|CHUNJI'S POV|
Nasa kalagitnaan na ako ng aking panaginip kung saan maghahalikan na kami ng babae nung maramdaman kung parang may mabigat na bagay sa may leeg ko. Shit! Nananaginip lang ako! Baka naman may balak akong patayin nitong babaeng ito! Pero hindi ehh may malambot ng bagay sa labi ko pero hindi ko pa naman nahahalikan itong babae sa panaginip ko!
Dahan dahan akong nagmulat at marahas na tinulak si Ricky na ngayon ay nakayakap sa akin at nakahawak sa may dibdib ko yung isa nyang kamay!
What the Fuck! Anong ginagawa nito sa kwarto ko!
"tangina naman Ricky ehh! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko!" Sabi ko habang pinupunasan yung mukha ko gamit yung kumot! Paano ba yan nakapasok dito at bakit magkatabi kami!
"asan na yung babae!"
"hoy anong babae ang pinagsasabi mo!"
Tumayo sya mula sa pagkakahulog sa kama at tumingin sa akin ng may halong pagtataka.
Bakit parang wala ata ito sa sarili nya! Aish! Dahan dahan syang umupo sa may couch na nakakunot ang noo na para bang inaalala nya yung mga ngyari!
"nananaginip ako ehh! Dapat maghahalikan na kami nung seksing babae! Tapos may biglang tumulak sa akin!"
"tapos ako yung nahalikan mo! Tang ina mo Ricky! Kabaklaan!" Lumapit ako sa kanya at inakbayan, Sinuntok ko naman ang ulo nya gamit ang isa kong kamay.
Gago talaga tong lalaking ito! Tapos parehas pa kami ng napapaginipan! Aish! Hindi ko pinangarap na mahalikan ang isang kagaya nya!
"a-aaray! Bitawan mo na ako Chunji! Ang OA mo naman ehh a-aww parang panaginip lang ehh!"
"anong panaginip lang! Tang ina mo! Hinalikan mo ako ehh puno pa naman ng libag yang bibig mo!" Sabi ko at patuloy parin syang sinusuntok
"maka libag ka naman! Ehh ang dami kayang nagkakandarapa sa aking babae!"
"tae mo Ricky mga palusot mo! Paano ka nakapasok dito--"
Nahawakan nya yung kamay ko dahilan para mapahinto ako sa pagsuntok sa kanya. Nakahanap naman sya ng pagkakataon para tumakas at mabilis na lumabas ng kwarto ko! Aish! Humanda ka sa akin pag nahuli kita!
"hoy Ricky bumalik ka di--"
Literal na napanganga ako pagdating sa may sala! Anong ginagawa nila dito sa bahay ko! And worst! Gulong gulo yung mga unan sa couch kung saan saan na napunta tapos yung mga pinagkainan nila linalanggam na sa mesa tapos yung binigay kong ice cream kay po-- Teka! Ice Cream?!
Shit! Nakainom pala ako ng alak kagabi tapos-- Aish! Hindi naman ako lasing ahh pero bakit ang lakas ng loob kong bigyan sya ng ice cream! Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko kagabi at biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Ah shit! Bakit ako nakakaramdam ng ganito pag si poppy na ang pinaguusapan!
Nabalik ako sa katinuan ng biglang lumabas sa kusina si poppy ng naka apron ng blue habang nalakugay ang buhok nyang medyo curly. Umagang umaga namumula na sya tapos-- Then it hit me! Bakit parang ngayon ko lang na realize na ang ganda ni poppy? Sinabi ko bang maganda sya! Ayy tae! May mali sa akin! Pangit si poppy! Isa lamang syang walang pusong asong nangangagat ng pisngi! Tsss!
"hoy Chunji! Gisingin mo na sila at kakain na!" Sabi nya at muling bumalik sa kusina
Napatapik ako sa noo ko! Shit! Ano bang nangyayari sa akin!
Napatingin ako kila Neil na ngayon ay nakahiga sa sahig at pilit nilang pinagkakasya ang mga sarili nila sa maliit na comforter. Katabi narin nila si Ricky na ngayon ay mahimbing nanaman na natutulog. Aish! Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong kagulong mga kaibigan!
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansaDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...