|CHUNJI’S POV|
Four days na akong hindi kinakausap ni Poppy simula nung na confess ako sa kanya. It sucks! Lalo pa at nakatira kami sa iisang bubong. Gusto ko ng baliktarin ang bahay namin kausapin nya lang ako pero hindi ko magawa gawa dahil rinerespeto ko sya. Ano bang hindi nya maintindihan sa sinabi ko? I like her, yes really. Gusto ko syang kausapin pero lagi nya akong iniiwasan. Ang gusto ko lang naman malaman eh kung may nararamdaman din ba sya sa akin. I know masyadong mabilis pero hindi ko mapigilan ang puso ko sa tuwing nakikita ko sya.
Pinapanood ko lang sya mula dito sa bintana ng kwarto ko habang nagdidilig. Pinabayaan ko na lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil wala naman akong magagawa jan eh, hindi ko mapigilan, kakaiba. Yung mga ngiti nya, yung tawa nya halos kabisado ko na nga ang kabuuan ng mukha nya at kulang na lang ay matunaw sya sa kinakatayuan nya dahil kanina ko pa sya tinititigan. Kung alam lang nya sana na pinapanood ko sya, malamang iiwasan nanaman nya ako.
It went so fast, hindi na nga ako masyadong nakikipagkita sa mga babae sa mga bars at ang ilan kong babae. Ayoko silang tawaging girlfriend since wala namang naka attached na special feelings nung kami ng mga babae ko. First time ko ring mag confess sa isang babae, yun nga lang hindi ko alam kung may gusto rin ba sya sa akin. Nakakabaliw si Poppy. Gustong gusto ko na syang kausapin pero bakit kailangan pa nyang lumayo? Oo nga’t kasama ko sya palagi, nakikita at nakatira pa kami sa iisang bubong, pero pakiramdam ko ang layo layo nya sa akin.
Tumayo ako at inayos ang magulo kong buhok, hindi ako nakontento sa ayos nya at ginulo ko rin kaagad. Damn! Desperado na talaga ako. Kakausapin ko na si Poppy, no matter what it takes. Sasabog na ako kapag hindi pa nya ako kakausapin!
Mabilis akong bumaba at pumunta sa garden. Ganun parin sya nagdidilig at medyo kumakanta pa. Huminga ako ng malalim at linapitan sya. Nagulat pa sya ng makita nya ako.
“Hi” at tulad nga ng inaasahan ko, iniwasan nanaman nya ako at tinalikuran. But in spite of that napansin kong namula ang pisngi nya sa presensya ko.
“Poppy—“
“Papasok na ako, may gagawin pa ako” bago pa man sya makaalis ay hinawakan ko na ang braso nya at pinaharap sya sa akin. God! Naiinis na ako! Nag eeffort ako pero binabalewala nya! Bakit hindi na lang nya sabihin kung anong nararamdaman nya sa akin, tatanggpain ko naman kung anong desisiyon nya eh, hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya.
“Huwag mo akong iwasan—“
“Hindi kita iniiwasan may gagawin lang talaga ako” mahina nyang sabi at yumuko bago kinagat ang ibabang labi nya. God! God! God! Mababaliw ako sa kanya!
“Simula nung natapat ako sayo ganyan kana, naging aloof kana. Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?”
“Chunji—“
“No! Gusto kita Poppy, gustong gusto kita” tinitigan ko sya at mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya. Napasinghap naman sya and I saw a glimpse of smile on her lips. I can feel it! Na may gusto din sya sa akin ayaw nya lang sabihin! Nawala ang pagkainis ko at napangiti na lang din ako. Gagawin ko ang lahat ma pa amin ko lang sya, mark my word!
“Papasok na ako” nag iwas sya ng tingin at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya.
“Poppy isa! Pinapahirapan mo ba ako? Ganyan kaba talaga pag may gusto sayo ang isang lalaki?”
“Alam mo Chunji nahihibang kana!”
“It’s all because of you!” napatigil sya sa sinabi ko at tinitigan ako. Binigyan nya akong ng isang malaking confused look bago tumingin sa ibang direksyon. Shit! I’m going crazy! Hindi ko sya maintindihan! Nag tapat lang naman ako ah tapos ganito na sya. “What makes you think na linoloko lang kita?” napansin ko namang huminga sya ng malalim bago tumayo ng maayos sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...