|POPPY'S POV|
Kung pwede lang lamunin ako ng kalsada.. sana nga! Jusko! Ano ba ito! wala man lang nagsasalita sa amin habang naglalakad. Nasa unahan namin si chunji habang nasa likod kami ni hyunwoo. Malapit lang naman ang bahay namin ahh pero bakit parang ang layo layo ngayong kasama namin si chunji? Bakit ang tagal naming makarating sa bahay?
"ahh poppy.. may gagawin ka ba this saturday?" tanong ni hyunwoo
"sabado? uhmm wala naman bakit?" nagtatakang tanong ko.
"yayayain sana kitang lumabas.. okay lang ba?" nakangiting sambit nya
"sige ba.. boring din naman--"
"diba may gagawin ka sa sabado?" pakikisabat ni chunji na ngayon ay nakatingin samin. Nahinto ako sa paglalakad at napakunot ang noo
"wala--"
"meron! maglalaba tayo! tambak na yung mga damit natin sa bahay" pangangatwiran nya
sasagot pa sana ako pero tinignan nya ako ng masama yun bang sinasabi nyang 'umo-oo ka or else' wahhh! ano bang nangyayari sa lalaking ito! Ibinalik ko ang tingin ko kay hyunwoo at "ayy oo nga pala hyunwoo hehe nakalimutan ko" pagsisinungaling ko
Naku! naiinis na ako sa lalaking ito!
"okay lang may linggo--"
"may gagawin din sya sa linggo maglilinis kami ng bahay" pakikisabat nya ulit
Konting-konti na lang masasapak ko na itong si chunji! anong pinagsasabi nya? ehh palagi namang malinis ang bahay ahh. yung sinasabi nyang tambak na yung labahan oo totoo yun pero yung maglilinis sa bahay! abay hindi na ako papayag! kung gusto nya sya na lang maglinis mag-isa. hmpp!
"hay naku hyunwoo! huwag mong paniwalaan yang si chu-"
"anong hindi! pupunta si mama sa bahay sa linggo.. kararating lang nya galing canada kahapon at gusto nyang pumasyal sa bahay.. gusto mo bang pumunta siya doon na marumi ang bahay?"
"ha? pero wala namang nababanggit sakin si tita na dadalaw sya sa bahay"
"pwes sa akin meron! huwag ka ng mangatwiran that's final!" Nag palipat-lipat ng tingin sa amin si hyunwoo at mukhang naguguluhan na sya kung sino ba ang nagsasabi sa amin ng totoo.
Sasagot pa sana ko pero bigla na lang umalis si chunji at nagpatuloy sa paglalakad.
"bilisan nyong dalawa ang bagal-bagal nyong maglakad" Hindi na lang ako sumagot at sumunod na lang sa kanya ganun din si hyunwoo
"sorry hyunwoo.. kung gusto mo next time na lang babawi ako promise"
"nah.. okay lang makakapaghintay naman siguro yung pamamamsyal natin" nakangiting sabi nya
Ngumiti na lang ako bilang sagot at tinignan si chunji sa harapan namin. naku itong lalaking ito! palagi na lang nangingi-alam! Kung nakakamatay lang sana ang pagtingin na masama. siguro kanina pa patay itong lalaking ito! sarap sakalin! naaalibadbaran ako sa mga sinasabi nya!
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at dina ulit nagsalita.. kapag dalawa lang kami ni hyunwoo ang magkasamang umuuwi sa hapon ang daming naming pinagkwekwentuhan halos hindi kami nauubusan ng topic at ang bilis din naming makarating sa bahay pero ngayong kasama namin si chuji.. bakit ang bagal ng oras? at halos napipipi ako diko alam kung anong sasabihin ko ang awkward tignan! jusko ewan!
Makalipas ang halos isang taon sa wakas nakarating na kami sa tapat ng bahay. naunang pumasok si chunji sa loob at naiwan kami ni hyunwoo dito sa labas.
"pasok ka muna" yaya ko sa kanya
"huwag na poppy may gagawin pa ako sa bahay ehh baka magalit yung ka boardmate ko pag na late ako. sige na pasok kana"
![](https://img.wattpad.com/cover/5052238-288-k406555.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...