Chapter 26:A not so Man to Man Talk

2K 41 1
                                    

Side pic. credit to asdfghjklpink_panda ;)

 |CHUNJI'S POV|

Ilang minuto na akong andito sa labas ng bahay ni Frederick pero wala parin akong balak na lumabas ng sasakyan. Nag absent pa ako para lang puntahan sya! Tss masyadong pa VIP! Nakakaasar! Ayoko naman talagang puntahan sya ehh! Kaso kailangan dahil kapag si mama ang pupuntahan nya sigurado ako bibigay at bibigay nanaman sya! Aish parang teenager kasi si mama ehh! Dapat ang isipin nya na lang ehh kung paano iwasan ang bisugong Frederick na yun!

Napaangat ako ng konti ng biglang lumabas ng bahay si Catherine kasama ang anak nyang si Shitzi. Naglilinis sila sa may garden habang si Shitzi naman ay linalaro ang alaga nyang aso. Si Catherine ngayon ang asawa ni pa- Frederick! Ayoko syang tawaging papa bakit pa? Hindi ko na yun tatay! Mas pinili nya si Catherine keysa sa amin ni mama!

Tapos ngayon ang kapal ng mukha ni Frderick na puntahan si mama kahapon sa bahay! Nakakagago lang ehh! Meron lang sana ako kahapon sa bahay ng lola ko kung san nakatira dun ngayon si mama sigurado ako! Masusuntok ko ang bisugong yun! Ano pa bang kailangan nya! Matapos nyang saktan si mama! Tapos ngayon babalik sya! Para ano! Utuin si mama! Tangina lang!

Nakakaasar mang sabihin pero wala akong maramdamang galit kay Shitzi. Alam kong anak sya ni Frederick kay Catherine. Wala naman akong karapatang magalit sa bata dahil wala naman syang kasalanan at isa pa kahit papano kapatid ko parin sya sa ama. Sa katunayan may dala pa nga akong pasalubong sa kanya. Minsan dinadalaw ko sya dito para naman makilala nya ako bilang kuya nya. Hindi naman ako pinipigilan ni Frederick at Catherine na bisitahin sya. Mas mabuti pa nga daw yun para naman makabonding ko sya. Yun nga lang timing timing lang dahil ayokong pumunta dito kapag meron si Frederick or ang kuya nyang isa pang bisugo! Tss nakakakulo ng dugo ang dalawang bisugong yun!

Lumabas ako ng sasakyan dala dala ang pasalubong ko kay Shitzi. Mabilis naman akong pinagbuksan ng gate nung guard nung makita nya ako. Hindi na nya tinanong kung anong kailangan ko dahil kilala na nya ako.

"Kuya Chunji!" sigaw ni Shitzi at mabilis akong sinalubong ng yakap.

Binuhat ko sya habang yakap yakap at hinalikan sa pisngi "Kamusta na babay Shitzi! Namiss kita" Nakangiti kong sabi.

"Na miss din kita kuya chunji! Ang tagal mo akong hindi binisita" Naka pout nyang sabi at ibinaba ko sya. Umupo naman ako para magkapantay kami ng height at ginulo ang buhok nya.

"pasensya na baby busy lang si kuya"

"ohh Chunji iho anjan ka pala" Nakangiting bati ni Catherine nung makita nya ako

Sinagot ko lang sya ng tipid na ngiti at ibinalik ang tingin ko kay Shitzi. Hanggang ngayon andun parin yung konting kirot sa dibdib ko everytime na makita ko si Catherine. Hindi nyo ako masisisi dahil isa sya sa rason kung bakit kami iniwan ni Frederick. Sinong anak ba ang gustong masira ang pamilya nila? Kinakapalan ko na nga lang ang mukha ko tuwing pupunta ako dito.

"pasok ka muna" Iginiya nya ako papasok ng bahay at pinaupo sa may sofa "anong gusto mo? Tubig, Juice o kape?"

"water will do" Tumango naman sya at iniwan kami sandali para kumuha ng tubig sa kusina

"Baby Shitzi may pasalubong ako sayo" Itinaas ko ang isang paper bag at pinakita sa kanya. Mabilis naman syang lumundag sa kandungan ko at kinuha ang pasalubong ko sa kanya.

Mabilis nya itong binuksan at ganun na lamang ang pag twinkle ng mata nya ng makita ang laman nun.

"Wow! Kuya ang ganda nito! Thank you" Inilabas nya ito at yinakap yakap

Isang malaking hello kitty na unan ang pasalubong ko sa kanya na mas malaki pa keysa sa kanya. Well collection lang naman nya ang ibat ibang klase ng hello kitty basta may tatak na hello kitty binibili nya.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon