Chapter 59: Contract

1.2K 23 0
                                    

|POPPY'S POV|

"Oh ayan, sagutan mo para makabisado mo ang technique sa pagsagot ng Algebraic Expression" ngumuso ako at kinuha ang papel kung saan nya sinulat ang isosolve ko. Kainis naman! Mag iisang oras na kami sa Math na ito at kanina pa nya ako sinusungitan.

"Kanina pa tayo sa Math, pwede 'yong ibang subject naman?" Kinunutan nya ako ng noo at kinuha ang papel sa akin.

"Poppy, I believe on you sa ibang subject pero sa Math?" Napailing iling sya at uminom ng juice na hinanda ng kasamabahay nila. Hinamapas ko sya kaya naman muntik ng matapon ang iniinom nya.

"Yabang!" Inikutan ko sya ng mata at kumuha ng cookies. Well, malapit na kasi ang exam namin for third grading nextweek na at ngayon pa lang ay nagrereview na kami para bago mag exam ay pagsscan na lang ang gagawin namin. Tumayo ako at umupo sa kama nya, masakit na ang pangupo ko dahil sa sahig kami nagrereview.

"Mayabang ka jan e' totoo naman 'yong sinabi ko" tumawa sya at umupo sa tabi ko. Tanaw mula sa kwarto nya ang dagat na ngayon ay malalakas ang alon.

"Oo na ikaw na magaling sa Math" ngumuso ako ngunit tumawa lang sya at inakbayan ako saka bumulong sa tenga ko.

"'di a. Hindi ako magaling sa Math, sayo ako magaling dahil lahat ginawa ko mapasagot ka lang"

Kinilabutan ako sa sinabi nya kaya naman medyo lumayo ako sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi nya. Bwisit na lalaking 'to 'di man lang sinabi na babanat sya! Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko at ang bilis bilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"I love you so much, my sweet Poppy" bulong nya ulit at saka humilig sa balikat ko.

Oh my god! May kung ano atang sumapi sa kanya! Ang mabilis na tibok ng puso ay mas lalong bumilis. Kakapusin na ata ako ng hininga lalo pa at inilagay nya ang isa nyang kamay sa bewang ko at inilapit ako sa kanya, ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko.

"Hindi ka man lang ba mag a-I love you too hmm?"

"Chunji tumigil ka nga!" Tumayo ako at bumalik sa sahig. Naku! Paano ako sasagot kung kinikilig ako? At isa pa parang nangaakit ang tono ng boses nya! Baka mamaya kung ano ano nanaman ang sasabihin nya!

Tumawa sya at sumunod sa akin, kitang kita ko sa mukha nya ang sobrang saya. God! Inlove na inlove talaga sya sa akin. Hindi rin maikukubli ang mapaglarong ngiti sa labi nya.

"I love you too lang ang gusto kung marinig parang hindi mo naman ako mahal. Come on Poppy spill it out" Tinaasan nya ako ng kilay at linigpit ang mga notebook at books sa lamesa.

"Ikaw naman kasi e!"

"O ba't kinikilig ka?"

"Alam mo na nga 'yong sagot nagtatanong ka pa!" Ngumuso ako at sumimangot. Tumawa naman sya at napahinto sa ginagawa nya pinaharap pa nya ako sa kanya at yinakap. Naramdaman ko ang labi nya sa ulo ko at tinungkod ang baba nya doon.

"Alam ko pero gusto ko pa rin kapag mismong sa labi mo lumalabas" Ngumiti ako kahit hindi nya kita at yinakap din sya. Lagi talaga nyang sinasabi na mahal nya ako, naging hobby na nga nya yata ang pagsabi nun.

"I love you too"

"That's my Poppy" hinalikan nya ang pisngi ko at bumaba ang ulo nya sa balikat ko. May sasabihin pa sana sya pero biglang bumukas ang pinto kaya naman mabilis akong kumalas sa bisig nya.

"Kayong dalawa jan bumaba na kayo, naku kanina pa kayo nag sstudy baka mamaya ma perfect nyo na ang exam. Nasa baba sila Neil" Kumindat pa sa amin si tita Thea bago sinarado ang pinto.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi sya umimik tungkol sa naabutan nyang yakapan namin ni Chunji, baka mamaya kung ano ano na lang ang isipin ni tita. Napatingin ako kay Chunji, ang mukha nyang masaya kanina ay busangot nanaman.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon