Huh? Pumunta naman ako ah, late nga lang.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ako ang naghatid sa kanya sa Venue ng party halos hindi nga maipinta yung mukha nya kagabi” napatigil ako sa sinabi nya. Ibig sabihin masama ang loob sa akin ni Poppy dahil hindi ako pumunta? Pero pumunta naman ako ah. Aish! Nagtatampo lang siguro yun dahil umayaw ako nung tinanong nya ako kung pwede akong pumunta.
“May tinapos pa kasi akong trabaho” pagdadahilan ko na lang at kumuha ng chips sa mesa. Ayaw kong sabihin sa kanya na pumunta ako baka kung ano pang isipin nila na pakipot ko or whatsoever.
“Hello Poppy” napatingin ako kay Poppy na ngayon ay kakagising lang at may hawak na notebook. Aanhin naman nya yun tss? Muli kong naalala yung mga ngyari kagabi, kung gaano kami ka awkward sa isa’t isa matapos kong sabihin na may gusto ako sa kanya. Gusto kong sapakin ang sarili ko. Shit! Umamin talaga ako? Pero yung ang sinasabi ng puso ko, I like Poppy that much but, did she also feel the same way? Bakit ba ako napaparanoid kung may gusto din ba sya sa akin?
“Hi! Kanina pa kayo? Sorry napuyat kasi ako kagabi, you know debut ng kaibigan ko” she smile a genuine one and sit beside Neil. Bakit hindi sya makatingin sa akin? Naiilang ba sya dahil sa sinabi ko kagabi?
“Kararating lang namin couz, teka pagtitimpla kita ng juice-“
“Ano ka ba Neil huwag na ako na lang” umalis na sya at inilagay yung hawak nyang notebook sa mesa. Tinignan ko lang sya habang papunta sa kusina. Bakit ang pula ng mukha nya? Kinakabahan ba sya?
After a minute ay bumalik na sya, ganun parin yung expression ng mukha nya. What the—bakit hindi man lang sya makatingin sa akin kahit ni sulyap lang? Dahil ba umamin ako sa kanya kagabi. Wala namang masama sa sinabi ko ah. Sinabi ko lang na gusto ko sya naging aloof na sya.
Bigla na lang tumawa si Ricky ng malakas na halos mahulog na sya sa sofa. Napatingin kami sa kanya ng may halong pagtataka, lumabas rin mula sa kusina sila Changjo. Ano bang tinatawanan nya? Bukod sa hawak lang naman nya yung notebook na hawak kanina ni Poppy at hindi rin naman nakakatawa yung pinapanood namin, wala na akong makitang dahilan kung bakit halos mamatay na sya sa sarili nyang tawa.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...