|POPPY’S POV|
“But mom, ayaw ko kasama yun tapos argh--- babae po ako at lalaki sya buti sana kung pinsan ko yun, pero hindi naman, mom stranger po sya”
End of the world ko na final na ang decision nila mom titira na daw ako doon with him! I don't like that idea! Ang angas nyang tignan tapos I made a research about him at ang nalaman ko lang naman ay sya ang sikat na model ng isang clothing brand, isang Casanova na nag paiyak ng maraming babae at sya ang heartthrob ng school namin, ba't di ko alam 'yon, sabagay wala naman talaga akong pake sa mga taong ganun pero bakit sya ang napili ng parents ko! Urgh! Nakakabwisit!
“Baby it’s ok he's handsome and kind though, he is your ninang’s son and ill assure you magkakasundo kayo at mas okay na rin kung lalaki ang kasama mo doon para may magbantay sayo”
“Pero mom hindi nyo pa sya tunay na kilala malay nyo may balak palang masama yun saakin” God! Bakit nila ipagkakatiwala ang anak nila sa isang stranghero? I
“No baby mabait sya okay, at isa pa may tiwala ako sa ninang mo pati na rin sa anak nya”
“but mom—“
“Wala ng pero pero baby, mabait sya at ayaw mo nun kasama mo pa siya sa school kaya sigurado akong makikilala mo pa siya ng lubusan then sasabihin mo rin na MOM TAMA KA NGA ANG BAIT NYA”
“arghh--- no mom! hindi sya mabait akala nyo lang yun dahil hindi nyo pa siya nakakusap ng harap-harapan" Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin, kung alam lang sana nila kung paano ko nakilala ang kumag na 'yon!
“let’s go honey baka malate pa tayo, hi there baby how’s your new house?” Lumapit si dad sa akin sabay halik sa noo ko ang gwapo ng daddy ko, sigurado akong aalis nanaman sila para sa business namin.
“Ok naman po yung bahay simple lang pero yung kasama ko sa bahay ayoko" Suminagot ako at tinalikuran sila. Nakakainis natalaga ito, dapat hiningi muna nila ang suggestion ko bago nila patuluyin sa bahay ang lalaking 'yon!
“Sino? Chunji? Mabait naman sya e' at isa pa parang kapatid mo na rin yun dahil anak sya ng ninang mo”
“What?! pati ba naman ikaw dad ganyan ang sasabihin mo ano ba'ng nakita nyo sa lalaking yun” Ngayon pa lang, sinasabi ko ng hindi ako mag eenjoy sa bahay na 'yon. Mas gusto ko na lang ang palaging matrafiic kaysa sa makasama sya!
“Trust me baby, mabait si Chunji” nginitian pa ni ako daddy at hinalikan sa ulo bago ginulo ang buhok ko.
“Bye baby have fun sa new house mo with Chunji"
Umalis na sila ng bahay im pretty sure matatagalan nanaman bago sila makakabalik. And by the the way I'am Poppy Shin 16 yrs.old high school student, daughter of Elvira Shin and Daniel Shin. Only child kaya spoiled ako sa parents ko misan, masayahin minsan loner palagi kasing wala dito sa bahay ang parents ko dahil sa business, well wala akong magagawa dahil wala naman akong kapatid na lalaki, walang tutulong sa kanila pero ok lang naman kahit wala akong kapatid may mga pamangkin naman akong makukulit.
“Miss ready na po ang sasakyan”
Natauhan naman ako ng biglang magsalita si Manong Joe, I considered him as my second tatay bata pa lang ako e' pinaglilingkuran na nya family namin.
“sige po Manong”
Inayos ko ang damit ko at naglakad papuntang sasakyan this day na ako lilipat sa new house ko. Epal naman o' okay na sana e' kaso yung kasama ko sa bahay.
***
“Miss gising na andito na tayo”
Nagising na lang ako ng kinilabit ako ni Manong Joe. Kinusot ko ang aking mata at nakitang nasa tapat na kami ng bahay. Sumimangot ak at ngumuso. Nagbubuhat na si Manong ng mga gamit ko nung lumabas ako, naalibadbaran ako urgh!
“Miss kailangan mo pa ba ng tulong kung gusto nyo tatawag ako ng isa sa mga katulong sa bahay nyo”
“naku huwag na po manong joe kaya ko na ho ito”
“sigurado ka”
“opo manong joe, salamat po”
“kung ganun akoy aalis na, mag-ingat ka miss”
“Manong Joe talaga sabi ko Poppy nalang masyadong pormal yung miss at isa pa hindi na po kayo iba sa akin para na kitang tatay” natatawang sabi ko habang inaayos ang nagusot kong damit. Yumuko naman sya habang kinakamot ang kanyang ulo at tumawa ng mahina.
“sige na nga mi—este Poppy, naku ikaw talagang bata ka binobola mo ako. Sige poppy alis na ako tawagan mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong”
“sige po manong salamat po” nag bow ako sa kanya at lumakad na papasok sa bahay. Tinignan ko ang paligid. Ilang minuto lang ang kakailanganin upang makarating sa School. Mas malapit ito kaysa sa dating bahay namin. Huminga ako ng malalim at binitbit ang maleta ko. Actually madami pa akong naiwang damit sa bahay, babalikan ko na lang siguro bukas ng umaga.
Nabigla naman ako ng makita ko ang kumag na kasama ko sa bahay, nakasandal sya sa may pintuan habang naka cross arms. God! Kinakabahan ako sa kanya, kahit naiinis ako sa kumag na ito aaminin ko ang hot nya kahit nakapangbahay lang sya. Nakasando ng puti at naka shorts hanggang tuhod. Tinignan ko lang sya ng masama at pumasok na sa bahay, ngunit hinarangan nya ang dadaanan ko using his leg.
“get out of my way” mariin kong sabi.
“iisa lang ang kwarto”
Lumaki ang mata ko sa sinabi nya. Oo nga't may tiwala sa kanya si mama pero hindi naman siguro sila papayag na magkasama kami sa iisang kwarto. Urgh! As if!
"Pwede ba umalis ka na lang jan sa daanan" iniripan ko sya at hindi na lang pinansin ang nakakaloka nyang ngiti. Inalis naman nya ang paa nyang nakaharang sa dadaanan ko. Tinignan ko ulit sya ng masama at tuluyan ng pumasok sa loob.
Umakyat ako sa kwarto ko at ginala ang mata ko sa kabuuan nito, strawberry shortcake ang design, ang paborito kung panoorin during my childhood days. I know pang bata pero mas gusto ko kasi yung ganito. Naalala ko yung masasayang araw nung bata pa ako. Malaki ang kwarto ko mas malaki nga lang ang kwarto ko sa bahay namin. Uumpisahan ko na sanang ayusin ang mga gamit ko ng nauhaw ako.
Bumaba akong kusina para uminom. Nasan na kaya ang kumag nayun sana man lang umalis sya para maayos ko ng mabilis ang mga gamit ko, baka pag andito yun guluhin pa nya ako.
Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator at kaagad na uminom. Umakyat na ako sa kwarto ko at uumpisahan na sana ang pag-aayos ng makarinig ako ng pag flash ng tubig sa banyo.
Kinabahan ako at uminit ang katawan ko, god! Baka naman may multo dito! Unti unti akong lumapit sa banyo para makita kung sino man yung andun unti unti kung pinihit ang knob at unti-unti ko ring binuksan ang pinto, nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto.
“ANONG GINAGAWA MO SA BANYO KO!!!!!”
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
Storie d'amoreDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...
