Chapter 39: He is Sick Too

1.6K 35 0
                                    

|POPPY’S POV|

Yinugyug ko sya sa balikat  nya pero hindi man lang sya nagsalita. God! I’m starting to get nervous! “Chunji! Ano ba nangyayari sa iyo” Hindi parin sya nagsalita at ipinikit lang nya ang kanyang mata. May sakit na nga kasi sya lumabas pa sya ng bahay!

“Dadalhin kita sa Ospital” Inilagay ko ang kamay nya sa balikat ko at hinawakan ko ang bewang nya. Tatayo pa lang sana ako ng pigilan nya ako.

“Ayoko sa Ospital”

“Pero Chunji! Ang taas ng lagnat mo kailangan mong magpatingin sa Doctor” Hindi sya sumagot at tinanggal lang ang kamay ko sa balikat nya bago naglakad, muntik pa syang matumba nung nasa first step na sya ng hagdan. Kaagad ko naman syang linapitan at inakay papuntang kwarto nya. God! Magmamatigas pa kasi halata na ngang hinang hina sya.

Inihiga ko sya sa kama nya at tinanggal ang sapatos at jacket nya. Basa ng pawis ang likuran nya pero hindi nya iyon alintana dahil nagtalukbong lang sya ng kumot. Paanong hindi magkakasakit ito ehh ang lakas ng aircon dito sa kwarto nya at hinahayaan nyang matuyo yung pawis sa likod nya. Urgh! Inayos ko ang kumot nya at aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.

“Dito ka lang”

“Kukuha alang ako ng maligamgam na tubig” Binitawan naman nya ang kamay ko at hindi na muling nagsalita. Pumunta akong kusina at kumuha ng maligamgam na tubig. Kumuha narin ako ng gamot atsaka bimpo. Pagkatapos kong makuha ang mga kailangan ko ay bumalik na ako sa kwarto nya. Ganun parin yung pwesto nya kanina balot na balot parin sya ng kumot.

Tatanggalin ko na sana yung kumot nya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at tinignan ako ng masama. “may sakit na nga yung tao tsatsansingan mo pa” Aba! Pinagsasabi ng lalaking ito! Hindi ba pwedeng pupunasan ko lang sya ng maligamgam na tubig at papalitan narin yung damit nyang basa ng pawis.

“Wala akong oras sa kalokohan mo Chunji, pupunasan lang kita at aalagaan may sakit ka na nga nakuha mo pang pagsabihan ako ng ganyan” Lumungkot naman yung mukha nya at bigla na lang syang nag pout. Gusto ko tuloy matawa sa naging reaction nya sa sinabi ko. Ngayon naman para syang bata.

Bigla na lang syang bumangon at tinanggal ang damit nya yung kumot naman na nakabalot sa kanya bigla na lang nyang nilagay sa sahig. Nagulat ako sa ginawa at hindi man lang nakapag react. Ano bang ginagawa ng lalaking ito!

“Oh yan Poppy hindi na kita pahihirapan pa. Sige na punasan mo na ako ng makapagpahinga na ako gusto ko ng matulog.” Umupo pa sya sa gilid ng kama at hinilot ang noo nya.

“mahiga ka na lang masakit yang ulo mo”

“kaya kung tiisin”

Hindi na lang ako sumagot at pinunasan ko ang mukha nya. Pinikit pa nya yung mata nya habang pinupunasan ko sya. Nung matapos kung punasan ang mukha nya ay isinunod ko naman ang katawan nya. Nung una nag alinlangan pa ako kung ipagpatuloy ko ang ginagawa ko, hindi naman kasi sya nagsasalita at nanatiling nakapikit lang ang mata nya. Pero sa huli hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

“Talikod” Tumalikod naman sya at yung likod naman nya ang pinunasan ko. Wala namang malisya itong ginagawa ko pero hindi ko ba lam kung bakit ako kinakabahan. Jusko! Kung ano ano nanaman ang naiisip ko. Isinunod ko naman ang kamay nya nung matapos ko ang likod nya. Yung palad nya ang init naramdaman ko rin ang paglabas ng hangin sa ilong nya mas init ito kaysa sa palad nya. Inilagay ko ang likod ng palad ko sa leeg nya, ganun parin yung init nya hindi nababawasan parang mas lalo pa nga atang tumaas ang lagnat nya.

Nung matapos ko syang punasan ay kumuha ako ng damit  sa closet nya. Ibinigay ko iyon sa kanya pero hindi nya kinuha, itinaas lang nya ang kamay nya na parang sinasabi nitong isuot mo sa akin.  Hindi na lang ako umangal at isinuot yun  sa kanya. “Baby Damulag” sabi ko sa kanya pero ang loko tinawanan lang ako! May sakit na nga sya nakuha pa nyang maging arogante.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon