|POPPY'S POV|
Ilang araw na ang nakalipas simula nung umalis si hyunwoo, nasasanay na din ako na wala sya kahit minsan wala akong kasamang umuwi or kumain ng lunch. Minsan naman binibwisit ako ni chunji tuwing klase lagi nya akong kinukulit na huwag ko na daw lalapitan si Kai. Kung tatanungin ko naman sya kung bakit ang lagi nyang sagot ay basta!. Paano ko lalayuan ang isang tao kung ayaw nyang sabihin yung rason! Nakakahinga na lang ako ng maluwag tungkol sa kanila ni kai kapag hindi ko sya kasama, minsan kasi halfday lang sya.Nagtataka nga ako kung bakit ang dami parin nyang nakukuha sa tuwing may quiz kami samantalang mas madami pa syang absent kaysa sa araw na papasok sya.
Hanggang ngayon hindi parin alam ni Chunji na lumalabas kami ni Kai. Iniisip ko tuloy minsan na parang nagtataksil ko kay Chunji samantalanag hindi naman kami. Maganda namang kasama si kai ehh masaya at wala namang kahinahinala sa mga kilos nya. Ang dami ko tuloy nalaman tungkol sa kanya. May isa syang kapatid na babae namatay naman ang ama nya nung 15 years old pa lang sya. Ngayon naman ay may kinikilala syang ama dahil nangasawa muli ang mama nya. Nag stop sya sa pag aaral dahil tinatamad na daw syang mag aral. Ewan ko ba pero parang hindi ako kumbinsido sa dahilan nya na feefeel ko lang.
Mahilig din syang mag laro ng basketball halos yun na daw ang pinagkakaabalahan nya ngayon minsan naman nag sskateboard sya. Tulad na lang ngayon tinuturuan nya ako kung paano mag shoot ng bola. Sabado ngayon at walang pasok wala din lang naman akong gagawin kaya naman sumama na lang ako sa kanya.
"paano ba yan Poppy nakakaanim na puntos na ako" pagmamayabang nya sabay bato sa akin ng bola na hindi naman masyadong malakas
May deal kasi kami na kung sino ang ang mauunang maka ten points ay manlilibre ng ice cream bukas. May pupuntahan daw kasi sya mamaya kaya kung maari bukas na lang daw yung premyo. Pumayag naman ako tutal boring sa bahay.
"hays! Unfair naman kasi ehh hindi naman ako maalam dito buti ikaw ekspert na sa ganitong bagay" pagmamaktol ko at binalik sa kanya yung bola
"ano bayan Poppy hindi ko na nga ginagalingan ehh kumbaga basic lang tayo" natatawa nyang sabi sabay shoot ng bola
Gwapo naman si Kai ehh kayumanggi ang kulay ng balat nya manly din kung titignan at mukhang may ibubuga sa bugbugan. Yun nga lang sa bawat ngiti nya may lungkot sa kanyang mga mata. Sinubukan ko syang tanungin kung anong meron sa kanila ni Chunji pero sa tuwing magsasalita na ako umuurong yung dila ko.
"oh ano na tulala ka na jan" pukaw nya sa isipan ko
"makikita mo makaka shoot din ako"
Kinuha ko yung bola at nagsimula nang depensahan sya. Drinibble ko muna yung bola at naghintay ng tamang tyempo para maka shoot. Inispread nya yung kamay nya at nagsimula na syang harangan ako. Seryoso naman ako habang naghahanap ng timing, desidido talaga akong manalo sa laban na ito. Aba'y sayang din yung isang galong ice cream noh.
Nung nakahanap na ako ng tyempo ay mabilis akong tumakbo habang nag didrible at in an instant shoot pumasok ang bola.
"yes!" sabi ko sabay talon
"tuwang tuwa? hahaha dalawang puntos pa lang yan poppy may apat kapang hahabulin"
"makakahabol din ako"
"let's see"
Naagaw nya sa akin yung bola at mabilis na tumakbo palapit sa ring sinubukan ko syang harangan pero sadyang magaling lang talaga sya kaya naman na ishoot nyang muli ang bola.
"paano ba yan mukhang manlilibre ka bukas" nakangiting sabi nya habang nilalaro yung bola sa kamay nya
"aish naman ehh ang daya mo kasi!"
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...