Chapter 56: Birthday

1.4K 33 0
                                        

|POPPY'S POV|

Lumipas ang mga araw na maganda ang naging takbo ng relasyon namin ni Chunji, nakakatuwa at hindi galit sa amin sila mommy. Akala ko talaga no'ng una sasabunutan na nya ako at palalayasin dito sa bahay. Halos mangiyak ako noon sa kwarto ko at hindi lumabas ng sabihin ko kay mommy ang bagay na 'yon ngunit noong sinabi sa akin ni Chunji na nagkausap sila ni mommy at tanggap nya kami ay doon lang ako nabunutan ng tinik sa dibdib. It's like a rainbow after the rain. Nakakatuwa din at nasabi ko sa kanya ang tungkol kay Radd, noong una nagalit sya dahil hindi ko sinabi sa kanya na hindi lang ang date namin ang una naming pagkikita. Kalaunan ay kumalma rin sya ng ikwento ko sa kanya ang lahat.

At ngayon naman, ito ang araw na pinakahihintay ko. Ang aking 18th birthday. Hindi ako humiling ng magandang celebration kay mommy, sa katunayan kahit simpleng salo salo lang kasama ang mga taong importante sa buhay ko ayos na. Atsaka kung mag papadebut party ako baka konti lang ang dadalo dahil nasa ibang bansa ang mga relatives ko at hindi sila makakapunta. Kung ang mga kaklase ko ka naman, tss hindi ko naman sila gaanong ka close.

Inayos ko ang pinaghigaan ko at papasok na sana ng banyo ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si mommy at daddy na may hawak na cake na merong 18 candles.

"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday happy birthday. Happy birthday to you" 

Kanta nila habang lumalapit sa akin, tumawa ako at agad silang sinalubong ng yakap. This is what you call home, ang mayakap ang parents mo.

"Happy birthday Poppy! Blow your candles and take a wish" ani daddy at sinunod ang sinabi nya.

Pumikit ako at nag wish, para sa akin, para sa mga kaibigan ko sa parents ko at syempre para kay Chunji. Nang masabi ko ang gusto ko ay hinipan ko ang kandila. Nilapag naman ni daddy ang cake sa lamesa at niyakap ako at hinalikan sa pisngi.

"Dalaga na ang baby ko, wala na akong baby" nag emote pa si daddy na parang umiiyak. Hinampas sya ni mommy at sya naman ang yumakap sa akin.

"Happy birthday anak, sigurado ka bang ayaw mong mag debut party?" umiling ako at pumagitna sa kanila ni daddy.

"My huwag na po, atsaka ayos na ako sa pagdating nyo sa birthday ko. 'di ba nga mag fafamily lunch tayo mamaya"

"Yup at late ka ng nagising 10:00 na, ligo ka na at nang makaalis tayo"

"Okay mom, thanks sa cake"

Umalis na sila dala ang cake, ani mommy kainin nalang daw namin mamaya 'yon. Ngayong lunch parents ko ang kasama ko at mamayang gabi naman ay si Chunji at sila Yael. Sa bahay kami mag cecelebrate ng birthday ko at mag oovernight kami doon. Kahit papaano ay medyo nasasanay na akong dito sa mismong bahay namin ako nakatira, sa ngayon wala nang nakatira sa dating bahay namin ni Chunji dahil umuwi narin sya sa bahay nila.

Tinignan ko ang cellphone ko ng tumunog, sabay sabay ang pagtunog non at sa tingin ko ay sumasabog ang mga bati na matatanggap ko. Mabilis ko iyong kinuha at nanlaki ang mata ko ng 55 messages ang natanggap ko. Inopen ko ang inbox at napangiti habang binabasa ang mga greetings nila, karamihan ay sa galing sa mga relatives ko sa Canada ang ilan naman ay galing sa mga kaklase ko.

Puro 'happy birthday Poppy' ang laman ng mg text nila, 'yong iba naman ay halos nobela na. Nireplyn ko naman sila isa isa at nung makita ang pangalan ni Ricky ay mabilis ko 'yong inopen at iniskip ang ibang text.

Ricky:
Pi bday.

Ngumuso ako at binasa ulit ang text nyang 'pi bday'. Wow! Ang iksi na nga nung word na Happy Birthday mas lalo pa nyang pinaiksi! Hindi ko na sya nireplyn since nakakasama ko naman sya mamayang gabi.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon