Chapter 29: He is Sick

2K 40 3
                                    

|POPPY'S POV|

Napatingin ako sa wall clock at damn! Late na ako. Ngayong araw kasi kami magkikita ulit ni Kai diba nga yung deal kahapon. Ewan ko nga kung sino yung manlilibre ehh dahil hindi naman natapos yung laro namin kahapon. Di bale na nga mamaya na lang yun. Tinext na lang nya kung saan kami magkikita dapat pa nga ehh susunduin nya ako kaso sabi ko huwag na lang dahil baka makita sya ni Chunji mahirap na!

Mabilis akong bumaba sa sala at inilagay yung cellphone ko sa mesa sabay takbo papuntang kusina para uminom. Pagkatapos kung uminom ay bumalik na ako sa sala at laking gulat ko na lang nung hawak hawak na ni Chunji ang cellphone ko. Sht! Baka kung ano pang makita nun hindi ko paman din nadedelete text ni kai kagabi! Patay!

"sino to?" sabi nya ng hindi nakatingin sa akin tutok na tutok mga mata nya sa cellphone ko

"ahh wala yan akin na" Hindi ko pinansin ang masamang tingin nya sa akin at mabilis kong inagaw ang cellphone ko sa kamay nya

Ibinigay naman nya ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napahinto pa sya sa may bandang tuhod ko. Napalunok naman ako ng sabay sabay ng maalala ko yung sugat ko. Sigurado akong magtataka sya kung na paano yun.

 Pero mukhang nagkamali ata ako dahil bigla na lang syang umalis sa harapan ko at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto nya. Napabuntong hininga ako at umupo sa sofa sabay basa ng message galing kay Kai.

 Poppy asan kana? Andito na ako

Sigurado akong galit yun sa akin. Paano ba naman ilang beses ko ng sinusuway mga bilin nya.Bakit ko nga ba susundin mga utos nya ehh wala naman syang sapat na dahilan para layuan ko si Kai. And what's with his attitude? Bakit parang ang cold nya? Bakit nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko sa inakto nya? Oh damn this unknown feeling! Linisan ko ang bahay at pumara ng tricycle papuntang 7/11. Hays! Bahala na!

 ***

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating din ako sa 7/11 malapit lang naman ehh mga 15 minutes lang na byahe. Mabilis akong bumaba at pumasok sa loob at hinanap ko kaagad si Kai, nakita ko sya sa may sulok. Linapitan ko sya at tinapik sa balikat. Nakatalikod kasi sya sa akin kaya hindi nya ako kita.

 "hi" nakangiti kong bati

 "anjan kana pala upo ka" Ipinaghila nya ako ng upuan at umupo sya sa harap ko,

 "mabuti naman at nakapunta ka"

 "bakit naman hindi? Ehh manlilibre ka ngayon sayang din yung ice cream" natatawang sabi ko

 "diba dapat ikaw ang manlilibre? Sigurado akong ako naman yung mananalo kapahon eh"

Tignan mo nagmayabang pa talaga palibhasa naka eight points sya samantalang ako two points lang. Kasalanan ko ba kung hindi talaga ako maalam sa basketball ehh larong panglalaki yun.

 "uhmm sige uuwi na lang ako wala kasi akong dalang pera nakakahiya naman kung ikaw lang yung kakain"  Umakto akong malungkot at aalis na sana pero pinigilan nya ako

 "ikaw naman poppy hindi na mabiro, oo na ako na ang bibili dito ka lang" Poker face nyang sabi na para bang alam na nya kung ano ang ibig kung sabihin.

Gusto ko tuloy tumawa sa inakto nya yung mukha nya kasi priceless! Pero mukha namang alam na nya na sya na talaga ang manlilibre kasi nahuli ko syang ngumiti habang naglalakad papuntang counter.

Luminga ako sa paligid at huminga ng malalim, hanggang ngayon binabagabag parin ako nung ngyari kanina, alam ko may kasalanan ako kay Chunji pero wala naman sigurong masama kung sabihin nya yung dahilan diba? Sasabog na ata utak ko sa kakaisip ng kung ano-ano tungkol sa kanila ni Kai! Aish!

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon