Chapter 41: Confession

1.6K 32 0
                                    

|CHUNJI’S POV|

“Dalian nyo ngang maglakad! Napakabagal nyo!” singhal ko kila Changjo na ngayon ay nasa likod ko. Kanina pa yang apat na yan ehh! Aish hindi tuloy ako nakapasok dahil sa kanila, hanggang ngayon wala pa ring naaplyn na part time job si Changjo kaya ayun kinulit kulit nila ako na kung pwede daw ehh mag part time na lang daw sila bilang model. Tsk! Ano pa nga ba wala naman akong magagawa dahil kinaladkad nila ako papunta dito sa kompanya kung saan ako nagtatrabaho.

“Bakit pati kayo sumama?” tanong  ko kay Ljoe na ngayon ay nasa tabi ko.

“Mag papart time din kami ehh, sayang din naman kasi yung pera” sagot naman nya at ibinulsa ang kanyang kamay.

“atsaka gusto kong mag ipon for emergency lang, mag cocollege na rin tayo next year gusto kong mag adjust” pakikisabat naman ni C.A.P sabay ayos ng eyeglass nya.

Pumasok na kami sa elevator at pinindot ko ang 3rd floor. Sana lang andito yung pinakahead  ng modeling company na ito.Minsan kasi nag a-out of the country sya hindi ko lang alam kung nakabalik na sya from Argentina.

“Eh ikaw Ricky? Mag papart time ka din?”

“Yes, may gusto akong bilhin ehh”

“Ano naman yun?” tanong naman ni Changjo.

“Gusto kong bumili ng pusa since wala akong kapatid, mag aalaga na lang ako ng pet” sabi nya ng naka pout. Tsk! Kahit kailan talaga napaka isip bata nya iniisip ko tuloy kung sila ba ni Poppy ang tunay na magpinsan tss parehas sila ehh. Hind namin kasama si Neil ngayon naiwan sya sa bahay, sabi nya sya na lang daw ang maghahatid kay Poppy. And speaking of Poppy naalala ko yung panonood namin ng sunset kahapon dito rin sa building na ito. Bigla na lang akong napangiti habang inaalala ang pangyayaring yun.

“Huy!” nabalik ako sa katinuan ng tinapik ako ni Ricky. “Ngingiti ngiti ka jan para kang baliw tsk! Tara na” hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa floor ng office ng boss namin.

Nakita ko namang naglalakad si Ken patungo sa direksyon namin, may hawak pa syang frappe at pa sway sway pa ng ulo nya. Malamang naka earphone yan. Napatigil naman sya sa paglalakad ng marating nya ang direksyon namin.

“Hello! Good Morning!” bati nya sa amin sabay tapon nung baso ng frappe. Nginitian ko naman sya in return at pinakilala sila Ljoe.

“Si ano Ken katrabaho ko, mga kaibigan ko pala si Ricky, Changjo, Ljoe at Cap” nakipag man to man hug naman sila kay Ken bago nya ako tinignan.

“Anong sadya mo pare?”

“Hindi ako sila, gusto daw mag apply bilang model ehh anjan ba si boss”                    

“wala pa sya ehh mamaya pa siguro yun papasok” tumango tango naman ako bilang sagot at tinignan sila Changjo “Hintayin muna natin yung boss namin okay lang ba?”

“oo naman”

“kung ganun maiiwan ko muna kayo may gagawin pa ako sa baba ehh, later guys anneong” kumaway pa sya sa amin bago tuluyang pumasok ng elevator. Tsk! Ano naman kayang oras papasok yun? Dapat before lunch nasa bahay na ako. Gusto kong ipagluto si Poppy since half day lang ang pasok namin ngayon sa School, may special meeting daw eh.

“Hoy tulala ka jan!” pinitik ko yung noo ni Ricky at tumabi kay Cap na ngayon ay nakaupo sa bakanteng upuan dito sa lobby.

“Ang tangos ng ilong nya grabe! Ni wala pa sa kalingkingan yung ilong ko sa ilong nya”

“baka naman na babakla ka na sa kanya pare?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Ljoe

“Grabe! Pinuri lang yung ilong nya bakla na agad? Ipalo ko kaya sa ulo mo itong paso” sagot naman ni Ricky at akmang kukunin na sana yung paso sa tabi nya ng pinigilan sya ni Changjo.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon