|POPPY’S POV|
It’s been three days simula nung mag date kami ni Chunji well wala namang masyadong bago. Nakakainis nga lang! Kasi simula nun hindi na ako masyadong pinapansin ni Chunji. Kung andito sya sa bahay tatanungin lang ako kung anong kulang dito sa bahay kung may problema ba kung may laman pa ba yung fridge basta may kinalaman dito sa bahay yun lang yung palagi nyang tinatanong sa akin. Kakausapin nya lang ako kung related sa mga kailangan dito sa bahay. Nothing more Nothing less.
Pero bakit ganun! Naiinis talaga ako sa kanya! Parang wala syang pakialam sa akin, pero bakit nga ba nya ako pakikialaman diba? Isa lang naman akong hamak na babae na kasama nya dito sa bahay! Sigurado ako nakikipaglandian nanaman yun sa mga babae nya! Paano kasi kung nasa school sya puro babae ang kasama nya kahit half day lang sya kung papasok may oras parin syang makipaglandian urgh! Tapos yung mga babae naman sa school gustong gusto pa nila! Kaya kapag nakikita ko sya sa school umiiwas na lang ako o kaya ay kunwari hindi ko sya nakita.
Pero wala ehh! Andun parin yung epekto nya sa akin! That goosebumps kapag katabi ko sya sa room! Jusko kulang na lang ehh maging kamatis ako sa sobrang pula ng mukha ko! Isama mo pa yung puso kong abnormal ang tibok!
“waah! Nakakainis kang lalaki ka!” Ginulo ko ang buhok ko dala ng sobrang inis at sinuklay din kaagad. Mababaliw na ata ako ng wala sa oras! Guguluhin tapos aayusin din naman.
Humalumbaba ako sa harapan ng salamin at nilaro ang buhok ko gamit ang isa kong kamay. Friday na ngayon at last day na may pasok bago mag weekend pero tinatamad akong kumilos 6:15 na nga ng umaga ehh pero heto ako at kung ano ano ang naiisip imbes na maligo na.
“waah! Nakakatamad kumilos!” Tumayo ako at bumaba papuntang kusina para uminom ng gatas. Kailangan kung uminom ng gatas para mag ka energy naman ako ngayong araw na toh. Kailangang magsipag, makinig sa guro lalo pa at malapit na ang exam namin. Naku stress nanaman!
Dirediretso akong pumunta ng kusina ni hindi man lang lumingon sa ibang direksyon mahirap na at baka makita ko pa si Chunji baka bumalik lang ako sa kwarto ko at hindi na pumasok.
Pero laking gulat ko na lang nung makita si Chunji sa kusina at naghahanda ng agahan. Minsan kasi ako yung nagluluto sa umaga at sya naman sa hapon pero anong nakain nya at nagluto sya ngayon?
Napalunok ako ng makita ko ang suot nya bakit ba ang hilig nitong mag boxer short at mag sando tuwing umaga? Hindi ba nya alam na babae ang kasama nya dito sa bahay?!
Buti na lang at nakatalikod sya sa akin ngayon hindi nya ako nakikita kaya naman may chance pa akong mag back out na uminom ng gatas at bumalik sa kwarto ko pero nakakaisang hakbang pa lang ako ng magsalita sya.
“Oh poppy gising ka na pala pupuntahan na sana kita sa kwarto mo”
Napalingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit “ahh hehe may kukunin lang sana ako”
Pagsisinungaling ko at tumingin sa ibang direksyon. Waaah! That smile! Bakit good mood ata sya ngayon kasi naman yung ngiti nya abot hanggang poste ng meralco! At hindi lang yun kakaiba yung ngiti nya parang may something good na ngyari!
“Halika na kain na tayo” Linapitan pa nya ako at inalalayan na umupo sa tapat nya still wearing that smile of him!
Tinignan ko sya ng may halong pagtataka at napailing iling. Napansin naman nya yun kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti nya! Waah! Ano bang nangyayari sa kanya!
“Takas ka ba sa mental ngayon?” Imbes na mainis sya sa sinabi ko ay tumawa lang sya at nag simulang kumain ng niluto nyang bacon at hotdog.
“ikaw ata ang takas sa mental ehh” natatawang sabi nya
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansaDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...
